CHAPTER 21: Date
Nakayuko lamang si Ella. She and Kiro are both exiting Alpha Academy and she can definitely feel people staring. Nakita niya sina Zico na nakangiti sa kanila. Sinenyasan niya itong tulungan siya. Ngunit, umiling silang lahat.
She glared and pouted at them. Hindi talaga siya komportable ngayon. Sobra siyang naninibago sa inaakto ni Kiro.
"Sakay." Sambit ni Kiro.
Napatingin siya sa motorbike. "Ayaw ko! 'Yung sa akin na lang."
Aalis na sana si Ella ngunit hinawakan ni Kiro ang kamay niya at hinila ulit ng mahina. "Sakay na. Pinatanggal ko gulong ng motorbike mo."
Nanlaki ang mata ni Ella at sinipa ng mahina sa binti si Kiro.
"What the!"
Wala na siyang nagawa pa. Sumakay na siya at inilagay ang helmet sa ulo niya. Ganon din si Kiro.
"Kumapit ka sa akin."
Tiningnan ni Ella si Kiro na para bang naguguluhan. "Bilisan mo na. Hindi ka kagandahan tandaan mo 'yan."
Sa sobrang pagkaasar ni Ella sa mga sinasabi ni Kiro ay wala na siyang nagawa kung hindi ay ang kumapit na lang sa bewang ni Kiro.
Habang umaandar ay naisipan ni Ella na kulit-kulitin si Kiro.
"Kiro!"
"Kiro!"
"Kiro!"
"Kiro–"
Sinamaan siya ng tingin ni Kiro.
Naiirita si Kiro dahil ang ingay ni Ella. "Gusto mo bang maaksidente tayo?"
Umiling si Ella.
"Just stay still."
Umiling ulit si Ella.
"Fine!"
Nakarating sila sa isang amusement park. Napatingin si Ella ng nakakunot ang noo kay Kiro.
"What?"
Tiningnan siya ni Ella tska tumingin sa buong amusement park.
"Baka naligaw tayo." Natatawang sabi ni Ella.
"Nope."
"Huh? Date 'di ba? Bakit dito?"
Ngumiti si Kiro. It's a smile that could shoot straight into your heart.
"Let's have some fun."
Ngumiti na rin si Ella at mabilis na hinila ang kamay ni Kiro. Nagulat si Kiro at tinitigan niya lang ang kamay ni Ella na nakahawak sa kamay niya.
"S-Saan tayo?" Nauutal niyang sabi.
"E 'di sa amusement park! Bilis, gusto ko ng maglaro!" Nakangiting sabi ni Ella.
Napangiti na rin ng palihim si Kiro.
Kahit simpleng bagay, na-appreciate niya. Sabi ni Kiro sa kanyang isip. Really unique.
Pumasok na sila sa loob ng amusement park matapos makakuha ng ticket.
Pagkapasok pa lang ay manghang-mangha na si Ella sa nakikita niya. Para siyang bata na ngayon lang ulit nakabalik sa amusement park.
"Ang ganda!" Masaya niyang sabi.
Tumango si Kiro habang nakatingin kay Ella. "Sobra..."
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Novela Juvenil(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...