CHAPTER 35: Confused
Sabay na tumakbo sina Irene at Ella papunta sa dagat. Lahat ng miyembro ng ALPHA ay nakatingin sa kanila. Para silang mga bata na naghahabulan.
"I told you to rest, Ella!" Galit na sabi ni Kiro at lumapit kay Ella. "Change your clothes please."
Napasimangot naman si Ella.
"Ayaw!" Sabay binelatan pa si Kiro. "Why would I change my clothes just to please you?"
"What the... Ella!"
Kaya naman nagtawanan sina Zico.
"Dalawang bata ang nag-aaway? Walang mananalo." Natatawang sambit ni Mark kaya mas lalo silang natawa.
"Ako ang nag-iisang pogi!" Sigaw ni Giro at tila ba proud pa sa sarili niya.
Tinignan siya nina Kiro na parang hindi maintindihan.
"Hyung? Anong connect?" Tanong ni Kiro.
"Tch." Maktol ni Giro at pinagpatuloy ang sand castle na kanyang ginagawa.
"Ethan, private 'to diba?" Tanong ni Francois.
"Aba ewan ko." Sagot naman ni Ethan kaya siya sinabunutan ni Francois.
"Aish! Napakawalang kwenta mo talagang kausap!" Sigaw ni Francois.
"Aray! Masakit!" Sigaw ni Ethan pero hindi siya pinapansin ni Francois.
Sina Athena at Zico naman ay parehas na nakaupo sa buhangin habang pinagmamasdan ang kanilang mga kaibigan sa mga kalokohan nito. They both laughed at how crazy the people they were with.
Si Irene naman ay tinutulungan si Giro na buuin yung sand castle. Hays, gangster ba talaga ito o bata? Tch.
"Ella!" Sigaw ni Kiro.
Napalingon sa kanya si Ella.
"Oh bakit gangster?" Tanong nito.
"I IS LESS THAN 3 U!" Sigaw ni Kiro kay Ella kaya naman winisikan siya ni Ella ng tubig.
"Ewan ko sa 'yo! Namana ka na ata kay Giro. Ang jeje." Natatawang sabi ni Ella habang nagtatampisaw sa tubig.
Ngunit sa kabila naman...
"Kamusta ka?" Tanong ni JC kay Gon.
"Maayos naman. Kayo? Ang tagal ko ng hindi nakakabalik." Nakangising sabi nito sa telepono.
"Langya ka kasi! Kailan ba gagawin 'yung plano natin? Kapag ako hindi na nakapagpigil, kami na mismo ang gagawa 'non!" Galit na sigaw ni JC magmula sa kabilang linya.
"Chillax lead. Hinay-hinay. Kailangan ko pang gawin ang isang bagay bago magkaaminan." Natatawang sabi ni Gon.
"Ano 'yun?" Tanong ni JC.
Napatingin naman si Gon sa darts na nakatusok sa picture ni Kiro at Ella sa kanyang pader.
"Ang paikutin silang lahat sa isang kalokohan." Nakangisi nitong sabi at uminom ng alak.
"Ayusin mo Gon. Kailangan maging matagumpay 'yan." Sambit ni JC.
"Ako pa lead. Trust me, sa kanila ang huling luhang papatak." Sagot ni Gon.
"Mali. Sa kanila ang huling dugong mawawala." Natatawang sambit ni JC.
Napatango si Gon.
"Maayos na. Huling tiyempo na lang."
"Magaling."
Pinatay na ni Gon ang tawag. Hintayin mo Kiro Minlay... ang paghihiganti naming lahat.
Balik sa Alpha...
"Ella! Ano ba, kumain ka na." Sabi ni Zico kay Ella.
Gabi na ngayon at kumakain na sila ng hapunan.
Masyado silang nagsaya sa dagat kaya naman medyo late na sila nakabalik sa hotel. Private naman ito kaya maayos lang.
"Kuya wait lang tumatawag si Kiefer." Sambit ni Ella at tumayo pero pinigilan siya ni Kiro.
"Ella, huwag mong sagutin." Sambit ni Kiro pero hinila ni Ella ang kanyang kamay.
"Bakit naman?"
Tiningnan siya ni Kiro ng seryoso sa mata. "Naalala mo naman diba? Traydor siya."
Umiling si Ella.
"Sandali, dito lang ako."
Pumunta si Ella dito sa gilid ng lamesa nila para naman hindi na rin mag-alala si Kiro.
"Hello?" Tanong ni Ella.
("Hi Ella... asan kayo?")
"Bakit mo natanong?"
("Nothing... where are you?")
"Bakit nga?"
("Gusto ko lang malaman, ano bang problema dun?")
"Why ask that?"
("Ella–")
"Bye! Marami pa akong ginagawa!"
Binabaan na ni Ella ng tawag si Kiefer at napatingin kayna Kiro na nakatingin sa kanya.
"Very good." Nakangising sambit ni Kiro.
Napangiti si Ella. "Okay na?"
Tumango silang lahat.
Umupo na ulit si Ella at pinagpatuloy ang kanyang pagkain pero nagtataka siya.
Baliw talaga si Kiefer. Manloloko, bakit pa siya tumawag? Hindi ako slow. May gagawin siya at sigurado akong hindi iyon maganda.
Tumingin siya sa kanyang mga kaibigan.
Mahina man ako, may mapapatunayan pa rin ako. Poprotektahan ko kayo. Pangako. Maging kamatayan man ang kapalit nito.
Huwag ka sanang magagalit Kiro... Mahal na mahal kita, gangster.
Pinigilan niyang tumulo ang kanyang mga luha at umakto na lamang na napuwing.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...