Kabanata 1

59 0 0
                                    

Mahilig ako tumambay sa aking mga social media accounts. Hindi lang pampalipas oras kundi natutuwa lang talaga ako sa mga nakikita at nababasa ko. Sa henerasyong ba ito naman hindi ka pa ba madadala ng teknolohiya? Sobrang advanced na ang lahat ng bagay kaya normal na kung ituri ang pagbababad sa internet ng karamihan lalo na ng mga teenagers na katulad ko.

"Ate nakikinig ka ba?" napalingon ako sa sigaw ni Van, ang nakababata kong kapatid. Napansin kong nag-aayos ito ng mga librong inilalabas niya mula sa kanyang bag. Suot nito ang pantulog niya at isang pares ng medyas na nakagawian nanaming isuot kapag matutulog na. Halatang kanina pa ito nagkukuwento pero masyado akong abala sa pag-iinternet kaya di ko na napagtuonan ng pansin ang mga sinasabi niya. Para hindi mahalatang hindi ako nakinig, ngumiti na lamang ako ng matamis sa kanya na mas lalo lang niyang ikinainis.

"Hindi ka talaga nakinig e! Ang sabi ko weekend bukas, puwede mo ba akong samahan sa bookstore bukas? Titingin lang ako ng mga libro" Nababagot ko lamang siyang tinignan.

"Hindi ako lalabas bukas noh. Isa pa, tignan mo nga yang mga libro mo na halos di na magkasya diyan sa shelf! Tapusin mo munang basahin lahat saka ka mag-aya" wika ko saka inilipat ang tingin sa screen ng aking laptop habang patingin-tingin sa mga nadadaanan kong mga larawan.

Isa na kami ng kapatid ko sa maraming magkakapatid na may marami ding pagkakaiba. Napakahilig niya sa pagbabasa ng libro samantalang ako mas gugustuhin kong magbabad sa internet. Tuwing weekends inaaya niya lagi akong lumabas para makapag-bonding "daw". If I know, palusot niya lang yun dahil hindi naman iyon mahilig gumala maliban nalang kung may bagong release nanaman na mga libro.

"Ililibre kita ng Milktea and promise, dun tayo sa Paradise! Diba gusto mo dun? Free WiFi!" See? Alam na alam din niya ang kahinaan ko. Imbes na umabot pa kami sa napakahabang diskusyonan tulad ng lagi niyang ginagawa tuwing di niya ako napapapayag, tumango na lamang ako at kita ko naman ang pagngisi niya.

"Wala ng bawian! Promise yan" dagdag pa nito at napaikot na lamang ako ng mata na siya namang ikinabungisngis niya. Ang kulit!

"Oo na! Matulog ka na! Ang ingay mo!" sabi ko nalang habang nila-like ang ilang status sa Facebook. Hindi na ako nakarinig pa ng ingay mula sa kanya kaya inakala kong tulog na ito pero nagkamali ako ng may dumagan sa aking likod. Ang kulit kahit kailan!

"Van alis diyan! Ang bigat mo kaya!" inis akong gumalaw-galaw para umalis siya sa pagkakadagan sa akin pero hindi ito natinag at sinulyapan pa nito ang screen ng aking laptop.

"Sino ba yang sino-stalk mo?" pangungulit pa nito habang nakasilip mula sa likod.

"Wala noh! May tinitignan lang ako" sabi ko habang patuloy na nags-scroll sa facebook.

"Ano bang meron sa Facebook at halos araw-araw ay tumatambay ka jan!?" halata sa boses nito ang magkahalong inis at pagkabagot saka ito umupo sa gilid ko at patuloy na nakasulyap sa laptop. Napairap na lamang ako at hindi na sinagot ang tanong niya. Kahit kailan ay hindi naman niya maiintindihan.

"Tignan mo oh, online si Peter!" panunukso nito habang nakaturo sa box kung saan naka-display ang mga online sa mga oras na ito. Napatingin naman ako sa itunuro niyang pangalan na may green na bilog sa tabi nito, nangangahulugang online nga siya.

Si Peter ay ex-boyfriend ko. Tumagal ang relasyon namin ng dalawang taon at mag-aapat na buwan na simula ng mag-break kami. Nakilala ko siya sa school dahil co-major ko siya at naging blockmates din kami. Mabait siya, napaka-approachable at matalino. Nagsimula ang pagiging malapit namin sa isa't-isa noong magpatulong ako sa kanya sa Physics. Simula dun, hindi na niya ako nilulubayan at naging magkaibigan kami hanggang sa isang araw umamin siyang may gusto siya sa akin. Nanligaw siya ng tatlong buwan sa akin saka ko siya sinagot, Valentines Day pa nun and that was the most memorable day of my life. First boyfriend ko siya and akala ko siya na ang makakasama ko habang buhay but I was wrong when I caught him cheating with Hailey, the popular kid at school. Gumuho ang mundo ko nang malaman ang tungkol sa relasyon nila, considering the fact that I caught them kissing while I'm about to surprise him for our second anniversary as couple.

Unlike most of those cliché love stories, I didn't cry in front of them kahit durog na durog na ang puso ko sa mga sandaling yun. Ayokong pag-mukhaing tanga ang sarili ko sa harap ng mga taksil na katulad nila. Tinakasan ng kulay ang mukha ni Peter samantalang yung babae halos hindi na makagalaw sa pagkabigla. Gusto ko siyang sapakin, saktan silang dalawa para maramdaman nila kung gaano ako nasasaktan but I didn't do it. I felt so weak and helpless that I wanted to crumble to the ground or run somewhere where no one could trace me.

"Ate okay ka lang?" bumalik ang atensyon ko sa screen kung saan nandoon parin ang pangalan niya. Pinunasan ko ang luhang hindi ko na pala namalayang tumulo. Napansin iyon ni Van kaya niyakap niya ako mula sa gilid. Akala ko naka-move-on na ako, pero bakit ang sakit-sakit parin? Bakit hanggang ngayon kapag naririnig ko ang pangalan niya bumabalik lahat ng sakit na pinaramdam niya sa akin?

Mabilis akong kumawala sa yakap ng kapatid ko at isinara ang laptop sa aming harapan. Nakaramdam ako ng antok bigla, gusto kong itulog lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Tulog na tayo Van" tipid kong sabi at rinig ko ang pagbuntong hininga niya saka dahan-dahang bumaba sa aking kama papunta sa kama niya.

Ilang minuto din kaming binalot ng katahimikan saka ko siya narinig ulit magsalita.

"Ate huwag ka na ulit iiyak dahil sa kanya, alam mo namang puwede mo sa akin sabihin lahat diba? Hindi mo dapat kinikimkim yang sakit. If you really wanted to move-on, you need to set yourself free from pain by letting it out." nag-aalala niyang wika. Malaki man ang pagkakaiba namin ng kapatid ko ay naa-appreciate ko siya lagi sa mga salita niya.

"Salamat Van..." sagot ko.

"Goodnight ate" bulong niya na naririnig ko naman.

"Goodnight Van" bulong ko pabalik at saka namin sabay na pinatay ang lampshade na parehong nasa sidetable namin.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon