CHAPTER 26: Comfort

1.9K 74 1
                                    

CHAPTER 26: Comfort

Naglalakad lamang si Kiro dito sa Campus ng Alpha Academy. Wala siyang magawa at isa pa, hindi niya makausap si Ella dahil sa bwisit ni Kiefer 'yun.

Maisip lang ni Kiro na may gusto ang Kiefer na 'yun kay Ella ay parang gusto na niyang pumatay.

AKIN LANG SI ELLA.

Ika nga niya.

Napatingin siya sa pintuan ng AHQ ng bigla itong bumukas. Nakita niya ang isang lalaki na may hawak-hawak ng files at tatakbo na sana ngunit hinawakan ni Kiro ito sa braso at idiniin sa pader.

Kinuha niya ang files at ibinulsa iyon.

"May magnanakaw na pala sa paaralan namin. Traydor." Galit niyang saad.

"S-Sorry po Kiro! Napagutusan lang po!" Natatakot na sigaw ng lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Kiro at sinuntok ng malakas ang lalaki sa mukha. Nagdudugo na ang labi nito at mas lalo pa niyang hinila ang kwelyo nito.

"Sinong nag-utos?" Seryosong tanong ni Kiro.

"Si... Kiefer!" Sigaw ng lalaki.

Nanlaki ang mata ni Kiro at binitawan ang lalaki tsaka ito matalim na tinignan. "Umalis ka na sa Academy. Kung ayaw mong patayin kita. Huwag mong sasabihin ang nangyari ngayon kahit kanino, kahit pa kay Kiefer. Mananagot ka sa amin."

Tumango na lang ang lalaki at mabilis na tumakbo papaalis ng bitawan siya ni Kiro.

Napailing na lamang si Kiro habang tinignan ang paligid bago pumasok sa AHQ.

Pagkapasok niya ay tinignan niya ang mga files na balak nakawin kanina ng lalaki. Napaupo siya sa sofa.

"Diary...?" Naguguluhang tanong ni Kiro.

Binuksan niya iyon.

Name: Ella Crest

Age: 18 years old

Blood type: B

-Lives in _______

-Daughter of Mr. ______ and Ms. _____

-Sister of Zico Crest

-Alpha's Princess

-Birthday: December 30, 1999

-Death: _____________

The heck?

File 'to ni Ella pero bakit gusto nilang kunin? Isang tao lang naman---mali, isang grupo lang naman ang may gustong saktan si Ella.

SUPREME

Matagal na rin magmula nung huli silang nagparamdam. Ngayon may kutob si Kiro.

"Kasabwat ng SUPREME si Kiefer. Walang duda."

Napaisip rin siya. At si Gon, saan na napunta ang lalaking iyon? 'Di ba at may plano pa siya?

"Pinaiikot nila kami."

Binato ni Kiro sa basurahan yung notebook. "Walang pwedeng manakit sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

Napatingin siya sa itaas. "Bakit? Bakit yung babae pa na pinakamamahal ko?"

Napahampas siya ng malakas sa lamesa. "They'll pay for this."

Kasabay ng kanyang pagbanggit noon ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Hindi pwedeng umiyak ang gangster. Hindi nila pwedeng makita na umiiyak ako.

Naatingin siya sa pintuan at nakita niya si Ella doon na hingal na hingal habang lumapit sa kanya.

"Maayos ka lang ba?"

Tinignan siya ni Kiro. Nakakunot pa ang kanyang noo. "T-Teka umiyak ka ba?"

Umiling si Kiro at iiwas na sana ng tingin pero nagsalita si Ella.

"Ang tunay na gangster hindi takot na magpakita ng mga luha niya. Crying alone will make you feel stronger, but crying with others will make you feel better."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Ella. Bago pa siya magsalita ay niyakap siya ni Ella. Nakaupo si Kiro habang nakaluhod si Ella at niyakap niya si Kiro.

"Huwag ka nang umarte, aaminin ko gwapo ka. Pero huwag kang feeler." Natawa na lamang ng palihim si Kiro kay Ella.

Matapos malipasan si Kiro ay kumalas na siya sa yakap. Tumayo naman si Ella at tinignan ang bintana sa labas at sinara ito.

"Bakit ka nga pala hingal na hingal?" Tanong sa kanya ni Kiro.

Napangiti na lang ng alanganin si Ella.

"K-Kanina kasi nagpaalam ako sa prof namin na mag-CR lang ako. Tapos ayun napadaan ako dito may nakita akong isang lalaki na medyo pamilyar tinitignan ka sa bintana. Kaya ayun tinakbo ko. Kaya ako naman yung hinabol badtrip. Buti nga wala na, e."

Nanlaki ang mata ni Kiro at napatingin kay Ella. "Nasugatan ka ba?"

"Ah, e, o-oo. Pero konting galos lang naman. Nadapa kasi siya nung hinabol ko kaya nadapa na rin ako. Tsk."

Natawa na lamang si Kiro.

"Kahit kailan ang slow mo."

Binato siya ni Ella nang papel pero nakaiwas siya.

"Pasalamat ka nga at nakita ko siya. Buti nga rin hindi ka niya nakitang umiyak. Tch, iyaking gangster."

Hinila siya ni Kiro sa leeg at nilapit ang mukha nito sa mukha niya.

"Halikan kaya kita?"

Nanlaki ang mga mata ni Ella sa sinabi ni Kiro.

Konting agwat na lang ang meron sa pagitan nila kaya naman natatakot na siya pero hindi niya ito pinahalata.

"Kiro, iyaking gangster. Hindi mo ako–"

Hindi na nakapagsalita pa si Ella dahil hinalikan siya ni Kiro.

"Tsansing ka na!"

Padabog na umalis doon si Ella habang si Kiro naman ay tawa ng tawa.

Ang cute mo.

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon