CHAPTER 20: Rivals

2.4K 80 5
                                    

CHAPTER 20: Rivals

Nakatingin lang si Ella sa bintana ng classroom. Wala siyang gana na makinig ngayon sa lesson ng prof. Medyo maraming nangyari din.

Isang linggo na ang lumipas. Magaling na si Ron, hanggang ngayon hindi pa rin sila makapaniwala na agad na umatake ang SUPREME.

"Delikado na ang mga nangyayari..." Nasapo na lamang ni Ella ang kanyang noo.

Napatingin siya sa gilid niya at nakita niya na nakatingin sa kanya si Kiefer. "Oh, may problema ba?"

Napailing na lamang si Ella sa tanong ni Kiefer.

Binalik niya ang kanyang tingin sa bintana at nagulat siya dahil nakita niya si Kiro sa baba na nakatingin mismo sa kanya.

"Ano bang problema ng gangster na 'to?" Bulong niya sa sarili niya.

Pati si Kiefer napatingin sa gawi ni Kiro at hindi niya nagustuhan iyon.

Sinamaan niya ng tingin si Kiro at umiwas ng tingin. Si Ella naman ay nakakunot pa rin ang ulo.

Maya-maya ay lunch break na. Dumiretso agad si Ella sa AHQ dito sa classroom. Mamaya pa sila uuwi sa AHQ.

"Hoy gangster. Bakit ka andun kanina? Problema mo?" Agad niyang bungad kay Kiro na nagbabasa ng libro.

"Hoy ka rin maldita, bakit masama ba na tumingin ako sa 'yo? Feeler 'to." Asar ni Kiro kay Ella.

Sinuntok ng mahina ni Ella si Kiro sa kaliwang braso at mabilis na tumingin ng masama sa kanya.

"Ang yabang mo talaga, gangster!" Sambit niya bago tuluyang lumabas ng Kwartong iyon. Napatingin ang ibang miyembro ng ALPHA kay Kiro at ngumiti ng nakakaloko.

"Itong bunsong gangster natin. Kinikilig na mga men." Asar ni Ethan.

Mabilis siyang binatukan ni Francois. Natawa ang lahat.

"Ang laki mo na talaga Kiro." Masayang sabi ni Giro.

"Ay hindi kuya. Ang liit ko po. Kasing liit po ako ng height ni Zico." Asar ni Kiro kay Zico.

Tinignan siya ng masama ni Zico kaya ngumisi siya.

Napatingin siya sa necklace na napulot dati ni Ella na sa kanya.

"Destiny nga ba? May karibal ako, e." Mapait niyang sabi.

Napatingin siya sa kanyang kamay. "I hate it."

Sa kabilang palad naman ay dumiretso si Ella sa canteen dahil gutom na siya. Pagkatapos niyang umorder ng pagkain niya ay umupo na siya sa isang table.

Hindi niya makita ngayon dito si Irene. Siguro may ginagawa 'yun... Pag-iisip niya.

Napatingin siya sa tray ng pagkain na nasa harap niya.

Napakunot ang ulo niya kasabay ang pagtingin sa may ari ng tray na iyon.

Tinaasan niya ng kilay si Kiefer. "Oh, bakit andito ka? Andun yung mga lalaki. Tsk."

Nginitian lang siya ni Kiefer. A bright smile na nakita niya lang kay Kiro.

Ibang-iba ang ngiti nilang dalawa. At mas gusto ni Ella ang ngiti ni Kiro. Ang totoong ngiti ng isang Kiro Minlay.

'Di bale ng madalas ay pilit ang mga ngiti ni Kiro. Basta makita lang iyon ni Ella hindi niya alam pero.... napapangiti na rin siya. Ng dahil sa ngiting iyon.

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon