CHAPTER 4: Diary
"Aray! Bakit mo ako sinuntok?" Sigaw ni Ella.
Ethan laughed. Pagkatapos niyang matamaan ang balikat ng dalaga.
Kasalukuyan silang nandito sa AHQ at nag eensayo. Bukod sa Headquarters na nasa Alpha Academy, isa pa itong bahay nina Kiro. Kanina pa pinag-aaralan ni Ella ang boxing. She's practising with Ethan.
"Kaya nga boxing, e. May nakita ka bang boxing na hindi nagsusuntukan?" Lalong lumakas ang tawa ng binata. Hindi napansin ni Ethan na susuntukin na siya ni Ella kaya hindi siya nakaiwas.
"Wala bang head start?" Asar na tanong ni Ethan. He held his left cheek, kung saan siya nasapak ni Ella.
"Kaya nga boxing 'di ba? You said." Ganting biro ni Ella. "Ano? Ayos ba?"
"Oo, pwede na. More practice na lang para mas masanay ka. Try the punching bag. Magpapahinga muna ako." Sambit ni Ethan.
Tumango si Ella. Ethan immediately sat on one of the chairs. Huminga muna ng malalim bago uminom ng tubig.
However, si Ella naman ay pumwesto na sa harapan ng punching bag. It was her first time to actually come across one... And to use it.
Bumwelo muna siya bago sinuntok ang punching bag. Ang tigas! Isip niya.
Ganunpaman, patuloy niya itong sinuntok. She would look for different ways kung paano siya madadalian sa pagsuntok. Nang mapagod ay saglitan siyang tumigil at bahagyang hinawakan ang punching bag para tumigil 'to at hindi siya matamaan.
Isang linggo na rin siyang nag eensayo.
Napapansin na ng Alpha ang bahagyang pag-ayos ni Ella patungkol sa pag eensayo. But it was still not enough. They knew she needed more practice. At kapag nasanay na, she'll be strong for sure.
Kahit may pasok ay laging dito sa bahay nina Kiro ang diretso ni Ella upang mag-ensayo. Kaya nga minsan o madalas ay dito na siya natutulog.
It wasn't a big deal though. Kiro didn't mind at all, which Ella found weird. Hindi ba ay dapat mairita ang binata? Pero naisip niya na oo nga pala, buong Alpha ang gumagamit nito. What's wrong if she use it also?
Hindi na nagulat si Ella ng bigyan siya ng sariling kwarto dito. Nalaman din niyang lahat ng miyembro ng Alpha... ay may kwarto dito. Kahit ang kuya niya.
Ilang saglit pa ay tumabi si Zico kay Ethan. Kaso busy ang binatang tinabihan sa cellphone nito. Ethan didn't even mind Zico.
"Bro, kamusta naman ang kapatid ko?" Zico asked.
Hindi siya tiningnan ni Ethan pero sumagot ito. "Konti na lang, bro. Libre mo ako mamaya ha!"
Binatukan ni Zico si Ethan. "Ikaw talaga! Napakatakaw mo. Kaya wala kang nagiging girlfriend."
"Bakit, bro?! Meron na kayong girlfriend? Ha?! Meron?" Naiinis na tanong ni Ethan.
Natawa si Zico atsaka tumayo at naglakad papalayo. "Ewan ko sa'yo."
Sa kabilang dako naman...
"Sigurado ka ba? Parang kahapon lang ay ayaw mo sa offer namin?" Tanong ni Hunter kay Gon.
"Alam niyo naman na gagawin ko ang lahat para sa Supreme, hindi ba?" Sagot ni Gon.
Agad na tumango si JC.
"Magaling. Pero tandaan mo na umiwas ka sa pahamak. Masyadong matakaw ang tadhana para sa mga bagay na ganun." Singit ni Mike.
"Alam ko."
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...