CHAPTER 8: Envelope
Nakatingin ngayon si Ella sa mga ulap habang yakap-yakap ang kanyang paboritong stuff toy na bear.
"Natatakot ako sa mga bagay na pwedeng mangyari..." Bulong niya.
Kanina pa siya naandito sa garden ng AHQ, sa bahay nina Kiro. Gusto niya munang mapag-isa. A part of her feels something's off. Nag-aalala siya.
"Alam mo? Ang mga gangsters, hindi takot sa kahit ano."
Napatingin siya sa nagsalita. Nakita niya si Kiro na umupo sa kanyang tabi atsaka siya tiningnan.
"Hindi totoo 'yan, wala naman iyan sa pagiging gangster. Stop exaggerating gangsters. Hindi kayo ang pinakamalakas sa mundo."
Napangisi si Kiro. "Kahit na."
Tinaasan siya ng kilay ni Ella atsaka tiningnan ng masama. "Kahit ikaw? Sigurado kang hindi ka takot sa kahit ano?"
Tumango si Kiro na ikinainis naman ni Ella. Ewan ba niya, pagdating sa lalaking ito, kahit munting galaw, naiinis na agad siya.
"Nakakainis ka talaga!" Hahampasin na sana ni Ella si Kiro.
She didn't succeed though when she felt Kiro's arms wrapped around her waist. Mas inilapit ng binata ang mukha sa kaniya.
"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ni Ella pero hindi siya pinansin ni Kiro. "K-Kiro!"
Ella wanted to shout again. But before she could do it, she felt Kiro's lips against hers. She frozed.
Ano na naman ang balak ng gangster na ito?! Bakit niya iyon ginawa?!
"Don't say na hindi mo nagustuhan." Mayabang at nang-aasar na sabi ni Kiro.
Ella immediately snapped from being dazed when she heard his voice. She glared at Kiro. Sinuntok niya sa braso.
"Manyakis!" Agad siyang tumayo at tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Napasandal sa pintuan atsaka hinawakan ang kanyang labi.
Hindi pwede! First kiss ko 'yun! Ninakaw ng lalaking iyon ang first kiss ko!
Habang namomroblema si Ella dahil ninakaw ni Kiro ang unang halik niya, si Giro naman ay may ibang balak.
"Sorry na Giro... Hindi naman namin sinasadya–"
"Wala kayong alam kaya huwag niyong awayin si Irene." Babala ni Giro.
Parehas na napangisi ang dalawang babae kay Giro. Paalis na sana si Giro ngunit sumigaw ang isa sa kanila.
"Bakit lagi na lang ba si Irene? Bakit hindi na lang kami?! Sexy naman kami at maganda ah!"
Agad na tumawa si Giro atsaka tumingin sa kanila. Ang mukhang walang ekspresyon.
"Lagi na lang siya dahil para sa akin, mas matimbang siya sa kahit sinong babaeng nakilala ko na hindi flirt. Ladies, being sexy and pretty isn't everything to a man's heart." Iyon ang mga huling salita na binitawan ni Giro bago tuluyang umalis.
Things seem normal but...
Kinuha ni Zico sa kanyang lamesa ang envelope na ibinigay sa kanya nina JC. Tinitigan niya lang ito at nagdadalawang isip pa kung bubuksan.
"Bahala na." He hissed.
Mag-ingat kayo. Kumikilos ang kalaban, baka nakakalimutan niyo. Bantayan niyo ng mabuti ang inyong munting prinsesa... Kung ayaw niyo na mapahamak siya.
Kasama ng sulat na iyan ay may isang papel pa sa loob ng envelope na ginamitan ng dugo sa pagsulat.
'DEATH'
Iyan ang nakalagay sa papel.
Hindi maintindihan ni Zico kung bakit naman magbibigay nang ganitong sulat sa kanila ang SUPREME.
Sabagay, pumapatay nga naman sila.
Pero napaisip siya. Ano ba talaga ang plano ng SUPREME?
Napatingin siya sa pinto ng kanyang kwarto ng bumukas iyon at bumungad si Ron. "Hoy, bumaba ka na at kakain tayo."
Tumango si Zico. "Ron, pakisabi na rin sa kanila na mag-uusap tayong lahat mamaya. Kasama si Ella."
"Sigurado ka bro?"
"Oo."
Pagkatapos nilang kumain ay agad silang nagpunta sa sala ng bahay. Nakaupo silang lahat habang hinihintay na magsalita si Zico dahil siya ang nagpatawag ng meeting ngayon.
"Gusto ko lang na ipaalam sa inyo..."
Ibinato niya kay Kiro ang envelope at nanlaki ang mata nilang lahat ng makita ang nakasulat doon. Lalo na si Ella.
"K-Kuya..."
Agad siyang niyakap ni Zico. "Shh. Huwag kang umiyak. Kakayanin mo 'yan."
Umiling na lamang si Ella at mas lalong humigpit ang yakap kay Zico.
"Bakit ko ba kasi kailangan pang makita ito?"
"Ella, hindi pwede na lagi ka na lang walang alam sa mga bagay-bagay lalo na't kung buhay mo ang nakasalalay."
Napaiwas na lang ng tingin si Ella at kumalas sa pagkakayakap kay Zico.
"Paano na ito?" Napatingin ang lahat kay Kiro ng magsalita ito.
"Hindi ko alam Kiro... Basta kailangan nating protektahan si Ella." Sambit ni Giro.
Lahat sila ay napatingin kay Ella na nakaupo sa gilid ng sofa at tahimik na nakatingin sa kawalan.
"Nakakainis naman, oh." Sambit ni Francois.
Kahit anong mangyari, poprotektahan kita. Sambit ni Kiro sa isipan niya.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...