CHAPTER 5: Who?

3.7K 110 3
                                    

CHAPTER 5: Who?

Weeks passed...

"Sinong nagsabi sa inyo na pwede kayong magsulat dito sa pader?!" Malakas na sigaw ni Ella. Dahilan para matakot ang dalawang lalaking estudyante.

"S-Sorry po..." Ganito na lang lagi. 

Pinanagutan na ni Ella ang pagiging Alpha's Princess. Mahirap noong una dahil hindi niya alam ang gagawin pero mas napapabuti na siya ngayon. She didn't even expect that she could act like this.

"Ilang beses ko na ba kayo pinagsabihan? Pangatlo na 'to." Tatakbo na sana ang dalawa pero hinarang ni Ella ang kanyang paa sa pader.

"Sorry... Patawarin niyo na po kami." Napangisi si Ella sa sinabi ng dalawa. "Hindi ko na ito pwedeng palagpasin. Ipapatawag namin ang magulang niyo."

Umalis na agad doon si Ella. Dumiretso siya sa AHQ dito sa school.

Nakita niyang nandon si Mark, Ron, at Francois.

"Guys, asan sila?" Tanong niya sa mga ito. Hindi pinansin ni Ron si Ella at ipinagpatuloy ang pagtulog nito.

Habang si Mark naman at Francois ay nilapitan siya. "Sorry, Ella. Wala kasi sila dito. Sa pagkakaalam ko ay may pinuntahan sila."

Napakunot naman ang noo ni Ella sa sinabi ni Francois kaya agad na siniko ni Mark si Francois. 

"Saan naman sila pumunta?" Ella asked.

Sasagot sana si Francois ngunit tinakpan ni Mark ang bibig nito. "Manahimik ka nga! Ang daldal mo."

"Bitawan mo ako! Kawawa ang mukha ko sa kamay mong madumi." Sinamaan lang ng tingin ni Mark si Francois at tumingin kay Ella.

"Ella... Babalik rin sila, importante lang talaga ang pinuntahan nila."

"Gaanong kaimportante kaya bawal sabihin sa akin?"

Napangisi si Mark. "Mas importante pa sa buhay mo."

Wala ng nagawa si Ella. If it's so important, I shouldn't stick my nose to it, right?

"Nakakainis naman! Bagsak na naman ako sa practical kanina." Sambit ni Irene at kinagat ang burger niya.

Nandito siya ngayon sa classroom nila dahil wala pa ang teacher. Naiinis siya dahil bagsak siya kanina sa practical ng arnis.

"Okay lang 'yan beshty. Gusto mo turuan pa kita?" Tanong ni Ella.

Umiling naman si Irene. "Huwag na. Ang galing mo nga, e. Ang bilis mong humampas. Buti hindi nasugatan yung partner mo."

Natawa silang dalawa.

"Sige na nga... Sandali, nakita mo ba sina kuya? Hindi ko na sila nakita." Sambit ni Ella. Alam naman niyang may importante itong pinuntahan pero hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala dahil kanina pa sila wala. Would they take all day?

Napaisip si Irene. "Hindi e. Huwag kang mag-alala. Gangster 'yun. Kaya nila yung sarili nila."

"'Yun nga yung problema ko. Gangster sila."

She gave me an assuring smile. "Ano ka ba naman Ella! Magiging okay lang sila. Halika, kumain na lang tayo."

Napaisip si Ella. Sana nga.

Ella's worried. Sapagkat sin Zico...

"Ano bang kailangan niyo sa amin at pinapunta niyo pa kami dito?" Tanong ni Zico.

Napangisi ang SUPREME at kasabay 'non ay ibinato ni JC kay Zico ang isang envelope na papel. "Mamaya mo na buksan 'yan."

Tinago muna nina Zico ang envelope. 

"Alam mo Zico? Nakakainis na kayo. Kailan ba kayo tatahimik?" Si Hunter.

Napangisi na lamang si Zico sa sinabi sa kanila ni Hunter. "Ano bang problema niyo? Tahimik na kami pero nanggugulo pa kayo."

"Alam mo ang problema namin Zico." Seryosong saad ni Ski. Inirapan at hindi ito pinansin ni Zico.

"Ang kapatid mo. Si Ella Crest."

Parang nagpantig ang tenga ni Kiro ng marinig ang pangalan ni Ella. Agad niyang sinunggaban ng sapak si Mike. 

"Huwag na huwag niyong isasama si Ella dito. Ano bang kasalanan niya?!" Sigaw ni Kiro.

Natawa si Giro at Ethan sa likod. "Hala lagot. Nagalit." Sabay nilang sabi.

Kung titingnan mo ay mas malakas talaga ang ALPHA kaysa sa SUPREME. Kahit apat lang sila ngayon ay kaya nila ito.

Napatumba si Mike dahil sa lakas ng suntok ni Kiro. 

"Alam mo kung bakit, Kiro?" Tanong ni Lei.

"Dahil siya lang naman ang taong pwedeng ituloy ang gawain niyo. Kapag namatay kayo."

Napangisi si Giro. "Sinong may sabi na mamamatay kami? Baka kayo." Atsaka nag-apir kay Ethan.

Magkasundo talaga ang dalawang ito. Nasa laban na nga masyadong pang mabiro.

"Tigilan niyo ang Alpha's Princess. Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko... Hindi na ako makakapagpigil pa." Sambit ni Zico atsaka naglakad palabas pero bago pa man sila lumabas ay sumigaw si Klein.

"May parating na kaming armas para sirain 'yang kapatid niyo. Hindi materyal na bagay."

Napatingin si Kiro. Napakasama ng tingin niya kay Klein. "Ano na naman 'yan?"

Pinalapit nila si Gon kay Kiro. "Ako lang naman ang armas na 'yun... at alam mo ang gagamitin kong pamatay? Pagmamahal."

Mas lalong napangisi si Kiro. "Uulitin mo naman ang ginawa ng tatay mo sa nanay ko?"

Napangisi si Gon. "Magkaiba kami. Pero parehas kami ng dugo."

Sinuntok ng malakas ni Zico si Gon kaya nagdugo ang labi nito. "Huwag mong subukan."

"Talaga." Ngising sabi ni Gon na hindi natinag sa ginawa ni Zico.

Umalis na doon ang ALPHA.

Pagdating nila sa AHQ, doon sa bahay nina Kiro, andun si Ella at hinihintay sila.

"Buti naman at naisipan niyo pang umuwi! Gabi na!" Sigaw ni Ella.

"Li'l sis... Magmula ngayon, bawal ka ng umalis mag-isa. Dapat lagi kang may kasama... ni-isa sa Alpha."

Nag-init ang ulo ni Ella dahil sa narinig niya. "SUPREME ba ang problema? Rinig ko'y may kalaban kayong... isa pang grupo."

Napatango si Zico sa tanong ni Ella. "Makinig ka na lang please?"

Sa paglipas ng araw, marami ng alam si Ella sa Supreme dahil lagi siyang kinukwentuhan ni Ethan.

"Oo na. Basta mangako kayo."

Napatingin silang lahat kay Ella.

"Ano 'yun?" Sabay-sabay nilang sabi.

"Mangako kayo na magiging ligtas kayo."

Halata na nagulat ang lahat sa sinabi ni Ella pero agad silang sumagot. "Pangako."

Huwag kayong mag-alala sa akin. Kuya, kayo ang mag-ingat.

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon