CHAPTER 12: Protector

2.6K 90 3
                                    

CHAPTER 12: Protector

Nagising si Ella dahil sa malakas na pagbukas ng pintuan ng kanyang kwarto dito sa AHQ.

"Ella!"

Napatingin siya sa may pintuan at sinamaan niya ng tingin si Giro. 

"Ano ba?! Umagang-umaga e!" Binato niya ng unan si Giro ngunit nakaiwas.

"Pinapagising ka ni Zico. Papasok na tayo!"

Napatingin si Ella sa wall clock. Nang makita niya kung anong oras na ay agad siyang napatayo at dumiretso sa banyo. Hindi na niya pinansin pa si Giro dahil naiinis siya dito. Tsk.

"Ang sungit!" Narinig niya ang sigaw ni Giro ilang minuto pagkatapos nitong bumaba.

Pagkatapos niyang mag-ayos ay hindi niya ito pinansin at agad naman na bumaba sa sala.

"Manahimik ka!" Natatawang sambit ni Ella habang pababa ng hagdanan. Naabutan niya sa sala sina Kiro.

"Guys alis na tayo, and'yan na si Ella." Nakangiting sabi ni Mark. Tumango na ang lahat at dumiretso sa labas ng mansion.

"Oh, para kanino itong motorbike?" Tanong ni Ethan. Tinignan ng lahat si Ethan.

"Kay Ella." Nanlaki ang mga mata ni Ella ng sabihin iyon ni Francois.

" Nanlaki ang mga mata ni Ella ng sabihin iyon ni Francois

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi nga ako marunong mag-drive ng sasakyan. Motorbike pa kaya?" Sigaw ni Ella.

Natawa naman silang lahat maliban kay Kiro na nakapoker face lang. Well, what's new?

Agad naman na tinapik ni Zuco ng mahina ang ulo ni Ella. "Huwag kang mag-alala li'l sis. Tuturuan ka namin."

Napasimangot si Ella. "Kuya hindi naman kasi ako lalaki para mag-motobike e." Sabay pout. "Atsaka isa pa, maaksidente lang ako dito–"

Hindi na naituloy ni Ella ang kanyang sasabihin dahil nagsalita si Kiro. "Lahat kami may motorbikes. Minsan lang kami magsasakyan."

Mas lalong napasimangot si Ella. "Tsk. Bahala na."

Sumabay muna si Ella sa motorbike ni Zico dahil hindi pa siya marunong gumamit. Habang ang ibang members naman ay sakay ang kani-kanilang motorbikes.

"Kuya dahan-dahan naman! Baka mahulog ako!" Sigaw ni Ella sa likod ng motorbike habang todo kapit kay Zico.

Napangisi si Zico at para bang gusto pang mang-asar. "Huwag kang mag-alala! May sasalo naman sa 'yo! Ayaw mo lang buksan mga mata mo."

Mas lalo pang binilisan ni Zico ang pagpapatakbo ng motorbike kaya naman todo sigaw at kapit si Ella pero hindi natitinag si Zico. Mas lalo pa niyang inaasar ang kanyang kapatid.

Pagdating sa Alpha Academy, agad na bumaba si Ella sa motorbike at halos masuka-suka na dahil sa hilo. Napahawak siya sa kanyang ulo at tiyan at tiningnan ng masama si Zico.

"Nakakainis ka kuya! Ang sakit ng ulo at tiyan ko."

Nang makaraos sa hilo ay pumasok na sila sa Academy. Dumiretso sila sa headquarters. Hindi muna sila papasok sa mga klase dahil tuturuan pa nilang mag-motorbike si Ella.

"Hala siya! Paano?!" Sigaw ni Ella nang pasakayin na siya sa motorbike.

"Basta sumunod ka na lang." Agad naman sumunod si Ella kay Zico at wala pang isang oras ay nakuha na niya kung paano magpatakbo ng motorbike.

Naramdaman ni Ella na may mga mata na nakatingin sa kanya. Napatingin siya sa paligid pero wala naman siyang nakita kaya naman hindi na lang niya iyon pinansin at mas lalong nagpractice.

"Kuya kapag ba naging gangster na nga ako may posibilidad ba na... mapahamak ako?"

Napabuntong-hininga na lamang si Zico at nginitian si Ella. "Alam mo li'l sis, kapag ikaw ay naging isang gangster kailangan lagi kang handa sa mga bagay na hindi mo inaasahan. Sa kaso mo, hindi ka naman gangster. Sa totoo nga, pinilit ka lang. Huwag kang mag-alala dahil lagi namang nand'yan 'yung taong nagbabantay sa'yo."

Napakunot ang noo ni Ella sa kanyang narinig. "Huh? Sino?"

Muling ngumiti sa kanya si Zico. "Secret."

Pagkatapos nilang magpractice at turuan si Ella ay agad na nagtungo sila sa headquarters ngunit dahil gusto pang malaman ni Ella kung ano talaga ang Alpha Academy at paano ito nagmula ay nagtungo siya sa library.

Naghanap siya ng libro pero wala siya nakita.

"Ano ba 'yan!"

Lumabas na siya ng library pero pagkalabas niya ay may nakasalubong siya.

"Gon?"

Tiningnan niya ang lalaki at nanlaki ang mata nito. "Teka, anong ginagawa mo dito?"

Hindi nagsalita si Gon dahil biglang may humila kay Ella at hinarap si Gon.

"Long time no see, Gon."

Napatingin si Ella sa lalaki na humila sa kaniya at nakita niya si Kiro.

"Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka sa SUPREME." Matigas na sabi ni Kiro.

Sa narinig ay para bang natakot si Ella. Sinilip niya si Gon at ngayon niya lang napagtanto na ito ay kasama sa SUPREME na may masamang balak sa kanya.

"Wala kang pake. May plano ako na dapat gawin."

Tinignan niya si Ella na nakatago lang sa likod ni Kiro. Napatingin si Kiro kay Ella ngunit agad na binalik ang mga tingin kay Gon.

"Umalis ka na. Paano ka ba nakapasok dito? Alis!"

Ngumisi si Gon bago magsalita. "Aalis ako ngayon pero babalik rin ako. Tutuparin ko ang plano ko kaya mag-ingat kayo."

Agad na umalis si Gon akay naman iniharap ni Kiro si Ella sa kanya.

"Ayos ka lang?"

Tumango si Ella. "B-Bakit mo ginawa iyon?"

"Ang ano?"

"Bakit mo ako hinila–"

Hindi na naituloy ni Ella ang kanyang sasabihin dahil ngumiti si Kiro. Ngiti na kahit kailan ay hindi niya inaasahang makita.

"Cause I'm your... protector."

Hindi na narinig ni Ella ang sinabi ni Kiro dahil pabulong niya itong sinabi. "Anong sabi mo?"

Tiningnan siya ni Kiro.

"Wala. Sige bumalik ka na 'dun. Mag-ingat ka."

I will always be here for you.

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon