CHAPTER 23: Bloody Birds

2.2K 73 2
                                    

CHAPTER 23: Bloody Birds

Nakahiga at lutang na nag-iisip si Ella. Nandito siya sa AHQ, sa bahay nina Kiro dahil hindi na siya masyadong umuuwi sa bahay nila ni Zico. Masyado na kasing delikado ang mga nangyayari.

"Nakakainis." Napaupo na lamang siya at ginulo ang kanyang buhok habang inaalala ang mga nangyari nung isang araw. "Shocks! Ano ba nangyayari?"

She still can't believe that... Kiro's owning her.

"Bakit nga ba ako pumayag?" Napapikit siya atsaka sinampal ng mahina ang kanyang sarili.

Sisigaw sana siya pero biglang bumukas yung pinto at iniluwa si Kiro.

"We're going to school. You've got fifteen minutes to get ready."

Nanlaki ang mata ni Ella at kasabay 'non ay ang pagsara ng pintuan. "What's new? Gangster na nga, taong yelo pa. Talk about being unlucky..." Tss, be mine pa nga.

Mabilis siyang nag-ayos at nagbihis. Bumaba siya agad dahil baka satsatan na naman siya ni Francois.

"Bilisan mo Ella! Babarilin kita ng kiliti d'yan e." Sigaw ni Ethan.

Agad na tumakbo si Ella papuntang motorbike. Papunta sa school ag nagpaunahan sila at dahil nga KJ si Kiro hindi niya pinasama si Ella at iisa lang ang motorbike na ginamit nilang dalawa. Selfish na kung selfish pero ganyan talaga si Kiro. I DON'T SHARE WHAT'S MINE.

Pagdating sa Alpha Academy ay mabilis silang nilapitan ng mga students at nag-bow.

"Good morning!" Masasaya nilang sabi.

Tumango na lamang sila at dumiretso sa AHQ.

DEATH IS ON THE WAY.

Napanganga na lamang ang buong ALPHA sa nakita nila. Sa pintuan ng AHQ may malaking poster na nakalagay ang mga sulat na 'yan gamit ang dugo. Kasabay 'non ay may dalawang ibon na duguan ang bumagsak mula sa itaas.

"Shocks!" Sigaw ni Ella.

Mabilis niyang dinampot ang mga ibon na duguan at umiyak.

"Ella! Bitawan mo 'yan! Ano ba!" Pinilit na iiwas ni Kiro si Ella sa mga ibon.

Napaiyak na lamang si Ella sa mga braso ni Kiro.

Wala akong pake kung siya ang niyakap ko... pero natatakot ako.

Natatakot si Ella. Alam niya kung sino ang may pakana dito. Masyado nang delikado ang mga nangyayari. DEATH IS LEGAL. 'Yan ang nakalagay sa may ibaba ng sulat.

Mabilis na pinunit nina Mark, Ron, at Francois ang mga poster. Nilinis naman nina Giro at Ethan ang mga dugo at si Zico na ang nagtapon sa mga ibon na patay.

Pumasok na sa loob ng AHQ sina Kiro at Ella.

Umupo muna sila sa sofa. "Kiro, natatakot ako! Paano kung patayin nila kayo? Tayo? Ako?!" Natatakot na sigaw ni Ella.

"Hindi namin hahayaan 'yun..."

Napayakap ng mas mahigpit si Ella. Kahit madalas cold at matigas ang puso ni Kiro. Makita lang niya ang babaeng pinakamamahal niya na nasasaktan at umiiyak ay manghihina na din siya.

"Pangako? Nangako naman kayo dati e..." Sambit ni Ella habang mahinang humihikbi.

"Pangako."

Napayuko na lamang si Kiro.

Pangako... pero Ella, dadating rin yung panahon na kailangan tayong masaktan. Pero ngayon pananagutan ko na lang ang pangako ko. Makikipagpatayan kaming lahat... lalo na ako, para lang mabuhay ka. Kahit buhay ko pa ang maging kapalit gagawin ko para sa'yo... Mahal kita.

Sambit ni Kiro sa kanyang isip.

Napatingin siya kay Ella at tulog na ito. Tatanggalin na sana ni Kiro ang pagkakayap sa kanya ni Ella ng magsalita ito.

"H-Huwag mo 'kong iwan... mama, papa bumalik na kayo..."

Nanlaki ang mga mata ni Kiro sa sinabi ni Ella. Sa tagal ag hindi umuuwi ang mga magulang ni Ella dahil sa sobrang pagkabusy at maraming ginagawa lagi na lang ganyan.

Napangiti na lang si Kiro at tinapik ng mahina ang ulo ni Ella.

"Kahit hindi ako ang mama at papa mo... hindi kita iiwan. Sana mapanagutan ko 'yan Ella."

Nakita niya si Zico sa may pintuan at nakangiti na nakatingin sa kanya.

Tinanggal ni Kiro ang pagkakayakap sa kanya ni Ella at hiniga ng maayos sa sofa. Sinabihan niya sina Giro na bantayan si Ella dahil mag-uusap lang sila ni Zico.

Nandito sila sa rooftop ni Zico.

"Sigurado ako na alam mo na kung sino ang gumawa nito Kiro. Namumuro na sila." Galit na saad ni Zico pero halata na kumakalma siya.

Tumango si Kiro at tinignan si Zico.

"Sa tingin mo... Oras na ba para lumaban tayo?" Nagtatakang tanong ni Kiro kay Zico.

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon..."

Tumango na lang ulit si Kiro at bumuntong hininga sabay tumingin sa malawak na kawalan.

"Alam mo Kiro? Salamat."

Napatingin si Kiro kay Zico na nakayuko lamang pero kita na nakangiti siya.

"Bakit naman pandak?" Asar ni Kiro pero hindi ito pinansin ni Zico.

"Ngayon lang may gumawa ng ganong bagay sa kapatid ko. Magmula bata kami ay ako na ang gumagawa niyan. Madalas ko siyang nakikita na umiiyak ng mag-isa. Magtatago siya sa ilalim ng lamesa para umiyak o minsan magsasarado sa CR." Natawa ng mahina si Zico habang kinukwento ang mga kalokohan noon ni Ella kay Kiro.

"Pero ngayon unti-unti na siyang nagbabago. Sana nga lang ay maging maayos siya Kiro..." Napatingin siya kay Kiro.

"Parang awa mo na. Huwag na huwag mong sasaktan ang kapatid ko. Masyado na siyang maraming napagdaanan at alam kong alam mo ang pakiramdam ng ganoon." Paalis na sana si Zico bago niya tapikin ang kanang balikat ni Kiro at nagsalita ulit.

"Huwag kang mag-alala. Dahil balang araw, mahahalata niya rin 'yung tinatago mo kaya maghanda ka na."

Napangiti silang parehas.

Umalis na si Zico at naiwan naman si Kiro na mag-isa sa rooftop.

Sinong nagsabi na sasaktan ko siya? Baka ako pa nga ang masaktan, e.

Mahirap sabihin ang nakatakda. Madalas sa mga komplikadong pangyayari ay kailangan mong sundin ang isip dahil alam mong tama siya kahit hindi ito gusto ng puso. Parang opposite lang. Kapag gusto mong gumawa ng mali, at least masaya ang puso. Ngunit kontra naman ang isip.

Alam niyo ba ang madalas na kontra d'yan?

Konsensiya.

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon