CHAPTER 38: Save
"Ano na ang plano mo Kiro?" Tanong ni Giro kay Kiro na kanina pa tahimik magmula ng umuwi sila galing resort.
Nandito sila sa sala ng mansion nina Kiro at nag-iisip ng paraan para makuha si Ella.
"Sigurado ako na may balak sila." Sambit ni Mark.
"Walanghiyang Kiefer na 'yun! Isang traydor!" Galit na sigaw ni Kiro.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Zico.
"Guys, pinabantayan ko muna sina Hannah, Irene, at Athena sa mga guards at kayna manang. Dinoblehan ko na rin 'yung security. Nasa guestroom sila at nagpapahinga. Nag-aalala pa rin sila kay Ella." Saad ni Ethan na kakadating pa lang.
"Si Kiefer at Gon... ay iisa."
"Ano?!" Sigaw ni Ron na kanina pa natutulog pero ngayon ay gising na gising na ang diwa.
"Ella might have thought na may plano nga ang Supreme kaya nagplano rin siya ng kaniya... She wants to be the hero so bad, pero ayoko. If it means that we'll lose her, ayoko..." Sambit ni Kiro.
"Pero Kiro, paano nangyari na iisa lamang si Gon at Kiefer?" Tanong ni Francois.
"Hindi niyo ba napansin na magmula nang dumating si Kiefer ay nawala at naglaho na si Gon? Dahil kampante sila na mababantayan tayo ni Gon dahil siya si Kiefer. Kaya naman magmula una pa lang... pinapalayo ko na si Ella sa kanya." Sambit ni Kiro. "He even changed his face for this stupid plan!"
"Then, let's go! Halika na! Gigilitan ko na yang Kiefer este Gon na yan! Dinamay pa si Irene ko!" Sigaw ni Giro.
"Giro. Hindi na 'to biro. Umayos ka na." Seryoso sabi ni Ron.
"Sabi ko nga." Saad ni Giro at inayos yung buhok niya sabay tumingin ng diretso. "Ano ng gagawin natin?" Tanong niya kayna Kiro.
Napatingin sa kanila si Kiro.
"May gagawin tayong plano. Makinig kayong lahat ng mabuti." Seryoso niyang sabi.
"Yes, boss!" Sigaw ni Ethan.
"Ano 'yun?" Tanong ni Zico.
Napangisi si Kiro.
"Operation: bring the Alpha's Princess back. We'll get my girl home." Napangiti silang lahat at tumango.
Sa kabilang dako naman..
Nagising si Ella sa isang madilim na lugar. Wala siyang makita pero malakas ang kutob niya na nasa bodega siya. Nakatali na rin ang kanyang parehas na kamay at paa.
"Bwisit." Bulong niya at sabay na napatingin kung sino ang pumasok sa pinto.
"Kiefer?!" Sigaw ni Ella.
Natawa na lamang si Kiefer sa sinabi ni Ella. "Hindi Kiefer Sanderson ang pangalan ko. Gon Reyes at your service." Nakangiti nitong sabi kay Ella na nang-aasar pa.
Ngumisi naman si Ella. "Alam ko. 'Di mo na kailangan magpakilala. Halatang-halata na e." Nang-aasar na sabi ni Ella kaya naman tinignan siya ng masama ni Gon.
"Kailan mo pa nalaman?!" Sigaw nito kay Ella.
"Wala ka nang pake. You're stupid, you know?. Aarte ka na nga lang, 'yung halata pa. Ibagay mo rin kasi sa oras." Sambit ni Ella kaya naman sinipa siya sa paa ni Gon.
"Pero sa amin pa rin ang huling halakhak!" Sigaw ni Gon kaya naman napangisi si Ella.
"Huwag ka munang maging kampante. Bakit niyo ba ako dinala dito?" Sambit niya ulit.
Sinamaan siya ng tingin ni Gon at hinawakan ng mahigpit sa pisngi.
Napangiwi na lang sa sakit si Ella.
"Ikaw kasing babae ka, ang harang sa plano namin. Matagal na sana kaming nanalo kung una palang pinatay na kita." Seryosong sabi ni Gon kaya naman nanahimik na si Ella.
"Mayabang ka Ella, pero mahina ka." Dagdag pa ni Gon bago umalis.
Napasandal na lamang si Ella sa pader. Kiro asan na ba kayo? Please huwag niyo akong puntahan... mapapahamak lang kayo.
Napatingin si Ella sa kanyang kamay at binti. Maraming mga pasa so means kinaladkad nila ako papunta dito? Mga walanghiya talaga sila kahit kailan.
Ipaglalaban ko ang mga taong mahal ko. Parang awa niyo na Lord, sana po hindi sila dumating pa. Kundi sila ang mapapahamak.
Kinuha ni Ella ang kanyang maliit na punyal sa kanyang belt na nakatago. Hindi ito napansin ng kalaban.
Ginawa niyang panghiwa ito sa tali na nasa kamay niya.
"Hindi muna ako kikilos ngayon. Maghahanap ako ng magandang tiyempo." Saad niya habang nakatingin sa necklace na bigay sa kanya ni Kiro. "Mahal na mahal kita gangster."
Ngunit...
"Kiro maayos na 'yung mga motorbikes natin. Hininaan ko na nga lang yung magiging ano para hindi nila tayo marinig." Proud na sabi ni Mark kaya naman tumango si Kiro.
"Hyung, nadetect mo na ba siya?" Tanong ni Kiro kay Ron. Napailing naman si Ron.
"Mukhang hindi kakayanin—" Hindi na naituloy ni Ron ang sasabihin niya dahil nagsalita si Giro.
"Pwede natin siyang madetect. Bago sila makapasok ng van ay binatuhan ko ng tracker 'yung damit ni Ella. Pero siguro ngayon, baka nasira na ata 'yun." Sambit ni Giro. Binatukan naman siya ni Francois.
"Himala! Nakaisip ka." Natatawa niyang sabi.
Sinamaan lang ni Giro ng tingin si Francois.
Napangisi si Kiro.
"Gagawin natin ang lahat para maibalik siya. Hindi ako papayag na saktan siya nina Gon at ng SUPREME na 'yun." Galit niyang sabi.
"Oo nga! Paa ko lang 'yun e." Natatawang sabi ni Ethan pero binatukan siya ni Zico.
Napatingin silang lahat kay Giro ng sumigaw ito.
"Nahanap ko na kung nasaan si Ella!" Proud niyang sabi.
Target Detected.
Ibabalik kita Ella, pangako.
BINABASA MO ANG
Alpha Academy: School of Gangsters
Teen Fiction(ALPHA ACADEMY #1) Ella Crest is the younger sister of Zico Crest. Takot siya sa gangsters kahit na isang gangster ang kuya niya. But when she enters Alpha A... May pag-asa pa kayang magbago ang pananaw niya sa mga gangsters? "WELCOME TO ALPHA ACAD...