CHAPTER 14: New Friend
Hindi mapakali sa kanyang upuan si Ella. Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga kaklase niya pero wala siyang pakialam.
Sino ba naman ang hindi mapapakali kung ang kuya mo ay pinagti-tripan ka?
Kaninang umaga, iniwan siya nina Zico. Tapos ngayon, hindi niya mahanap yung libro niya ng mathematics. Kinuha na naman nina Zico. Alam niya na mananagot na naman siya sa teacher at baka matanggal pa ito. Tch.
"Ella!" Napatingin siya kay Irene na papalapit sa upuan niya. "Hala, beshty. Anyare?"
"Nakita mo ba sina kuya? Nakakainis. Kinuha nila yung Math book ko." Angal niya kay Irene.
Napangiti ang kanyang kaibigan.
"Ano ka ba! Okay lang 'yun. Ikaw naman 'yung kapatid ng isa sa may-ari ng school e. Ikaw pa ang Alpha's Princess kaya wala silang maggawa."
Mas lalong kinabahan si Ella sa sinabi ni Irene. "Kahit na."
"Alam mo beshty? Bakit ang humble mo? Humble ka nga pero... May pagkamaldita ka pagdating kay Kiro." Sambit ni Irene.
Tumango-tango na lamang si Ella.
Hindi na niya pinansin ang libro niya dahil makikihiram na lamang siya kay Irene dahil katabi niya ito.
Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang teacher.
"Okay class. May bago tayong transfer student. I hope you treat him well."
Napatingin ang lahat sa pintuan ng may pumasok doon na lalaki.
"H-Hi. My name is Kiefer Sanderson. Sana maging magkaibigan tayo."
Pagkatapos 'non ay agad siyang nag-bow at ngumiti. Napansin ni Ella na may kakaiba sa kanyang ngiti, which is really weird. Nakita niya na 'yun from who?
"Okay Mr Sanderson, pwede ka ng maupo sa tabi ni Ms Ella Crest, a.k.a ALPHA'S PRINCESS." Sabay turo ng prof namin sa left side ni Ella which is a vacant sit.
"Thank you."
Agad naman na dumiretso si Kiefer sa gilid ni Ella at umupo. Napansin ni Ella na medyo mahiyain si Kiefer kaya naman binulungan niya ito.
"Pst. Ako nga pala si Ella."
Inabot niya ang kamay niya at kasabay 'non ay ngumiti siya. Inabot naman ni Kiefer ang kamay niya kay Ella at pagkatapos 'non ay ngumiti na rin siya.
"Kiefer Sanderson. Ikaw pala yung sinasabi nilang Alpha's Princess."
Tumango na lamang si Ella.
"Hope we can be friends."
Sa kabilang banda naman ay muntikan ng mapisa ni Kiro ang hawak na bote ng softdrinks dahil sa sobrang inis.
"Sino ba 'yang Kiefer Sanderson na 'yan? Bago pala siya dito." Napangisi na lamang siya. "Mukhang may bago akong karibal."
Ibinato niya sa basurahan ang softdrinks na kanyang dala. At nilagay sa bulsa ang parehas na kamay. Sinuot niya ang kanyang leather jacket at umalis doon.
Bumalik siya sa headquarters ng Alpha Academy. Nakita niya si Zico na may kausap sa telepono.
"Psh, Zico kausap mo si Athena?"
Tumango na lamang si Zico at sinenyasan si Kiro na umalis muna dahil kailangan niya ng privacy.
Napailing na lamang si Kiro dahil kay Zico. "Tch, hyung..."
Umalis na siya sa headquarters at naupo na lang sa damuhan ng field. Kinuha niya mula sa kanyang bulsa ang isang litrato.
Itinapat niya iyon sa araw at tiningnan. "Miss ko na kayo. Kamusta na kayo d'yan?"
Napangiti siya ng mapait. "Masakit bang mamatay para sa mahal mo?"
Hindi alam ni Kiro na nakatingin si Ella sa kanya mula sa malayo. Hindi alam ni Ella kung bakit ganyan na lang ang inakto ni Kiro. Para siyang nagpipigil ng iyak o ano.
Sandali lang kasing nagpaalam si Ella sa prof nila na mag-CR pero napadaan siya dito sa hallway malapit sa field at nakita si Kiro.
"Malungkot ang gangster?" Napatingin siya sa kanyang orasan at agad na nag-panic. "Tsk. Baka hinahanap na ako ni prof..."
Bago siya umalis ay tiningnan niya si Kiro. Parang may kung anong weird na pakiramdam sa kanyang puso ang kanyang nadarama.
Umalis na siya doon. Baka kasi hinahanap na siya ng prof nila at baka mapagalitan pa siya.
Sapagkat...
Mula sa malayo, may mga matang nakamasid sa dalawa. Kay Kiro na nasa field at kay Ella naman na nakatitig kay Kiro.
"Mukhang may nabubuo ng kakaiba sa inyong dalawa.." Napangiti siya ng mapait. "Pero hindi ako papayag na mangyari iyon."
Agad siyang umalis ng marinig niya na tumunog na ang bell.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...