CHAPTER 9: Secret Door
Hindi na nakapagpigil ng inis si JC kaya nasuntok niya ang pader. He was fuming mad.
Nagdugo ang kanyang kamay. Hahawakan sana ito ni Mike ngunit iniwas niya.
"Kailan pa?" Matalim siyang nakatingin kay Gon. "Kailan ka pa magsisimula? Kapag tapos na?! Akala ko ba ay maayos na?!"
Napaiwas ng tingin si Gon at hinawakan ang isang punyal na nasa lamesa. "Malapit na... Kailangan ko lang ng magandang oras." Sabay niyang binato ang punyal sa red target na nakadikit sa pader. "X marks the spot."
Mas lalong nag-init ang ulo ni JC. "Kapag hindi ka nagtagumpay, ikaw ang mamamatay."
Napangiwi si Gon at nagsalita muli. "Killing two birds of the same feathers."
Lahat ng nasa SUPREME ay matalim lang na inoobserbahan ang ginagawa ni Gon. Hindi nila maintindihan kung bakit ayaw pa nitong gawin ang plano ngunit pumayag na siya.
"Ayus-ayusin mo ang gawain mo, Reyes." Pagbabanta sa kanya ni Lei.
"Ang mga taong hindi pwedeng pagkatiwalaan, kamatayan ang hantungan." Iyan ang huling sinabi ni Ski bago tuluyang iwanan ng SUPREME si Gon at umalis.
Napangisi na lamang si Gon. "Masyado kayong atat... Maghintay lang naman kasi."
Kasabay 'non ay ibinato pa niya ang isang punyal sa red target at lumagpas ito. Hindi napunta sa target kaya napangisi ulit siya. "Love sucks."
Habang sa Alpha naman...
Tahimik na nagbabasa dito sa library ng libro si Ella.
Mahilig siyang magbasa ng mga libro lalo na't kapag wala siyang ginagawa. "Grabe naman... Mamamatay na yung lalaki, hindi pa lumaban yung babae."
Sinara niya ang libro at tumayo tsaka iyon binalik kung saan niya kinuha. Napanguso na lamang siya at napasandal sa mga book shelf. "Walang kwentang love story. Ang hina naman nung babae."
Nakita niya si Kiro na naglalakad sa labas ng library kaya sinundan niya ito.
Napadpad siya sa isang lugar malapit sa AHQ, dito sa Alpha Academy. Nagtago siya sa likod ng mga halaman at nakita si Kiro na hinawi ang mga halaman na nakakalat at may nakita siyang pintuan.
Mukhang malinis pa naman ang pintuan. Nakita niya na binuksan iyon ni Kiro at pumasok sa loob. Bago tuluyan na makapasok si Kiro ay tumingin siya sa paligid.
Agad na napaupo sa damo si Ella. "Sigurado ako na isa itong sekretong lagusan." Pero may isang tanong pa siya. "Papunta saan?"
Bumalik na lamang siya ng Alpha Academy. Natatakot siya na baka makita pa siya ni Kiro at masungitan na naman ng gangster na iyon.
Naglalakad lang siya sa hallway ng bigla niyang mabangga ang isang lalaki. "Uhm, sorry."
Maglalakad na sana siya ulit pero hinawakan nung lalaki ang kanyang braso.
"May problema ba?" Tanong ni Ella.
Tiningnan siya nung lalaki. Tinanggal ang hood nito na tumatakip sa kanyang mukha. "Gon nga pala. Gon Reyes."
Nanlaki ang mga mata ni Ella. Pakiramdam ni Ella ay narinig na niya ang pangalan na iyon.
"Kilala ba kita? Parang narinig ko na 'yang pangalan mo ah. Bago ka ba dito?"
Napakunot ang noo ni Ella ng biglang bitawan ng lalaki ang kanyang kamay. "Sorry ulit. Aalis na ako."
Gusto pa sana niyang habulin ang lalaki pero agad itong tumakbo palayo. Ano na naman ba iyon?
Dumiretso na lang siya sa classroom nila at nakita na lahat ng kaklase niya ay nakatingin sa kanya. Agad silang nag-bow kay Ella bilang parte ng pagiging Alpha's Princess nito.
Napaupo si Ella sa kanyang upuan. Napatingin siya sa kanyang cellphone. Malapit ng mag-lunch. Nagugutom na kasi siya kanina pa. Ang layo pa naman nung nilakad niya papunta doon sa pinuntahan ni Kiro kanina lang.
Anong nangyari kay Kiro?
Sinara agad ni Kiro ang pintuan at dumiretso sa loob.
Lagi niyang ginagawa ang bagay na ito kapag gusto niyang umalis at manahimik. Uuwi siya sa bahay nila kung nasaan ang isa pang AHQ gamit ang isang sikretong pintuan na ang Alpha lang ang nakakaalam dito sa Alpha Academy.
Agad siyang dumiretso sa kanyang kwarto. Ngunit may isa pang misteryo sa sikretong pintuan na iyon. May nakatagong mga sikreto na hindi alam kahit ni Ella at tanging Alpha lang talaga.
"Mama... Papa..."
Agad na hinawakan ni Kiro ang picture frame sa kanyang bedside table. Picture nilang buong pamilya bago tuluyan na mawala ang kanyang mga magulang.
"Miss ko na kayo."
Agad niyang pinunasan ang kanyang mga mata. Binuksan niya ang kanyang diary pero may nahulog na papel duon.
Kiro anak,
Sana kapag nahanap mo na ang babaeng mamahalin mo at para sa 'yo... huwag mo siyang papakawalan at lagi mo siyang ipaglaban kahit maubos ka. Ang tunay na pagmamahal, kahit kamatayan ay hindi masusukat. Nasasa iyo na iyon.
-Mama at Papa
Mas lalo siyang napaiyak.
"Ma, Pa... Nahanap ko na siya... kaso lang, paano ko siya ipaglalaban kung siya mismo ang may ayaw sa akin?"
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...