CHAPTER 37: Sacrifice

1.8K 51 8
                                    

CHAPTER 37: Sacrifice

Kakalabas pa lamang ni Ella ng banyo dahil kakatapos lamang niya na maligo. Huling araw na nila ngayon dito sa resort kaya naman nagbabasta na sila.

Mamayang gabi pa naman sila aalis kaya pwede pa silang magikot.

"Girls! Ikot tayo?" Tanong ni Hannah.

"Sige ba!" Sigaw nina Irene at Athena kaya napatingin sila kay Ella. 

"Ahm... Sige susunod ako. Mag-aayos lang." Nakangiting sabi ni Ella.

"Sige. Hintayin ka namin sa lobby!" Napangiti si Ella tsaka siya tumango.

Pagkatapos naman na makalabas nina Irene ay naiwan si Ella sa hotel room.

"Start." Sambit niya. She knows that something can happen anytime. Lalo na at... hindi patas maglaro ang kalaban.

Pagkatapos ni Ella na mag-ayos ay bumaba na siya sa lobby upang puntahan sina Irene.

"Ella ang tagal mo naman! 'Dun tayo sa restaurant! Narinig ko, masarap daw yung shakes na ginagawa nila dun!" Sigaw nina Irene kaya naman napatango na lamang si Ella.

Pagdating sa restaurant ay umupo na sila at umorder.

"Hello! May I take your orders?" Nakangiting sabi ng waitress habang hinihintay ang sagot nina Ella.

"I'll have a strawberry shake." Athena.

"Hmm... mango shake." Hannah.

"Ano pa yung flavors niyo dito?" Tanong ni Irene.

Ngumiti naman ang waitress. "Well we've got chocolate shake, cookies and cream, caramel, and double dutch." Saad nang babae.

"Ah! Caramel Shake!" Masayang sambit ni Irene kaya naman napatingin sila kay Ella.

Ngumiti naman si Ella sa waitress. "I'll just have cookies and cream." 

Napatango na lamang ang babae at umalis na.

Napatingin naman silang lahat kay Ella na kanina pa rin tahimik at malalim ang iniisip.

"Ella may problema ba?" Tanong ni Athena.

"W-Wala naman po ate. May iniisip lang po ako." Sagot ni Ella.

"Naku! Beshty ah... Hindi ko gusto na nagtatago ka ng sikreto sa akin." Nakasimangot na sabi ni Irene kay Ella.

"Oo nga Ella! Nakakainis ka na ah!" Natatawang sabi ni Hannah kaya naman ngumiti lang si Ella.

"Basta kapag may nangyari, lagi kayong magtitiwala kayna kuya ah?" 

Tumango na lamang sina Irene kahit na hindi naman nila alam ang pinagsasasabi ni Ella.

"Wow, ang sarap!" Sigaw ni Hannah habang kinakain ang shake niya.

"Oo nga!" Pagsang-ayon ni Irene.

Dumating na ang mga inorder nilang shake at lahat ng iyon ay nagustuhan nila.

Pagkatapos nilang uminom ay naglibot muna sila sa paligid hanggang sa magtanghali na.

"Girls balik na tayo!" Sigaw ni Ella at tumango naman sina Athena.

Pabalik na sana sila sa hotel ngunit hinarang sila ng limang lalaki na armado pa.

"Sorry pero hindi namin kayo pwedeng padaanin." Sambit ng isa.

Nagtago naman sa likod ni Ella sina Hannah, Athena, at Irene.

"Akong bahala." Bulong ni Ella sa kanila.

Napatingin si Ella sa mga lalaki at napangisi. 

"Akala ko ba private ang resort na 'to? Aba paano kayo nakapasok?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ella sa mga lalaki.

"Magaling kami." Sagot ng lalaki.

"Talaga? So ano papatayin niyo na ako? Kung ganun huwag niyo na silang isali. Sasama ako sa inyo ng payapa." Sambit ni Ella kaya naman napangisi ang mga lalaki.

"Mukhang madali ka naman atang kausap kaya magaling, hindi ka na kailangan pang sabihan." Hahawakan na sana ng mga lalaki si Ella ngunit umatras ito ng konti.

"Sandali. Bago niyo ako kunin, papakawalan ko muna sila. Kapag hindi kayo pumayag hindi rin ako sasama sa inyo." Kalmadong sabi ni Ella.

"Sige."

"Pero kailangan makabalik muna sila sa hotel. Huwag niyo akong lokohin dahil hindi niyo sila pwedeng saktan." Dagdag pa ni Ella kaya napatango ang lalaki.

"Tumakbo na kayo. Bilis!" Sabi ni Ella kaya naman mabilis na tumakbo papaalis doon sina Irene.

Natatakot man sila para kay Ella pero wala na silang magagawa kung ayaw nilang pare-parehas silang masaktan.

Nang makaalis na sina Irene ay tumingin si Ella sa mga lalaki.

"Pangungunahan ko na kayo. Alam kong SUPREME ang nag-utos sa inyo nito. Porket wala lang dito ang Alpha." Naiinis na sabi ni Ella.

"Sumama ka na sa amin." Sambit ng lalaki kaya naman tinignan siya ni Ella.

"Fine, fine." Sambit ni Ella at tinaas ang parehas na kamay na parang sumusuko na.

Dinala nila si Ella sa isang van.

Papapasukin na sana nila si Ella pero nakarinig sila ng malakas na sigaw.

"Ella! Anong ginagawa mo?!" Napatingin silang lahat kaya Kiro at sa buong ALPHA na tumatakbo papunta sa gawi nila.

"Kiro! Huwag na kayong mangelam pa! Pabayaan niyo na ako!" Sigaw niya kay Kiro pero agad namang sinuntok ni Kiro ang mga lalaki.

"Nababaliw ka na ba?! Go back here! Stop sacrificing yourself! Talagang sumama ka pa-" Sigaw naman ni Kiro.

Napabuntong hininga na lamang si Ella.

"Sana mapatawad niyo akong lahat sa gagawin ko!" Sigaw ni Ella.

"Kuya. Bilis magdrive na kayo!" Sigaw ni Ella at isinara ang van.

Mabilis naman itong pinaharurot ng lalaki at sumakay na rin ang iba pa.

Napasuntok na lamang sa puno si Kiro. "Ella!" Sigaw nito.

Napatingin siya sa buong ALPHA.

"Sabi ko na sa kanya na huwag niyang ituloy kung ano man ang binabalak niya! Pero ano ngayon?! Nakuha na siya ng SUPREME! She even gave herself away!" Galit na sigaw ni Kiro.

"Kiro huminahon ka..."

"Paano ako hihinahon Zico?! Siya na lang yung meron ako na pwede ko pang alagaan! Pero ano?! Kinuha na rin siya! Hindi ako papayag. Hindi pwede!" Sigaw ni Kiro.

"Ang tanong ko lang.... Paano sila nakapasok dito kung private resort 'to?" Tanong ni Francois habang nakatingin kay Ethan.

"Posibleng dumaan sila sa likod. May abandonadong pintuan kasi dun kaya dun sila pwedeng pumasok." Napasuntok na lamang muli si Kiro.

"Ibabalik ko siya. Ibabalik natin siya!" Hindi na mapakali si Kiro. Why did she even surrender herself? Kusa pa talagang sumama!

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon