CHAPTER 22: The Gangster Way

2.1K 78 4
                                    

CHAPTER 22: The Gangster Way

Kanina pa nakanganga si Ella. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Kiro.

"Uy seryoso ka gangster?" Nahihiya niyang tanong.

Napangisi si Kiro at inilapit sa mukha niya kay Ella. "Paano kung oo?"

Hahampasin na sana ni Ella si Kiro ngunit bigla itong napasandal sa upuan at tumawa ng malakas.

T-Tumatawa si Kiro?!

"H-Hoy gangster. Ano bang problema mo?!"  Parang may kung anong kiliti sa damdamin ang naramdaman ni Ella nung nakita niyang tumawa si Kiro.

"Nakita mo ba 'yung mukha mo? Priceless!" Napahawak na sa kanyang tiyan si Kiro dahil sa sobrang tawa.

Magsasalita pa naman sana si Ella. Kaso, tumigil na ang Ferris Wheel at bababa na sila.

Pagkababa nila ay agad niyang sinamaan ng tingin si Kiro.

Natawa si Kiro. "Huwag ka ngang feeler! As if naman gusto kitang halikan. Hindi ka–" magsasalita pa sana si Kiro ngunit sumabat si Ella.

"Hindi ako kagandahan. Fine! Alam ko na! Ilang beses mo na 'yang sinabi ngayong araw!" Naiinis na sabi ni Ella.

"Alam mo naman pala, e."

"Uuwi na ako. Bye."

Maglalakad pa naman sana si Ella papalayo ng biglang hilahin ni Kiro ang kanyang braso para pigilan.

"Ano na naman bang problema mo?!" Sigaw ni Ella.

"Sumabay ka na sa'kin. Sa AHQ rin naman tayo uuwi."

Nag-iisip nang excuse si Ella pero biglang nagsalita si Kiro. "Bawal kang tumanggi. Bilis."

Sumakay na sila sa motorbike at umuwi na.

Pagdating nila sa AHQ. Nakita nilang nag-aabang sina Zico, Francois, Ron, Mark, Ethan, at Giro sa may pintuan papasok ng bahay.

Sabay-sabay nilang nilapitan sina Kiro at Ella na kakababa lang ng motorbike at papunta sa direksyon nila.

"Oh buti naman at umuwi pa kayo." Nakangising sabi ni Zico.

"Oo nga! Hoy Kiro ah, inaabuso mo si princess!" Natatawang sabi nina Giro at Ethan.

Itong dalawa ay duo talaga pagdating sa mga kalokohan.

"Manahimik nga kayo d'yan." Naiinis na sabi ni Kiro.

"Bat ba kasi ginabi kayo? Anong oras na?" Sambit ni Francois.

"Tch. Kayo talaga." Sabi ni Ron.

Si Mark naman ay kanina pa ngiti ng ngiti. Inaasar niya talaga si Kiro.

"Tumahimik nga kayo. Ang iingay niyo. Antok na ako. Bye!" Sigaw ni Ella at tumakbo na paakyat ng kwarto niya.

Habang ang buong ALPHA naman ay naiwan sa may labas ng pintuan at lahat sila tumingin ng nakakaloko kay Kiro.

"Date pala ah."

Sabay-sabay nilang sabi at biglang nagtawanan.

Napailing na lamang si Kiro at umakyat na rin sa kwarto niya. Madalas talaga nakakasawa ng makita yung pang-aasar nila. Tsk.

Kinabukasan...

Pagdating ni Ella sa Alpha A. Nakakita siya ng mga ilang kaklase na ang lakas ng ngiti sa kanya.

Hindi siya sumabay ngayon sa buong ALPHA dahil maaga silang umalis at naiwan siya na natutulog pa kaya naman nagmamadali na siya.

Pagdating niya sa classroom nakakita siya ng malaking poster sa board.

HINDI KA KAGANDAHAN PERO MAHAL KITA.

Napakunot na lang ang ulo ni Ella.

Isang tao lang naman ang alam niyang nagsasabi sa kanya ng ganyang bagay e.

Kiro.

Napaupo na lang siya sa upuan niya ng biglang lumapit sa kanya si Irene.

"Best ikaw na ang maswerte! Tingin ka sa labas ng bintana!" Nakangiti at kinikilig na sabi nito.

Napatingin na lamang si Ella sa bintana at nakita niya na may mga rose petals na nakasulat na...

I'm not sweet, alright? That's so corny.

Napasampal na lang ng malakas sa kanyang noo si Ella. Ano na naman bang balak ng gangster na ito? Hilig mantrip!

Nakita niya na lumabas si Kiro out of nowhere atsaka sumigaw.

"Ella Crest! As an order from the gangster, be mine!"

Nagtawanan ang ALPHA sa ginawa ni Kiro.

Ang motto ni Kiro kapag manliligaw ay ganito.

Kung hindi marunong manligaw, daanin sa kapangyarihan.

Worse line ever na narinig...

"What the heck?!" Naiinis na sigaw ni Ella.

Mabilis na bumaba si Ella. Pagkarating niya sa harap ni Kiro ay sinamaan niya ito ng tingin. "Ano bang problema mo gangster? Ang hilig mo talagang mantrip!"

Napatango na lamang si Kiro.

Kahit kailan wala pang nakakakita sa kanyang ngumiti bukod kay Giro at Ella.

Ang kauna-unahang babae na nginitian niya ng totoo.

Bato ang kanyang puso at hindi mo siya masisisi dahil sa mga napagdaanan niya.

Pero nung dumating si Ella...

"What? Sinabi ko na. As your gangster, I am ordering you to be mine."

Muntik nang bumagsak sa kinatatayuan niya si Ella dahil sa sinabi ni Kiro.

Yung totoo? Ganito ba talaga manligaw ang gangster na 'to?

"Ano?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ella.

"Paano kung ayaw ko? 'Di naman natin gusto ang isa't-isa, e..."

Napangisi si Kiro at lumapit kay Ella para bulungan.

"Ako kasi... gusto kita."

Pagkatapos ay mabilis na lumayo ng kaunti si Kiro upang hintayin ang sagot ni Ella.

"Pero–"

Bago pa man tuluyang magsalita si Ella ay nagsalita na si Kiro.

"Kaya kitang hintayin. Kaya kong hintayin yung oras na mahalin mo rin ako. Just... be mine."

Napatungo na lang si Ella.

"Wow, thank you for giving me a choice ha." Ella rolled her eyes. "Ano pa nga bang magagawa ko? Sa lahat ng pang-aaway mo sa akin... tapos gusto mo pala ako?"

Napangiti na lamang si Kiro.

Guess this is the time to open my heart again.

Sa kabilang banda naman ay masamang nakatingin si Kiefer kayna Kiro at Ella.

"Naunahan mo na naman ako." Bago siya umalis dun ay napangiti siya ng mapait. "Pero syemp're hindi ako papayag... kaya humanda ka."

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon