CHAPTER 7: Weapon

3.3K 107 6
                                    

CHAPTER 7: Weapon

Nakangisi ngayon si Kiro habang nakatingin kay Ella. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kahapon.

"Ikaw..." Kiro whispered. Something's bothering him. Babalik ang Supreme at may plano kay Ella. "Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa 'yo."

Agad siyang tumalikod nang nakita niyang napunta sa kanyang direksiyon ang paningin ni Ella.

Tuluyan na siyang naglakad palayo. His footsteps were stopped nang mabangga niya ang kung ano.

"'Yow man." A voice said.

Tinignan niya ng masama ang taong kanyang nakabanggaan.

"Gon, layuan mo si Ella. Paano ka nakapasok dito?!"

"Kiro... We always have our ways."

Agad na sinapak ni Kiro si Gon. Nagdugo ang babang labi nito.

"Teritoryo namin 'to, alis!"

Ngumisi muna si Gon bago tumakbo paalis. Kiro was frustrated.

Sa kabilang dako...

"Kuya Zico! Hindi ko nga alam!" Sigaw ni Ella habang nakatingin kay Zico.

Andito sila ngayon sa AHQ na nasa school. Nawawala kasi ang cellphone ni Zico. 

"Tch. Fine!" Si Zico.

Biglang napatingin ang lahat kay Kiro ng dumating ito. Agad niyang ibinato ang isang baril at punyal kay Zico.

Tinignan siya ng lahat na may kunot noo. 

"Kiro anong ibig sabihin nito?" Seryosong sabi ni Ron.

"Bro, bigay niyo 'yan kay Ella. Teach her how to use that. I don't think training her for self-defense is enough." Seryosong banggit ni Kiro.

Nanlaki ang mata ni Ella. "A-Ano?! Hindi ako hahawak ng ganyan!"

Tiningnan siya ni Kiro. His stare was piercing. "Pero kailangan mo. Dalhin mo 'yan lagi kahit saan ka man magpunta."

"I don't need this, Kiro! I'm fine with self-defense!" Angal ni Ella.

Tinaasan siya ng kilay ni Kiro.

"Sa tingin mo ba patas maglaro ang kalaban? Kung martial arts lang ang gagamitin mo, how sure are you that they'll fight the same? You have no chance to win, you need that." Sabay turo sa punyal at baril na hawak ni Zico.

"Hindi ako pwedeng humawak ng ganyan. Hindi ako mamamatay tao!" Sigaw niya.

"Weapons are not made to kill. It's made to protect the one you love." Iyan ang huling sinabi ni Kiro bago siya tuluyan na umalis.

Naiwan doon na nakatulala si Ella kasama ang iba pa.

"Kuya, hindi ko kayang hawakan 'yan." Giit ni Ella. "How can he even say those things? Weapons are made to kill! Kahit ano pang dahilan, mali pa rin!"

"Bakit naman? Huwag kang mag-alala, tuturuan kita. Gamitin mo ito sa tamang paraan."

Ella gritted her teeth. Ayaw niya. She's not like that. But when she saw the seriousness in everyone, natigilan siya. She doesn't have a choice and she knows it.

Tinanguan niya ang kaniyang kuya.

Nagsimula silang pumwesto at tinuruan si Ella.

Pagkatapos ng tatlo at kalahating oras ay natapos na sila sa pagtuturo. 

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon