CHAPTER 24: Weird
Nagising si Ella sa pagkakatulog niya dito. Nakita niya na wala na si Kiro sa kanyang tabi. May kung anong pag-alala siyang naramdaman.
Hays saan naman kaya 'yun pumunta?
Napaupo siya at napatingin sa may pintuan ng maramdaman niyang may bumato ng bola ng papel sa kanyang ulo.
Nakita niya si Kiefer at sinenyasan si Ella na lumapit sa kanya. Lumaba si Ella habang nakatingin nang masama kay Kiefer.
"Bakit hindi ka na lang pumasok?" Tanong ni Ella.
"Gusto mong patayin ako ng ALPHA? Bawal nga kaming pumasok d'yan, tsk." Naiinis na sabi ni Kiefer.
Oo nga pala, bawal sila pumasok dito sa headquarters ng Alpha Academy.
Napangiti na lang ng alanganin si Ella. Para makatakas kay Kiefer.
"Hehe, sabi ko nga." Napakamot na lang ng ulo niya si Ella.
"Ano ba ang ginagawa mo dito? May klase ka, ah." Sambit ni Ella.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa 'yo–" Hindi na natapos ni Kiefer ang kanyang sasabihin ng biglang magsalita si Kiro.
"Pakialam mo? Ako ang nagsabi sa kanya, may angal ka?" Mayabang na sabi ni Kiro. Napangisi na lamang si Kiefer dahil sa inaasal ni Kiro.
"Wala naman akong sinabi." Inosenteng sagot ni Kiefer.
Mabilis na umalis doon si Kiefer at tinignan naman ni Ella ng weird si Kiro.
"Luh, para kayong aso 't-pusa. Bagay kayo!" Natatawang sigaw ni Ella bago tuluyang pumasok ng AHQ.
"Hindi kami bagay. Tayo ang bagay." Pabulong na sabi ni Kiro.
"Anong sabi mo?" Tanong ni Ella at umiling lang si Kiro.
Umiling na lamang si Kiro at sabay na pumasok ni Ella sa AHQ.
Sa kabilang dako...
"Ang hilig talagang mangelam ng Kiro na 'yon! Ang yabang pa!" Naiinis na sigaw ni Kiefer kasabay ng pagsipa sa isang soda can na nakita niya sa daan.
Napaupo na lang siya dito sa gilid ng hallway at inuntog sa pader ang kanyang ulo.
"Hindi dapat ako magpatalo. Kahit sila pa ang may-ari ng school na ito."
Tiningnan niya ang orasan. "Time is ticking."
Bumalik na agad siya sa classroom. Wala rin naman siyang gana kaya natulog na lang siya habang nagkaklase.
Bukod doon...
"Giro tigilan mo nga ako! Ang aga-aga, ang kulit mo!" Naiinis na sigaw ni Irene.
Nandito lang siya sa garden ng school at tahimik na nagbabasa ng libro. Pero bigla siyang ginulat ni Giro at ngayon naman ay nangungulit.
"E kasi naman! Tigilan mo ngang magbasa, matalino ka na kaya hindi mo na kailangan magbasa." Sabay pout na sabi ni Giro.
Dahil sa sobrang galit ay napatayo si Irene at sinarado ng malakas ang libro atsaka nagtimpi bago tumingin kay Giro.
"Kahit matalino ka pa... hinding-hindi mo magagawa ang isang bagay kung hindi mo 'to pinag-aaralan ng mabuti."
Sa narinig ni Giro ay nakaisip sia ng magandang plano.
"So kailangan kitang pag-aralan ng mabuti? Kasi mahal kita."
Hindi na lang iyon pinansin ni Irene. Alam naman niya na hindi alam ni Giro ang ibig sabihin ng salitang common sense.
"Gwapo nga kaso ang utak medyo baliko." Natatawang sabi ni Irene habang umiiling na papunta sa classroom.
Naiwan na lang si Giro na mag-isa at nag-iisip ng plano.
"Hmm... kailangan lagi ko siyang susundan. Dapat alam ko lagi ang mga ginagawa niya–stalker na kung stalker pero nagmamahal lang, e." Natatawa na lamang si Giro sa kanyang sarili.
"Love you smart babe!"
Samantalang...
"Kiro please? Tinatamad ako, ayoko ngang pumasok." Naka-pout na sabi ni Ella kay Kiro habang nakadapa sa sofa.
"Hindi pwede. Nakapagpahinga ka na at sapat na 'yun. Kung ayaw mong bumagsak ka, attend your class. Hindi porket isa ka sa ALPHA ay hindi ka na papasok at tatamarin na." Sambit ni Kiro.
Tiningnan siya ng masama ni Ella.
"E, bakit kayo? 'Di rin naman kayo madalas pumapasok ah!" Galit niyang sigaw.
"May ginagawa kasi kami. And of course, kami ang nagmamanage ng school."
Napaisip si Ella. Nga naman at may point rin si Kiro kaya tumayo na siya. Nang lalakad na siya ay binunggo niya ng mahina si Kiro kaya napangisi si Kiro. Bago pa man makapagsalita si Kiro ay tumakbo na agad si Ella.
"Such a weird woman. How did I fell for her..." Sabi ni Kiro habang nakatingin sa pintuan na nilabasan ni Ella. "Could this be fate?"
Napangisi siya at tumango sabay na pumikit.
"Because if it is..." he smiled. "I'm definitely enjoying it with her."
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...