CHAPTER 6: Dream

3.3K 107 4
                                    

CHAPTER 6: Dream

Hindi maganda ang pakiramdam ngayon ni Ella. Masakit ang kanyang katawan at nandito siya sa AHQ, sa bahay nina Kiro. Dito muna siya ngayon dahil walang mag-aalaga sa kanila sa bahay nila.

"Ella, okay na ba ang paa mo?"

Napatingin si Ella kay Zico na pumasok ng kwarto. Umiling si Ella.

"Hindi pa kuya."

Napangisi si Zico. "Mukhang hindi ka pwedeng mag-training ngayon. Magpahinga ka muna."

Naiwang nakatunganga si Ella. Masakit ang katawan niya. Siguro ay dahil na rin sa walang tigil na pag-training magmula pa nung isang linggo. Marami na siyang natutunan at kasama doon ang martial arts tulad ng arnis at taekwondo.

Wala na siyang nagawa kung hindi ang humiga na lang at magpahinga.

"Pangako."

"Pangako."

"Pangako."

Hindi lahat ng pangako natutupad. Napaisip siya. Kasabay 'non ang kanyang ngiting napakapait.

"Siguro nga... Hindi dapat ako umasa na lagi silang magiging masaya. Ang buhay kasi... 'di patas."

Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago tuluyan na makatulog.

Hindi alam ni Ella kung nasaan siya pero may nakikita siya na maraming bulaklak sa paligid. Iba't-ibang uri ng bulaklak.

'Luh! Nasaan ba ako?'

Napatingin siya sa isang kamay na humawak sa kanyang kamay. May humawak din sa kabila niyang kamay.

"S-Sino kayo?" Napatingin siya sa dalawang tao na nakahawak sa kamay niya.

"Kami ang mga magulang ni Kiro."

Halos manigas na siya sa kaniyang kinatatayuan. 

"K-Kayo po ang magulang nina Kiro at Giro? P-Patay na kayo!" Nagpapanic na sabi ni Ella.

Napangiti ang mga magulang nina Kiro kasabay ang tuluyan na paglayo kay Ella.

Bigla siyang nakarinig ng boses. "Kami ang magulang ni Kiro at Giro. Huwag kang mag-alala, lagi namin silang babantayan."

Biglang may luha na tumulo sa mga mata ni Ella.

"Pangako."

Nagising si Ella dahil nagugutom na siya. Agad siyang dumiretso sa kusina ng bahay nina Kiro para maghanap ng makakain.

Nang makahanap na siya ng makakain ay agad siyang umupo sa upuan at kumain sa lamesa.

Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang kaniyang panaginip.

"Ang weird naman ng panaginip ko. Bakit naman sila magpapakita sa akin?"

Napailing si Ella at inubos ang pagkain bago dumiretso sa sala.

Nakita niya na prenteng nakaupo doon si Kiro habang nanonood sa TV.

"Oy gangster. Nasaan sina kuya?"

Tinignan siya ni Kiro pero agad naman itong umiwas ng tingin at para bang walang narinig.

"Earth to Kiro! Nasaan sina Kuya?" Pag-uulit ni Ella sa kanyang tanong.

Nagsuot ng earphones si Kiro habang nakikinig ng kanta sa kanyang cellphone.

Hindi na napigilan ni Ella ang kanyang inis at binato ng sapatos si Kiro sa may tyan.

"Aww!"

"'Yan ang bagay sa 'yo gangster! Nagtatanong ng maayos tapos hindi ka mamamansin."

Paalis na sana si Ella pero agad na hinablot ni Kiro ang kanyang kamay papalapit sa kanya kaya naman parehas silang bumagsak sa sahig.

Si Kiro ang nasa ilalim at nasa taas si Ella.

Pulang-pula na ang kanyang mukha pero hindi niya magawang umalis. Mas lalong inilapit ni Kiro ang kanyang mukha.

"Enjoying the view?"

Para bang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Ella ng marinig niya ang sinabi ni Kiro kaya agad siyang napatayo pero hinila siya ulit ni Kiro kaya napabalik siya.

"Kiro, b-bitawan mo ako!"

"Say that you love me."

"H-Ha?!"

Napangisi si Kiro at umiling.

"Wala, sabi ko ang panget mo!"

Agad namang sinuntok ni Ella ng mahina si Kiro sa dibdib.

"Grabe ka kung makapanglait! Ang bait naman ng magulang mo."

Agad na napatayo silang dalawa at napangisi si Kiro habang nakatingin ng matalim kay Ella.

"Paano mo nalaman?"

"Hindi na importante 'yon. Aakyat na ako. Goodnight."

"She's really something. Such a weirdo..."

Habang busy ang dalawa ay kausap na ni Zico si Gon.

"Kailan ka magsisimula?" Tanong ni Zico kay Gon.

"Wala kang pake."

Agad na napangisi si Zico sa sinabi ni Gon. "At talagang hindi ka pa natututo sa mga ginawa namin sa 'yo."

"Talagang hindi ako matututo." Hindi na pinansin ni Gon si Zico at tuluyan ng naglakad pero bago siya tuluyan na makaalis ay hinawakan siya ni Zico sa braso.

"Layuan mo ang kapatid ko."

At tuluyan na siyang naglaho.

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon