CHAPTER 3: 1st Day of Training

5.8K 156 13
                                    

CHAPTER 3: 1st Day of Training

Napailing si Kiro kasabay ng pagtapon sa papel na hawak niya. May mga love letters na naman na ibinigay ang fan girls niya. Dumiretso muna siya sa vending machine sa canteen atsaka iyon sinangga dahilan para mahulog ang isang bubble gum.

Agad niya iyong kinuha at tinanggalan ng balot. Tsaka ito nginuya. 

"Oh my! Andito si Kiro!"

Hindi na lang niya pinansin ang sigawan ng mga babae sa gilid niya habang naglalakad. Pumunta siya sa classroom ni Ella.

Napansin niya na halatang walang interes si Ella sa klase nila kaya napangiti siya. "Hindi lang pala maarte at masungit. Tamad rin pala."

Isinulot ni Kiro ang kanyang isang kamay sa kanyang bulsa at tuluyan ng umalis papalayo, papunta sa AHQ. Short for Alpha HeadQuarters.

Andun na rin ang ibang miyembro ng Alpha.

"Oh! And'yan na pala ang gangster, e." Sambit ni Ethan.

"Saan ka galing? Ang tagal mo naman!" Pabirong sabi ni Giro.

"Kuya..."

"Kiro. Saan ka ba galing?" Tanong ni Ron.

Napailing na lang siya. "I just checked on that woman."

Sa narinig na sinabi ni Kiro. Ay agad na napatingin si Zico sa kanya. "Kamusta siya? Anong ginagawa niya?"

Napangisi si Kiro. "Muntikan na siyang makatulog. Halatang ayaw niyang mag-aral. Hindi lang pala maarte at masungit ang kapatid mo, Zico. Tamad rin pala."

Lahat sila ay humagalpak ng tawa.

Napailing si Zico sa sinabi ni Kiro. "E, ano pa ba ang maaasahan niyo sa kapatid kong rebelde na takot sa gangster?" Saglit siyang tumawa. "Sandali Kiro, bakit ka nga pala napadaan sa kaniya?"

Kiro stared directly at Zico's eyes. "As part of protecting her."

Napatango na lamang silang lahat. Agad na pumunta sa training area at nagsimula sa training. Bawat isa sa kanila ay may ginagawa. Ito ay isang paraan para mahasa nila ang kanilang kakayahan.

"Sandali lang Ella! Grabe, may lahing kabayo ka ba? Ang bilis mong maglakad!" Angal ni Irene habang nakatingin kay Ella.

Mabilis naman na tumigil si Ella at humarap sa kanya kaya nagkabungguan sila. "Aray!"

"Sorry.."  Sambit nila.

Napatingin sila sa lalaking kanina pa nakatayo at nakikinig sa kanila.

"Are you both fine?" Taas kilay na tiningnan ni Ella si Giro bago ito humarap kay Irene at ngumisi.

"Beshty, ayan na yung–" Hindi na naituloy ni Ella ang sasabihin niya ng agad na tumakbo papalayo doon si Irene. Agad na umiling si Ella at hinarap si Giro.

"Dumating ka kasi, e. Ayan tuloy iniwan ako." Nakangising sambit ni Ella kay Giro. 

"Akala ko ba takot ka sa gangsters? Teka, bakit ba ako?" Gulong tanong ni Giro.

"E, para kasing hindi kayo gangsters, e. You guys are so carefree." Sa pagkakataon na ito si Giro naman ang ngumisi.

"Wala kang alam sa totoong pagkatao namin. You shouln't judge people based on what they want you to see." Sa sinabi na iyon ni Giro ay halos manghina na ang tuhod ni Ella.

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon