CHAPTER 15: Invitation
Nakasilip lamang si Ella mula sa bintana ng kanyang kwarto dito sa AHQ. Tinitingnan niya ang ALPHA habang masayang nagrarambulan sa garden.
Napangiti siya. Hindi niya alam pero magmula ng maging opisyal na siyang Alpha's Princess ay mas lalo niyang naramdaman na lagi siyang protektado.
"Sana malaman ko na.."
Napabuntong-hininga siya. Tumayo siya at maglalakad na sana papalabas ng kwarto para puntahan ang Alpha.
Pero may nasipa siyang bagay at napunta ito sa ilalim ng kanyang kama.
Napatingin siya sa ilalim ng kama at lumuhod upang sumilip.
May nakita siyang isang necklace na may susi? Agad na napakunot ang kanyang noo. Kanino naman ang necklace na ito?
"Mukhang totoong susi 'to."
Pa-heart shape ang design ng susi tapos ang ganda ng design dahil silvery ito.
Agad siyang napaisip. Paano magkakaroon nang ganito sa kanyang kwarto? Wala nga siyang ganito.
Agad niya iyong kinuha at tumakbo papuntang garden para tanungin ang Alpha.
"Guys, kaninong necklace ito?" Tanong niya sabay pakita ng necklace na nahanap niya kanina.
Lahat sila ay napatingin kay Kiro.
"Oh, bakit kayo nakatingin sa akin?" Blangko niyang tanong.
"Hoy sa 'yo 'yan, baka nakakalimutan mo. Teka lang Ella... Bakit nasa iyo 'yan?" Asar ni Giro kay Ella.
Medyo namula ang mukha ni Ella pero agad naman niyang binawi iyon.
Ibinato niya kay Kiro yung necklace at nagsalita.
"Hoy hindi ko rin alam. Nahanap ko lang sa kwarto ko. Tsk."
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...