CHAPTER 28: Ready
Tumatakbo na dumating ang buong ALPHA sa Alpha Academy. Nakita nila na may nagkukumpulan na mga estudyante sa may library.
"Alis!" Sigaw ni Ron.
Mabilis naman na umalis sa daanan ang mga estudyante at nanlaki ang mga mata nilang walo.
Duguan at wala nang buhay ang estudyante na lalaki. Nakatali pa ang ulo nito sa ceiling.
"Siya yung–" Magsasalita pa sana si Kiro ngunit nagsalita si Ella. "'Yung taong may balak na kunin yung files ko."
Napatingin ang lahat kay Ella.
Pinaalis na rin nila ang mga estudyante at pinalinis ang patay na katawan. Naiwan naman si Irene para magpaliwanag.
"Paano mo nalaman?!" Sigaw ni Kiro.
"Aaminin ko Kiro, clumsy ako. Pero hindi ako tanga at bobo. Ang lakas kaya nung sigaw mo." Napangisi na lamang si Kiro.
Si Irene naman ay nagsalita.
"Kanina umaga pagpasok ko, nand'yan na yung patay niyang katawan. Tapos-tapos may sulat..." Inabot ni Irene yung papel kay Giro at binasa nila iyon.
Time is ticking. Kung ayaw niyong sumunod sa traydor na ito.
Nanlaki ang mga mata nila.
"Hindi na sila nagbago! Ang hilig pa rin nilang pumatay!" Sigaw naman ni Ethan.
"Walangya talaga!" Sambit naman ni Mark.
"Papatay ako para sa mga buhay na kinuha nila." Napatingin naman ang lahat kay Ella dahil sa sinabi nito.
"Hindi pwede!" Sigaw ni Zico.
Sinamaan siya ng tingin ni Ella. "Kuya, hindi naman pwede na lagi na lang akong lalampa-lampa. Paano kung dumating yung araw na kailangan ko kayong iligtas? 'Yung mga taong importantensa buhay ko? Kuya, please... sawang-sawa na ako. Hindi niyo na ako mapipigilan." Tumakbo paalis si Ella. Hahabulin pa sana siya ni Zico pero pinigilan siya ni Kiro.
"Pabayaan mo na siya. Ganyan din ako dati at hindi madali. Alam mo 'yan."
Napatango na lamang si Zico. He feel worse for making her sister feel like that. Mahal na mahal niya si Ella. Wala man sa salita pero nasa galaw.
Ella... Sorry kung nadamay ka sa sitwasyon namin... Patawad...
Sa kabilang dako naman...
Dugo...
Patay...
Dead...
Body...
Danger...
"AH!" Napagising si Ella.
Hingal na hingal siya. Matapos na tumakbo kanina ay dito siya natulog sa AHQ. Ayaw niya munang makisama sa iba.
"Magmula ngayon ay magpapagod na ako. Gagawin ko lahat. LAHAT LAHAT." Agad siyang tumayo.
Isang linggo na ang nakalilipas at maraming nagbago.
"Lowbatt na yung speaker ko. Bibili ako ng battery, Ethan samahan mo ako!" Sigaw ni Giro.
Binatukan naman siya ni Francois.
"Manahimik nga kayo! Sige alis!" Sigaw niya.
"Ano ba 'yan! Kakabili niyo lang nung isang linggo ah? Baka gusto niyong itapon ko na yung speaker na 'yan. Aksayado sa pera." Masungit na sabi ni Ron.
Nginitian na lang siya nina Ethan at Giro tsaka mabilis na tumakbo palabas.
Napasampal na lang sa ulo niya si Francois.
"Sigurado ba kayo na mga gangster 'yun? Napakabipolar. Tch."
Napatingin naman silang lahat kay Kiro ng bigla itong nagtanong.
"Nasaan na si Ella?"
"Nasa practice room. Ilang linggo na rin siya nagpapractice." Sambit ni Zico.
Tahimik lang si Mark habang tinitignan ang mga files. "Guys tignan niyo ito."
May pinakita siyang picture sa kanilang lahat.
"Ito yung picture nung nagpakamatay."
Umiling si Mark sa sinabi ni Ron. "Siya nga. Pero hindi siya nagpakamatay. Tama ang hinala nating lahat. Isa siyang miyembro ng mga alagad ng SUPREME."
"Kahit pala mga alagad nila pinapatay nila. Mga walanghiya!" Sigaw ni Francois.
Napangisi na lamang si Kiro. Tama nga ako...
Napatingin siya sa orasan niya. Time is ticking, huh? Sige.
"Magmula ngayon, magpapractice na tayo ng mas doble. Sabihin niyo 'yan kayna Ethan at Kuya Giro. Sigurado ako na sa mga oras na 'to ay naghahanda na rin sila. Kaya sa oras na sumalakay sila handa na tayo. Ano, payag ka ba leader?" Tanong ni Kiro kay Mark.
Tumango na lang si Mark bilang sagot.
Sinusuntok lang ni Ella ang punching bag. Napatingin siya sa pintuan ng bigla iyong bumukas at iniluwa ang buong ALPHA.
"Bakit kayo andito?" Tanong niya.
Sinabi sa kanya lahat-lahat ni Zico kaya naman napatango na lang siya.
"E 'di mas dodoblehin ko rin ang practice ko!"
Umiling si Mark sa sinabi ni Ella. "Sa labanan hindi lang katawan ang ginagamit. Pati ang utak."
Napatango na lang si Ella.
"Magbasa ka rin ng mga libro na makakatulong sa'yo. Balansihin mo 'yun at ang pagpractice mo." Sambit ni Zico.
Tumango na lang muli si Ella at nagkanya-kanya na sila ng gawain.
Time is ticking...
Siguro nga tama sila. I know that the events are getting dangerous by the moment. And this is the right time to teach myself... How to be strong, to fight, and to protect the ones I love.
Sana nga lang ay magtagumpay kami. I don't know the whole story... kung bakit ako nandito sa pwesto na kinatatayuan ko ngayon. Kung bakit ba ako nasali sa gulong ito. At mas marami pang misteryo.
Pero alam ko sa sarili ko na balang araw malalaman ko rin 'yan.
But not today.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...