CHAPTER 27: Dead Body
Nakaupo lang ang buong ALPHA kasama si Ella dito sa sala ng AHQ. Mamaya pa sila papasok kaya naman nagpapalipas muna sila dito.
Si Francois ay nagluluto, si Ron natutulog, si Mark naman nagbabasa ng libro. Si Zico kausap sa telepono si Athena at si Giro at Ethan. Alam niyo na... nang-aasar na naman.
Si Kiro ay nakaupo lang habang naka-earphones.
Si Ella naman ay nagbabasa ng mga files tungkol sa ALPHA ACADEMY. Naisipan niya ito kasi bago pa lang siya at wala pa siyang masyadong alam.
Meron rin siyang files na binabasa tungkol sa Alpha Academy. Binigay ito sa kanya nina Zico.
Alpha Academy is a gangster school made by the founders Mr. and Mrs. Minlay- the parents of Giro and Kiro Minlay. Nobody knows the reason why they died. But now, they're sons and their gangster gang is taking over the school.
October 13, 1990- Alpha Academy was born.
They say that Alpha Academy was described as chaotic. Everyone is learning to be a gangster. Being a rebel because of their life. Alpha Academy has become one of the gangster schools that now take over.
Alpha Gang also known as ALPHA. Is now taking over the school. Ever since that Mr. and Mrs. Minlay died.
It was chaotic. Every student described. And since then, no one ever changes their look to ALPHA ACADEMY.
Alpha Gang is one of the most strongest, famous, and respected gangs. They are close to the Black Organization.
They have their mortal enemy... SUPREME GANG.
Others say that Mr. and Mrs. Minlay died because of SUPREME and now Kiro Minlay is searching for revenge. But that is not legit.
"Naiintindihan mo na?" Natigil sa pagbabasa si Ella at napatingin kay Zico.
"Kuya, may tatanong ako sa'yo." Sambit ni Ella sabay hila kay Zico papuntang kusina.
"Kuya bakit nga ba namatay ang mga magulang nina Kiro?"
Napabuntong-hininga si Zico. "Ella...wala ako sa posisyon para sabihin sa'yo. Malalaman mo rin 'yan sa tamang panahon at sa panahong iyon... Sana si Kiro ang magsabi sa iyo." Sambit ni Zico.
Napatango na lamang si Ella at umakyat sa kwarto niya.
Alpha Academy has a lot of secrets to be revealed. It is not the same as it was in the past. They say that it is much more dangerous now because of what's happening to the Alpha gang.
"Welcome to your worst experience!" -ALPHA ACADEMY.
~If you wanna die with your eyes open. Alpha Academy is the best place for you.~
These days, ALPHA ACADEMY has been having a LOT of bloody events. And there is more to come.
Sinara na ni Ella ang libro.
"Ang misteryoso naman pala. Ayoko na." Nilagay niya sa side table ng kanyang kama ang libro at nagbukas ng TV.
Breaking News: Ano nang nangyari sa SUPREME GANG? Ayon sa mga tao matagal na daw silang hindi nagpaparamdam. Tuluyan na nga bang nawala ang gang nila?
Napabuntong-hininga na lang si Ella.
"Magpapractice na lang ako. Wala akong magawa."
Nagbihis siya para sa exercise. Pagkatapos ay dumiretso siya sa Practice area ng AHQ.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ella kay Kiro na nakaupo.
Tinignan lang siya ni Kiro at hindi na pinansin pa. Parehas lang silang tahimik.
Agad naman na pumwesto si Ella sa harap ng punching bag at mabilis na bumwelo bago sumuntok.
Hindi na niya pa pinansin si Kiro kahit alam niya na nakatingin ito sa kanya.
Sinuntok niya ang punching bag. Nakailang suntok siya dito bago tuluyan na mapaupo sa lapag at huminga ng malalim.
"Nakakapagod..."
Tumayo na siya at dumiretso sa upuan at mabilis na uminom.
Ella---vacant---Kiro
Ang awkward.
Napatingin si Ella sa kanyang cellphone ng bigla itong mag-ring.
Si Irene...
"Hello beshty? Anong problema?"
("Beshty! May natagpuang patay na studyante dito sa Alpha Academy! Bilisan niyo! Nakatali pa nga siya at mukhang nag-suicide.")
"Ano?!"
Napatingin si Kiro kay Ella na parang nagtatanong.
"Sige sige. Punta na kami. Maghintay kayo huwag niyong gagalawin."
Pagkatapos ibaba ang tawag magtatanong na sana si Kiro ngunit mabilis na nagsalita si Ella.
"Tawagin mo sina Kuya. Pupunta tayo ng Alpha Academy. May studyante na natagpuang patay at nakatali. Mukhang nag-suicide daw sabi ni Irene."
Tumango na lang si Kiro. Natatakot siya... hindi para sa kanya.
Para sa babaeng minamahal niya.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...