CHAPTER 10: Mystery

2.7K 76 3
                                    

CHAPTER 10: Mystery

"Aray!" Napahawak si Ella sa kanyang kanang paa sabay siyang napaupo sa damuhan.

Tumatakbo lamang siya ngunit biglang may tumusok sa kanyang paa. Nakita niya na nagdudugo ang kaliwang bahagi nito.

"Lagot na ako kayna kuya nito."

Tiningnan niya ang palagid nitong garden. Baka sakaling makita niya kung ano yung tumusok sa kanyang paa pero wala siyang nakita. Hindi siya makatayo dahil medyo masakit nga yung pagkakatusok sa kanyang paa.

"Bahala na."

Agad niyang pinunit ang dala niyang tuwalya atsaka iyon inikot sa kanyang dumudugong paa.

Mabilis siyang tumayo. "Ah!"

Hindi na niya pinansin ang sakit na nararamdaman at dire-diretsong naglakad. Habang naglalakad siya sa hallway ay pinagtitinginan siya ng mga tao.

"Luh! Anong nangyari sa prinsesa?"

"Lagot! Magagalit ang ALPHA nito."

Walang nag-isip na tulungan si Ella dahil baka madamay pa sila sa gulo.

"Beshty! Anong nangyari sa'yo?!" Agad na inalalayan ni Irene si Ella.

"W-Wala 'to.."

Agad siyang diniretso sa Headquarters ng Alpha dito sa school. Wala pang tao kaya naman pinaupo muna ni Irene si Ella sa sofa.

"Beshty pasalamat ka wala pa ang mga kuya mo dito! Nasaan ba yung first aid kit? Andaming dugo!"

Hahanapin na sana ni Irene ang first aid kit ngunit biglang bumukas ng malakas ang pintuan at iniluwa ang ALPHA.

"Anong nangyari sa'yo, Ella?!" Sigaw ni Zico na agad namang kinuha ang first aid kit at ginamot si Ella.

"Sige aalis na ako..." Umalis na si Irene.

"W-Wala 'to kuya ano lang... N-Nadapa lang ako kanina, oo!" Tiningnan siya ng masama ni Zico.

"Huwag kang magsinungaling."

Nakita ni Ella na ang sama ng tingin sa kanya ni Zico. Patay nagalit si kuya. Napaiwas na lamang ng tingin si Ella at napatingin sa baba. "Kuya..."

Agad na nagsalita si Zico. "Sino ang may gawa niyan?"

Tiningnan siya ni Ella. Halata sa mga mata niya na takot siya dahil sa naging reaksiyon ngayon ni Zico. "Kuya, nasa garden lang ako tapos parang may biglang tumusok sa paa ko."

Tiningnan ni Zico ang kanyang paa.

"Guys, ikutin niyo ang buong Academy! Huwag niyong hahayaan na makalayo ang may sala." Utos ni Mark na agad namang sinunod ng ALPHA.

Napatingin si Ella sa sugat niya. Shocks. Masakit nga. Agad naman niyang nakita si Kiro na nakatayo sa gilid habang nagmamasid sa kalagayan niya.

Bakit hindi siya sumunod kayna Mark at kuya? Kami na lang natira dito.

Tatayo na sana si Ella pero may kamay na pumigil sa kanya. Tiningnan niya ito at sinamaan ng tingin. "Ano ba Kiro? Bitawan mo nga ako."

Hindi siya pinansin ni Kiro at marahang inupo ulit. "Hindi ka pa magaling kaya magpahinga ka muna d'yan. Huwag kang makulit kung ayaw mong ikulong kita dito."

Ella glared at him. "Ano bang pake mo?"

Napangisi si Kiro at tumayo. Nilagay niya sa kanyang bulsa ang mga kamay at sabay na binuksan ang pinto. Pero bago pa siya makaalis, may sinabi na siya.

"May pake ako. Bakit?"

Napatigil muna siya sandali at may binulong.

"Dahil may pake ako sa'yo."

Atsaka siya tuluyang lumabas. Hindi na lamang iyon pinansin ni Ella at tuluyan na siya nagpahinga.

His sentence didn't even make any sense.

Si Irene at Giro naman...

"Ah! Ano ba, dahan-dahan ka nga." Sigaw ni Irene kay Giro. Medyo nagiging maayos na ang dalawa pero parang aso't-pusa pa rin.

Malakas na tumawa si Giro. 

Irene glared at him. "Bipolar ka talaga!" 

Tini gnan siya ni Giro sabay na ngumisi. "Only for you."

Naglakad na papalayo si Irene. Binitawan na rin niya 'yung arnis stick na dala niya. Nagpapaturo kasi siya kay Giro tapos ang lalaki ay heto't naglalaro lang.

Madalas talaga na ganyan sila. Kapag nga ikaw ang aawat sa kanila talagang mahihilo ka. Wala sa kanila ang gustong magpatalo. 'Yung isa, pikon. Ang isa naman ay mahilig mang-asar.

Ang sweet talaga nilang tignan.

Ngunit balik kay Ella...

Nakaupo lang si Ella dito sa kanyang kama sa AHQ, sa bahay nina Kiro. Hindi siya pinayagan na umuwi ngayon sa bahay nila dahil late na uuwi si Zico at baka kung ano pa ang mangyari kay Ella.

She doesn't have a problem with that dahil nasasanay na rin siyang maglagi dito sa bahay nina Kiro.

Nakatingin lang siya sa kanyang paa na nasugatan kanina sa Academy.

"Everything's getting weird. Hindi ko na maintindihan."

It's such a mystery.

Humiga si Ella atsaka tumingin sa ceiling. "May katapusan pa kaya ito?"

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon