CHAPTER 30: Confirmed

1.8K 69 0
                                    

CHAPTER 30: Confirmed

Hindi pa rin makapaniwala si Ella sa mga nangyari kahapon.

Kanina pa siya paikot- ikot dito sa kama niya kaya sobra gulo na ng bedsheet. Mabilis siyang umupo ng marinig niyang kumatok sa pintuan niya.

"Pasok!"

Iniluwa 'non si Giro.

"Hi pogi!" Masayang bati sa kanya ni Ella kaya napangiti na lamang si Giro.

"Hi ganda!" Bawi nito sa sinabi sa kanya ni Ella kaya parehas na lang silang natawa.

"Ano nga pala kailangan mo?" Tanong ni Ella habang niyakap ang unan niya.

Umupo naman si Giro sa gilid ng kama ni Ella at tinignan siya ng seryoso.

"Bat ang weird mo Giro? Madalas kang parang isip bata pero minsan ang seryoso mo. Bipolar?" Inosenteng tanong ni Ella kaya napangiti na lamang si Giro.

"Huwag mo nang alalahanin. Sadyang uso lang talaga sa akin ang mood swings." Parehas silang natawa pero maya-maya ay sumeryoso na rin agad ang atmosphere sa pagitan nila.

"So umamin na sa 'yo si Kiro?" Tanong niya.

Sa narinig ni Ella ay nahiya siya kaya agad siyang sumubsob sa unan. Pulang-pula na yung mukha niya. 

"Ella..." Sambit ni Giro.

Inangat niya ang kanyang ulo pero umiwas siya ng tingin at tska nagsalita. 

"P-Paano mo nalaman?" Tanong ni Ella kay Giro.

"Nakasulat sa diary niya."

Napatingin si Ella kay Giro na para bang nagtatanong kung anong ibig sabihin niya. 

"'Wag mong sasabihin kay Kiro ah? Pero may diary siya. Doon niya sinusulat lahat ng nararamdaman niya. Kapag tulog siya pumapasok ako sa kwarto niya para basahin kung ano na naman yung isinulat–" Hindi na naituloy ni Giro ang sasabihin dahil nagulat siya ng biglang may bumato sa kanya ng lata. Natamaan siya sa ulo kaya napa-aray siya.

Nanlaki ang mata niya ng makita si Kiro na nakatayo sa likuran niya at handa nang ibato sa kanya yung lampshade.

"Sinabihan na kita kuya na huwag basahin!" Galit na galit na sigaw ni Kiro.

Nagpeace sign na lamang si Giro at mabilis na tumakbo palabas pero bigla siyang sumigaw.

"Bye Ella, gotta blast!"

Mas lalong nainis si Kiro. Natawa na lang si Ella ng mahina. Yung totoo? Magkapatid ba talaga sila? Parang hindi e. Tch.

"Kuya!" Sigaw ni Kiro.

Natawa na talaga si Ella kaya naman tinignan siya ni Kiro na para bang napipikon. 

"Bakit ka tumatawa?" Galit na saad sa kanya ni Kiro.

Nagpeace-sign sa kanya si Ella bago tuluyan na rin na tumakbo papalabas at sinundan si Giro.

Napangisi na lang si Kiro. Wow, para silang magkapatid. Galing ba sila sa parehas na planeta? Mga baliw.

Habang tumatakbo si Ella ay napunta siya sa labas ng mansion ng AHQ. Tawang-tawa siya na napahawak sa tuhod niya habang hinahabol ang hininga niya.

"Hala! Nasan na si Giro?" Tanong niya.

Napatingin siya sa buong paligid pero wala duon ang alien na hinahanap niya. Pero may nakakuha ng paningin niya sa may gate ng AHQ..

May nakita siyang naka-hoodie. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nga nakatakip at naka-black ang damit niya. Lahat black. Para nga siyang galing sa halloween party.

Hahabulin na sana ni Ella yung lalaki pero mabilis itong tumakbo.

"Huy! Sino ka!" Sigaw niya pero hindi na niya naabutan ang lalaki.

Napatingin siya sa likod niya ng makita duon si Giro na tawang-tawa pero napatingin agad kay Ella.

"Oh, anong problema mo?" Nag-aalala na tanong ni Giro kay Ella.

"May nakita kasi akong lalaki na naka-hoodie tapos all black pa. Tapos, hindi ko nakita yung mukha kasi may nakatakip." Seryoso na sabi ni Ella.

Tinignan ni Giro yung gate pero wala siyang nakita.

"Sige sige." 

"Giro tanong ko lang... Anong nakasulat sa diary ni Kiro?"

Tinignan siya ng nakataas ang isang kilay ni Giro.

"Bingi ka ba? 'Diba nga sabi ko kanina yung mga nararamdaman niya. Iyakin na nga baliw na nga, bingi pa. Tsk." Agad naman siyang binatukan ni Ella.

"Yabang mo!" Sigaw ni Ella.

Nginitian lang siya ni Giro.

"Pero sandali seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ella kay Giro.

"Na mahal ka ni Kiro? Aba, oo naman!" Mabilis na sagot ni Giro kaya agad siyang binatukan ulit ni Ella.

"Ano ba Ella nakakarami ka na masakit!" Sigaw ni Giro pero hindi 'yun pinansin ni Ella.

"Hindi kasi 'yun! Yung diary niya?" Tumango na lamang si Giro dahil natatakot siya na mabatukan pa ni Ella. "Yung gangster na 'yun..."

"Mahal mo?"

Again and again nakakuha na naman ng batok si Giro kay Ella dahil sa sinabi niya. Kaya nagwalk-out na lang si Giro pero bago pa man makaalis ay nagsalita ito.

"Okay lang ako! Seryoso okay lang ako! Sanay na akong masaktan! Bwiset ang sakit!" Sigaw niya at umakyat na.

"Walang may pake! Mahalin mo na lang si Irene!" Pahabol na sigaw ni Ella.

"Mahal mahal mahal. Walang poreber!" Sigaw ni Ethan.

"Palibhasa walang nagkakagusto." Sambit ni Zico.

"Anong sabi mo?!"

"Wala sabi ko panget- este gwapo mo! Oo! Kahit labag sa kalooban ko!" Sigaw ni Zico.

Hindi na lamang sila pinansin ni Ella at umakyat na rin sa kwarto niya.

Alpha Academy: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon