CHAPTER 39: Fight For Her
Unang nagising ng maaga ngayong araw si Kiro. Hindi siya mapakali. Lalo na't ngayon na ang araw ng pagsugod nila sa SUPREME.
Nandito silang lahat ngayon sa sala at nagbabasta. Tumawag na rin ng mga pulis si Ron bilang back up.
"Guys gawin natin ang lahat. Kailangan natin maibalik si Ella." Seryosong sabi ni Zico. "Kahapon, nasabi ko na kayna mama at papa. Naiinis lang ako dahil hindi sila pwedeng umuwi. Marami silang ginagawa. Parang mas importante pa ang trabaho nila kaysa kay Ella." Galit na sabi ni Zico habang hawak-hawak ang baril niya.
"Pabayaan mo na. Hindi natin sila kailangan." Seryosong tugon ni Francois.
"Nasaan na sina Irene?" Tanong ni Giro.
"Huwag kang mag-alala. Pinabantayan na natin sila. Ang mahalaga ay ang kalagayan ni Ella." Ani ni Mark.
Sumang-ayon naman ang iba.
"Ano ulit 'yung plano?" Tanong ni Ethan kaya naman nakatanggap siya ng ilang batok mula kay Mark at Francois.
"Makinig ka kasi ng mabuti! Ikaw yung papakidnap ko e!" Galit na sigaw ni Francois.
"Tao ako okay? Nagkakamali rin po." Sagot naman ni Ethan.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Kiro. "Okay ganito..."
Inulit na nila ang gagawin nilang plano. Medyo naiinis si Kiro dahil paulit-ulit na lang sila. Ayaw kasing makinig ng maayos. Ella, malapit na ako...
Ngunit...
Napatingin si Ella sa taong pumasok ulit dito sa bodega. Isang araw na ang lumipas pero hindi pa rin siya pinapakawalan.
"Ano ba kasi ang plano niyo?! Niloloko niyo ba ako?" Galit na sigaw ni Ella kay Gon.
"Huwag mo akong pagtataasan ng boses prinsesa. Baka gusto mong pasabugin ko na ngayon yang utak mo." Ani ni Gon kaya naman sinamaan na lamang siya ng tingin ni Ella.
"Kung ano man ang pinaplano niyo, huwag niyo ng ituloy!" Ani ni Ella.
"Huwag kang mag-alala. Parating na ang prinsipe mo at sisiguraduhin kong sabay kayong mamamatay." Nakangising sabi ni Gon kaya naman napangisi rin si Ella.
Ako ang dapat na mamamamatay.
"Sabihin mo nga Gon. Ikaw rin ba ang pumatay sa mga magulang ni Kiro at Giro?" Tanong ni Ella kaya naman natawa na lang bigla si Gon.
"Oo. Kaya na lamang ganoon ang galit niya sa akin." Natatawang sabi ni Gon.
"Pero bakit mo 'yun ginawa?! Anong kasalanan nila sa 'yo?" Galit na sigaw ni Ella kaya naman sinampal siya ng malakas ni Gon.
"Hindi mo na kailangan na malaman pa. Dahil mamamatay ka na rin lang." Ani ni Gon tsaka tumalikod.
Nakarinig sila ng mga putukan sa labas kaya naman napangisi si Gon.
"And'yan na pala ang prince charming mo. Ang galing naman nila at nahanap ka pa." Saad ni Gon at tuluyan ng lumabas sa kwartong iyon.
Si Ella naman ay kinalag na yung tali niya sa kamay at paa tsaka siya sumilip sa bintana.
Nakita niya sina Kiro at ang buong ALPHA. "Hindi pwede. Kailangan kong ilayo sina Kiro dito. Ano ba naman 'yan e."
Mabilis na pumunta si Ella sa pintuan ng kwarto at dahan-dahan na lumabas.
Pero...
Tahimik lang ang buong ALPHA. Nakarating na sila dito sa lugar na para bang abandonado na.
Dahan-dahan silang pumasok sa likod dahil maraming nakabantay sa harapan.
"Guys maghiwa-hiwalay tayo. 'Yung mga pulis asan na?" Tanong ni Kiro.
"On standby." Saad naman ni Ron kaya tumango ito.
Naghiwalay na sila at hinanap si Ella.
"Hoy, Alpha!" Sigaw ng mga gwardiya.
"Ay shuta!" Sigaw ni Francois atsaka hinila patakbo si Mark.
"Ano ba 'yan! Umayos kayo! Mamamatay tayo dito e!" Sigaw ni Ron.
Samantala, si Kiro naman ay pumasok na sa bodega.
Maraming pintuan dito kaya naman mahirap na isipin kung nasaan si Ella.
"Ano ba 'yan."
Napatingin si Kiro sa taong nasa likuran niya.
"Andito na pala ang prince charming ng prinsesa. Kahapon ka pa namin hinihintay." Nakangising sabi ni Gon.
"Nasaan na si Ella?!" Sigaw ni Kiro at tinutukan ng baril si Gon.
"Easy ka lang dude." Ani naman ni Gon.
"Huwag na huwag mo akong bibiruin. Bwisit ka Kiefer Sanderson." Napangisi si Kiro.
"Paano mo nalaman?!" Sigaw ni Gon.
"Are you stupid? Of course, halata! You're standing in front of me! Nagpabago ka pa ng mukha, walang kwenta!"
Sinuntok naman ni Kiro si Gon kaya napahiga si Gon sa sahig.
Babarilin na sana ni Kiro si Gon pero nakarinig siya ng sigaw.
"Sige! Kapag binaril mo 'yang si Gon, sabay na babarilin ko rin ang babaeng pinakamamahal mo." Napatingin siya kay JC na nakangisi habang nakatutok ang baril sa leeg ni Ella.
"K-Kiro huwag mo siyang pakinggan!" Sigaw ni Ella.
"The heck!" Sigaw ni Kiro.
Dahil nakatingin si Kiro sa direksiyon nina Ella, hindi niya na napansin na kinuha ni Gon ang kanyang baril at tinutok kay Kiro.
"I won Kiro. I always win."
Tanging putok lang ng baril ang narinig.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...