CHAPTER 18: Pain

2.1K 73 2
                                    

CHAPTER 18: Pain

Hindi makagalaw sa kanyang upuan si Ella. Hindi siya makagalaw... Hindi, mali. Ayaw niyang gumalaw.

"Ella. Kaya mo 'yan, bilisan mo na." Sabi sa kanya ni Ethan.

Tiningnan niya ito at napailing. "Natatakot ako."

Napangiti si Giro kaya naman tiningnan siya ni Ella ng masama.

"Alam mo ba nung una ko rin, mas kabado pa ako sa'yo? Sa totoo nga lang muntik na akong tumakas kaso nahuli ako nina Zico." Naka-pout na sabi ni Giro.

Mahinang napatawa si Ella kasabay 'non ay ang sunod-sunod na pagbatok ng ALPHA kay Giro.

"'Langya ka pre." Sambit ni Ron.

Tinulak ni Giro si Ella papunta sa Battlefield. "Go Princess!" Sigaw nila.

Napatawa nang mahina si Ella. Para kasing ewan si Giro na sigaw ng sigaw mula duon sa upuan nila.

Ang ibang miyembro ng ALPHA ay nagpanggap na lang na hindi siya kilala.

"START!"

Napaharap si Ella kay JC na nakangisi na nakatayo lang sa harap niya.

"Hindi ka lalaban?" Tanong ni Ella.

Napangiti si JC isang masamang ngiti. "Bakit naman kita kakalabanin? Gusto mong patayin ako ni Kiro?"

Napakunot na lang ang noo ni Ella pero hindi niya pinansin ang mga sinabi sa kanya ni JC.

Susugod na sana siya ng suntok pero hinablot ni JC ang kanyang kamay at ibinaba iyon.

"Ayokong makipaglaban sa'yo. Sayang lang ang lakas ko dahil panalo naman na ako."

Napangisi si Ella. Tatawagin na sana ni JC ang referee pero bigla niyang siniko ang tagiliran ni JC. Mabilis na nabitawan ni JC ang kamay ni Ella kaya naman napalayo si Ella nang kaunti habang namimilipit naman sa sakit si JC.

"Ikaw...!"

Nanlaki ang mata ni Ella ng bigla siyang sampalin ng malakas ni JC sa kanyang kaliwang pisngi.

"Huwag mo akong susubukan. Mayabang ka lang kasi nanalo ka kanina."

Namumula na ang pisngi ni Ella pero nanatili pa rin siyang nakatayo at tahimik.

"Bago mo ako tuluyan...may itatanong lang ako." Lumapit ng konti si Ella kay JC at bumulong.

Napatingin ang lahat sa kanila. Pati na rin sina Zico at Kiro.

Damn it. Anong ginagawa mo ELLA?!

"Ikaw ba ang pumatay sa mga magulang nina Kiro at Giro?" Pabulong niyang tanong dito.

Mabilis na lumayo si Ella at naghintay ng sagot.

"Ewan ko." Nakangising sabi ni JC.

Mabilis ang oras. Hindi namalayan ni Ella na napaupo na siya sa sahig dahil sa lakas ng sipa sa kanyang tiyan ni JC.

"Wala akong pake kung babae ka. It doesn't matter."

Napadura na lang si Ella ng dugo. Sobrang sakit ng pagkakasipa sa kanya ni JC.

Tatayo na siya ngunit hindi niya kaya at nahulog ngunit sinalo siya ni... Kiro.

"Okay ka lang?"

Tinignan niya ng masama si Kiro. "Halata ba?" Sarkastiko niyang sagot.

Kumuha muna siya ng puwersa kay Kiro bago tuluyang tumayo at lumapit kay JC na pinalilibutan na ng ALPHA.

"Lose."

Mabilis na pinagsusuntok ni Ella ang mukha ni JC. Susuntok pa sana ito pero sinipa niya ito sa you know what niya.

Napahiga si JC sa sobrang sakit at kasabay 'non ang pagbagsak ni Ella.

Mabilis siyang sinalo ni Zico.

"Shoot! Dalhin natin siya sa ospital! Bilis!"

Agad na umalis doon ang ALPHA. Wala na silang pakelam sa BLACK ORGANIZATION basta magaing okay lang si Ella.

Si Francois ang nagmaneho ng van kaya naman mabilis silang nakarating sa ospital.

Napaupo na lamang sina Zico sa mga upuan dito sa labas ng emergency room.

"P're nawalan ng malay si Ella." Sambit ni Giro.

Tumayo si Kiro. Napasuntok na lamang siya sa pader. Sobra siyang nagagalit sa kanyang sarili.

"Dapat ako ang nagpoprotekta sa kanya. Pero parang ako pa yata ang may..."

Napatigil siya sa pagsasalita.

"Kung sana napaghandaan niya ito. Hindi sana ospital ang bagsak niya ngayon." Sagot naman ni Mark.

Napailing na lamang si Kiro.

Malakas si Ella kakayanin niya iyan...

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon