CHAPTER 33: Resort

1.8K 61 3
                                    

CHAPTER 33: Resort

Binaba ni Francois ang mga niluto niyang pagkain sa lamesa. Nandito sila sa AHQ, sa bahay nina Kiro. Mamaya pa naman sila aalis para sa pagpunta sa resort kasama si Hannah.

"Kain na mga pasaway!" Sigaw ni Francois mula sa kusina.

Wala pang isang minuto ay dumating na ang mga pasaway.

Hindi nila pinansin si Francois at agad na kumain. Napasampal na lang si Francois sa kanyang noo. 

"Mga walanghiya!" Bulong niya.

Napansin niya na kanina pa tahimik si Ella.

"Hoy babaita, bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Francois kay Ella pero hindi siya nito pinansin.

"Aba't!" Sigaw ni Francois pero binato siya sa ulo ng kutsara ni Ron.

"Shh, Francois. Ang ingay. Mamaya na tayo aalis para sa resort. Ano may date ba kayo?" Tanong ni Ron.

Napailing sina Ethan, Francois, at Mark habang si Giro, Kiro, Zico, at Ron naman ay tumango.

"Sino nga?!" Sabay na sigaw nina Ethan, Francois, at Mark.

"Sa akin si sungit." Sabi ni Kiro at tumingin kay Ella. Na weirdo nakatingin sa kanila.

"Sa akin si swaeg ko." Sambit ni Ron.

"Si Irene babes." Nakangiting sabi ni Giro.

"Si Athena." Amin ni Zico.

"Sana all!" Sigaw nina Ethan.

"Teka Ethan sa resort niyo 'di ba?" Tanong ni Ella. Tumango naman si Ethan. Napatayo si Giro at biglang sumigaw.

"Naku! Ayoko don, baka may mga kalahi ka don!"

Mabilis naman na tumakbo si Giro dahil pinagbabato siya ng tsinelas ni Ethan. 

"Walang hiya ka! Bumalik ka dito, bastos!" Sigaw ni Ethan habang hinahabol si Giro.

Napapailing na lamang ang iba dahil sa ginawa nilang dalawa.

"Kahapon pa silang dalawa." Sagot ni Kiro.

"Malay mo sila magkatuluyan!" Tawa ni Mark.

"Dalawang baliw? Sana ayos lang kayo." Sarkastiko na sabi ni Ron kaya naman napatawa na lamang silang lahat.

Napatingin si Kiro kay Ella. "Okay ka lang?" 

Tumango naman si Ella. "Oo. Mga baliw kayo e." Natatawa niyang sabi kaya naman palihim na ngumiti si Kiro.

"Syempre sungit."

Tiningnan siya ni Ella. "Opo gangster."

"Lonely lonely lonely whale~!" Kanta nina Ethan at Giro habang nakasay sila sa van.

Si Francois ang nagmamaneho, katabi niya si Mark sa harapan.

Sa gitna naman ay si Kiro, Ella, Ethan, Giro, at Irene. Napapagitnaan si Ethan ng mga taong... masaya.

Sa may likod naman ay sina Hannah, Ron, Zico, at Athena.

Medyo malaki ang van kaya naman nagkasya sila. Kanina pa naiirita sina Kiro dahil sa ingay nina Ethan at Giro.

"Manahimik kayo!" Sigaw ni Mark pero hindi siya pinansin ni Ethan at Giro.

"KJ!" Sigaw ng dalawa.

Napailing na lang si Mark. "Guys pakisabi nga kung bakit natin naging kaibigan ang mga baliw na 'yan?" Tanong niya.

Maya-maya pa ay dumating na sila sa resort nina Ethan.

Buong byahe, halos lahat sila nakatulog bukod kay Giro at Ethan na hanggang ngayon ay napaka-hyper.

"Hi Sir Ethan! Yung pinareserve niyo po na three room ready na po. Ito po 'yung susi." Sabi ng nasa lobby at ibinigay ang susi kay Ethan.

"Oh, ayan. Sa isang kwarto sama-sama sina Irene, Athena, Ella, at Hannah. Huwag kayong mag-alala apat naman ang kama bawat kwarto. Tapos sa isa, sama-sama sina Kiro, Giro, at Zico. Sa isa naman ako, si Mark, Francois, at Ron." Sabi ni Ethan habang inabot ang mga susi sa kanila.

"Buti naman at hindi kayo magkasama ni Giro ng kwarto! Jusko!" Sambit ni Francois na tuwang-tuwa pa.

Napailing na lamang si Ethan.

Pumunta na sila sa kanilang mga kwarto at nag-ayos.

Mabilis naman na naging close sina Athena, Irene, at Hannah. 

"Buti nga nakayanan mo ugali ni Ron. Ang sungit e." Natatawang sabi ni Athena at Irene kay Hannah.

"Naku! Pasalamat siya at mahal ko siya! Napakamanhid kasi ng batong iyon!" Sigaw ni Hannah na ikinatawa nang lahat.

"Teka, okay ka lang Ella? Kanina ka pa tahimik ah." Tanong nina Hannah kay Ella pero tumango lang si Ella.

"Okay lang ako. Baba na tayo at kakain na." Sambit niya.

Sumunod naman sa kanya sina Hannah.

Pagkababa nila sa restaurant ay naandun na ang buong ALPHA at sila na lang ang hinihintay.

"Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik." Parehas na tanong ni Zico at Kiro kay Ella.

Tumango lang si Ella.

"Maayos lang ako." Sabi ni Ella at nakatingin sa lamesa.

"Hay nako! Kanina pa rin namin siya tinatanong kasi kami nagkukulitan na, pero siya tahimik lang. Hindi kami sanay." Sagot ni Hannah.

"Pero sabi niya okay lang siya."

Napatingin si Kiro kay Ella.

Hinawakan nito ang noo niya at nagulat siya dahil napakainit.

"Ella naman! Nilalagnat ka!" Sigaw ni Kiro kaya naman napatingin sa kanya sina Zico.

Hahawakan pa sana ni Kiro ang kanyang noo pero mahina itong hinampas ni Ella. 

"Ano ba..."

"Ella ang putla mo na! Pagkatapos mong kumain, matutulog ka na. Kailangan mong magpahinga." Sabi ni Kiro.

"May dala akong gamot." Sabi ni Athena.

"Sige sige. Ang kulit mo talaga Ella. Pinag-aalala mo ako." Si Kiro.

"Hindi ko naman kasi sinabi na mag-alala ka." Walang gana sabi ni Ella.

"Mahal kita." Napatingin si Ella kay Kiro dahil sa sinabi nito pero agad niya itong binawi.

"Baliw ka talaga gangster." Nakangiti niyang sabi.

"Sa iyo lang."

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon