CHAPTER 13: Dead Cat

2.5K 71 3
                                    

CHAPTER 13: Dead Cat

Nagtitipa sa keyboard ngayon si Athena sa computer dito sa kanyang kwarto. May mga bagay na dapat siyang ipasa next week at ginagawa na niya ito ngayon.

"Hays, saan na ba 'yun?" Tanong niya sa sarili habang hinahanap ang kanyang notebook.

"Hala! Lagot na ako." Halos lahat na nang pagtaguan niya ng kanyang notebook ay nahanapan na niya pero wala siyang nakita.

Nakita niya na tumunog ang kanyang cellphone kaya sinagot niya ito.

"Hello?"

"Athena. Tumingin ka sa bintana mo."

"Bakit Zico?"

"Basta."

Pinatay na ni Athena ang tawag atsaka mabilis na sumilip sa kanyang bintana. Nakita niya si Zico sa harap ng bahay nila na nakasandal sa kotse niya at winawagayway ang notebook niya.

Binuksan niya ang kanyang bintana at sumigaw.

"Akin na 'yan Zico! Paano napunta sa'yo 'yan?"

Sumenyas si Zico na bumaba si Athena kaya agad naman siyang bumaba. Pagkababa niya ay magsasalita pa lang siya pero agad siyang niyakap ni Zico.

"Na-miss kita."

Hindi alam ni Athena ang kanyang gagawin dahil kanina pa nakayakap sa kanya si Zico kaya naman umubo siya ng mahina para matauhan si Zico.

"Zico 'di ako makahinga."

Binitawan na ni Zico si Athena atsaka tiningnan sa mga mata.

"Ang ganda mo."

Halos pulang-pula na ang mukha ni Athena dahil sa mga pinaggagawa ni Zico pero pinipilit niya na huwag maapektuhan.

"Alam ko."

Masungit niyang sabi sabay irap. Agad naman na tumawa ng mahina si Zico pero nagsalita si Athena kaya napatigil siya.

"Nasan na notebook ko?"

Nginitian siya ni Zico atsaka iwinagayway ang notebook at itinaas para hindi maabot ni Athena.

"Abutin mo."

Napangisi na lamang si Athena dahil sa pinagagawa ni Zico.

Pinipilit niya pa ring hindi maapektuhan kaya naman inabot abot niya ito. Pero dahil matangkad ng onti si Zico ay hindi niya ito maabot.

"Zico naman kasi. Akin na!" Sigaw niya. Hahablutin na sana niya ang notebook niya pero itinago ni Zico sa likod niya kaya parehas silang napahiga sa sahig.

Nasa taas si Athena at nasa baba naman si Zico.

Kasalukuyang pulang-pula na ang mukha ni Athena.

"Ayos ba yung view?"

Asar ni Zico kay Athena kaya naman agad na tumayo si Athena at kinuha ang notebook niya kay Zico.

"Tsk. Umuwi ka na nga. Ang kulit mo. Bakit mo nga ba kinuha notebook ko?"

Ngumiti lamang si Zico.

"Wala lang, trip ko. Gusto ko lang makita ang babaeng mahal ko." Sambit ni Zico habang tumatayo at pinapagpag ang kanyang damit.

Hiyang-hiya na ngayon si Athena at hindi na niya alam ang gagawin niya. Kung pwede lamang na lamunin ng lupa nilamon na siya ng sobrang kahihiyan.

"A-Ano ka ba! Gabi na. Matulog ka na. BYE!"

Magsasalita pa sana si Zico pero agad na pumasok si Athena sa bahay at tumakbo na papasok.

Napangiti na lamang si Zico dahil alam niyang nahihiya sa kanya si Athena dahil sa mga ginawa niya. Pero wala siyang pakelam dahil mahal niya ito.

"Gagawin ko lahat para sa'yo."

Si Ella naman...

Kakalabas lang ng classroom ni Ella kasabay si Irene. Lunch time ngayon at kakatapos lang ng defense training nila.

"Grabe naman beshty! Ang hirap mag-taekwondo."

Sumimangot si Irene bago kainin ang isang scoop ng ice cream. Si Ella naman ay nakaupo lang at nagmamasid sa paligid.

Tinitingnan niya kung baka andito na naman si Gon.

"Beshty! Beshty! Earth to beshty! Hala!" Agad naman na nagbalik sa realidad ang isip ni Ella ng kumaway sa harapan niya si Irene.

"Ha? Anong sabi mo? Sorry."

Agad na nag-pout si Irene atsaka tinignan si Ella. "Beshty, may problema ba?"

Umiling agad si Ella.

"W-Wala. Pagod lang siguro kasi lately palagi na akong nagpapractice."

Tumango-tango na lamang si Irene bago ubusin ang ice cream niya at bumalik sa classroom.

Uwian na. Hindi na sumabay pa si Ella kay Irene. Dahil sasabay siya sa ALPHA.

"Ella!"

Agad naman siyang tumakbo sa ALPHA at sumakay sa motorbikes. Nagpaunahan pa silang mag-motorbike pero hindi sumali si Kiro.

Nauna si Giro at huli naman si Ron dahil inaantok daw siya at wala sa mood kaya napatawa na lamang silang lahat.

Pagdating sa mansion also known as AHQ ay hindi nila nagustuhan ang nakita nila.

May isang patay na pusa sa harapan ng bahay nila at duguan ito.

"Saan galing 'yan?"

Agad na tinawag ni Kiro ang mga guard at manang para ipalinis ito.

Hindi na lang nila iyon pinansin at pumasok na ulit sa loob.

Kinakabahan pa rin si Ella dahil sa kanyang nakita.

"Kawawa naman yung pusa."

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon