CHAPTER 31: Joke

1.8K 65 0
                                    

CHAPTER 31: Joke

Nakatingin si Ella sa kanyang libro. Wala siyang magawa at wala rin naman siyang gana na makinig sa tinuturo ng prof niya.

"Ms. Crest are you even listening?" Masungit na tanong ng prof. 

Tinignan lang siya ni Ella na para bang walang pakelam.

"No sir." Diretso na sabi ni Ella habang humikab na bored na bored na siya.

"Go to detention! Now!" Sigaw ng prof. 

"No thanks." Lumabas na doon si Ella. Wala siyang pakelam gusto mung niyang manahimik.

Si Kiefer naman hindi na niya nakikita. Minsan na lang siyang magpakita.

"Aray!" Sigaw ni Ella ng bigla siyang banggain ng babae sa tapat niya. "Ay sorry akala ko pader."

Napataas ang kilay ni Ella at sinampal ang babae sa pisngi. "Aray! Grabe ang kapal ng mukha mo nasaktan yung kamay ko."

Sasampalin na sana siya ng babae pero hinigpitan ni Ella ang paghablot sa braso nito. 

"Kilala mo ba kung sino ako? Baka gusto mong mamatay ngayon?" Seryoso na sambit ni Ella kaya napaatras ang babae.

"Tsk bwisit kang Alpha's Princess ka! Hinahanap ko si Ron!" Sigaw ng babae kaya naman napatingin sa kanya si Ella.

"Bakit anong kailangan mo sa kanya?" Tanong ni Ella. 

"Girlfriend niya ako!" Sigaw sa kanya.

"Sino ka ba? Nasa AHQ sina kuya." Tanong ni Ella. 

"Ako si Hannah Alcantara. Girlfriend ni Ron. So, ikaw pala ang kapatid ni Zico?"

Napatango na lamang si Ella.

Nagulat siya dahil biglang ngumiti sa kanya si Hannah. "Sorry! Akala ko kasi kaaway ka ang seryoso ng awra mo kanina, e."

Ngumiti sila sa isa't isa. They're both weird. Kanina lamang ay nag-aaway tapos ngayon magkaibigan na. Tsk.

Dumiretso sila sa AHQ para naman tulungan si Hannah na hanapin si Ron.

Napangiti agad siya ng makita itong natutulog sa sofa.

Mabilis niya itong tinalunan at dinaganan sabay niyakap. Sa gulat ni Ron ay napamura siya.

Hinampas siya ni Hannah.

"Ano ka ba naman swag! Huwag mo akong mumurahin!" Sigaw ni Hannah.

Nagulat na tumingin sa kanya si Ron.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Binibisita boyfriend ko." 

Sa narinig ay mabilis na nagsilapitan ang ALPHA.

"May girlfriend ka na hyung?!" Sigaw ni Giro.

"Luh kawawa 'tong si Hannah!" Sigaw ni Ethan.

"Shut up." Sambit ni Ron.

Umiiling na lumabas doon si Ella habang nakangiti. Napatingin siya sa lalaking humawak ng kamay niya.

"Buti pa sina Ron may lovelife." Naiingit na sabi ni Ella.

"Bakit tayo?" Tanong ni Kiro.

"Ang tanong mahal ba kita?" Nang-aasar na sinabi ni Ella.

Tinignan siya ng masama ni Kiro. Kaya naman ngumiti siya ng alanganin.

"Umayos ka hindi ka kagandahan. Pero mahal kita, sungit." Nakangising sabi ni Kiro kaya naman namula ang mga pisngi ni Ella.

Hinampas na lang ni Ella ng mahina ang dibdib ni Kiro at napsubsob dito habang namumula pa. "Kainis ka!"

Ngunit...

Nakatingin lamang siya ng masama kayna Ella at Kiro. "Sisirain ko kayo. Makakabawi rin ako sa 'yo Kiro."

Napangiti siya ng mapait.

Tuluyan na siyang naglakad palayo sa lugar na iyon. Time is ticking.

Sa kabilang dako naman...

"Tigilan mo nga ako Giro!" Sigaw ni Irene kay Giro na kanina pa siya kinukulit.

"Sige na, please?"

Napaisip si Irene. Paano ko siya matitiis kung ang gwapo niya?!

"Ayoko kasing sumama sa inyo." Sagot ni Irene pero nagpout si Giro.

"Please? Kasama naman si Hannah at Ella, e. 'Yung girlfriend ni Ron. Atsaka tatlong araw lang naman tayo doon sa resort nina Ethan." Sagot ni Giro.

"Bakit ba kasi kailangan na kasama ako?" Tanong ni Irene kahit sa kalooban niya ay kinikilig na siya.

"Kasi gusto kita? Atsaka nililigawan na kita?" Napangisi si Irene sa sinabi ni Giro. 

"Talaga? Sino nagsabi na pumapayag ako?" Asar sa kanya ni Irene.

Napasimangot na lamang si Giro. 

"Joke!" Sigaw ni Irene kaya naman inakbayan siya ni Giro.

"So tayo na?" Tanong ni Giro pero binatukan siya ni Irene.

"Ang sabi ko pwede mo lang akong ligawan. Hindi ko sinabi na tayo na. Pwede pa nga kitang i-reject, e." Sambit ni Irene.

"What? No! You can't reject me. Akala ko ba gusto mo rin ako?" 

Natawa na lamang si Irene.

"Crush lang naman. Hindi naman kita mahal." Asar sa kanya ni Irene.

"'Wag mo nga akong asarin!" Sigaw ni Giro pero naglakad palayo si Irene.

Bago pa siya makaalis ay sumigaw na si Giro na ikinatuwa ng puso niya.

"Magiging akin ka rin Irene Sapphire Moon! Out of this world and kagwapuhan ko at ikaw naman ay taga-buwan kaya bagay tayo!"

Napailing na lang siya.

"Ewan ko sa 'yo."

Nakangiti na naglakad palayo si Irene. Hindi niya alam kung matatawa ba o kikiligin.

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon