Kabanata 10

17 0 0
                                    

Normal sa magkapatid ang hindi pagkakaunawaan at pag-aaway pero ang hindi normal ay ang ginagawa ng kapatid ko tuwing nasa grocery store kami. Tulad ngayon, inis kong ibinabalik ang mga mga inilalagay niya sa push-cart na tulak-tulak ko habang namimili kami.

Lahat nalang ng naiibigan niya ay inilalagay sa cart tulad ng chips, canned drinks, cup noodles, at chocolate bars. Nakalimutan nanaman ata niyang ingredients ng gagawin kong cake ang ipinunta namin dito.

Mula noon hanggang ngayon ay ganitong-ganito si Van, dahilan para hindi sa kanya pinagkakatiwala ni mama ang pamimili. Tandang-tanda ko pa noong pinabibili siya ni mama ng chicken meat at pagdating niya sa bahay puro mga paborito niyang chips at chocolate bars ang nabili niya, hindi na niya nabili ang kabilin-bilinan sa kanya.

Pailing-iling ako habang inilalagay sa cart ang harina.
"Vanessa ibalik mo yan" seryoso kong sabi habang nakaturo sa hawak niyang malaking bag ng Gummy Bears pero hindi niya ito pinansin at nilagay sa push-cart.

"Buti nalang kung masusustansyang pagkain ang binibili mo pero hindi. Akala ko ba nag-iipon ka?"

"Ngayon lang ulit ako napadpad sa grocery store ate. Pagbigyan mo na ako" pangungulit niya. Napabuntong-hininga na lamang ako at itinulak ang push-cart sa direksyon kung saan naka-display ang fresh eggs.

Pabalik na sana ako sa kinalalagyan ni Van nang may mabangga ang push-cart na tulak-tulak ko. Gulat akong napatingin sa lalakeng kasalukuyang nakatayo sa harap ko hawak-hawak ang sikong siya atang nabangga ko. 

"Sorry. Hindi ko sinasa..." nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino siya. Siya yung lalakeng tumulong sa akin noong pumunta ako sa isang grocery store!

...dya" halos pabulong ko ng dugtong. Pilyo naman siyang ngumiti.

"Hey it's you again" kitang-kita nanaman ang dimple nito na mas nakapagpapaguwapo sa kanya.

God what am I doing? Geeez

"H-hey" nauutal kong bati pabalik na siyang ikinatawa naman niya. Tinignan niya ang laman ng cart na tulak-tulak ko at muling sumilay ang ngiti sa labi niya.

"You bake" it's not a question, more like a statement.

"Kuya" tawag ng isang boses sa likod ko dahilan para mapalingon ako sa isang lalakeng kamukhang-kamukha ng lalakeng kausap ko lang ngayon. Ang tanging pagkakaiba nila ay ang kulay ng matang meron sila; kulay blue ang kulay ng mga mata ng nakakabatang kapatid nito.

"Nabili mo na ba yung pinabibili ni mama?" tanong niya sa nakatatandang kapatid. Mas seryoso itong tignan kaysa sa huli.

"Oo kanina pa. Ano nanaman yang hawak mo?" turo ng nakatatanda sa kapatid.

"Yogurt?" kibit-balikat ng nakababata na napunta ulit sa akin ang tingin. Ilang segundo din niya akong tinitigan hanggang sa tumikhim ang kuya niya.

"By the way hindi nga pala ako nakapagpakilala sayo noong una tayong nagkita, how rude of me. You can call me Prince at siya si King, ang nakababata kong kapatid" ngumiti ito at blanko naman kaming tinitigan ni King.

"I'm-" naputol ang pagpapakilala ko sa sarili nang biglang dumating si Van. Hindi pa ito nakahalatang may kausap ako kung hindi tumikhim si King na ngayon ay nakatayo sa tabi ng kuya niya.

Napansin ko ang panlalaki ng mata ni Van habang nakatingin kay King. Kumunot naman ang noo ko sa reaksyon niya. Magkakilala ba sila?

"I'm Jenny and this is Vanessa, my sister" pagpapakilala ko at parehong tumango ang dalawang lalake. Si Van naman ay parang naestatwa sa kinatatayuan dahil hanggang ngayon ay walang kibo.

"Vanessa Pantaleon? Aren't we schoolmates?" tanong ni King. Napalunok naman si Vanessa sa narinig at sunod-sunod na tumango. Parehong kumunot ang noo namin ni Prince sa ikinikilos ng dalawa.

"Magkakilala kayo?" sabay naming tanong sa mga kapatid namin at sabay namang tumango si Van at King.

"She's the stalker I'm telling you about bro" seryosong sabi ni King habang nakatitig parin kay Van. Bigla namang namula si Van sa narinig.

I saw Prince's smirk as he whispered something on his brother's ears. Pakiramdam tuloy namin ni Van out of place kami. Hinila ko naman si Van palayo sa direksyon nila para kausapin.

"Anong nangyari dun? Bakit inaakusahan kang stalker ng batang yun?"

"Ate kasi..kasi ano..." tinaasan ko siya ng kilay

"..ate he's actually,..he's Harold" nanginginig ang kabila niyang kamay at namumula ang buong pisngi niya. Nagulat naman ako sa narinig.

Si King ay si Harold?

Hindi pa ako nakakabawi sa pagkagulat nang lapitan kami ng magkapatid na Prince at King.

"Pasensya na kayo sa kapatid ko, lalo ka na Van. Ganito talaga ito, kulang lang talaga siya ng-" hindi na niya natuloy ang sinasabi dahil tinakpan ni King ang bunganga niya. Natawa naman ako dun.

"Okay lang yun. Normal lang yan" pagsasawalang-bahala ko saka binalikan ang cart namin para itulak sa ibang direksyon pero hindi ako hinayaan ni Prince.

"So can we take you guys to lunch?" aya nito kaya napatingin ako kay Van at King na hanggang ngayon ay nagtititigan. Tumikhim ako ng malakas dahilan para umiwas sila ng tingin.

"We can't. I'm planning to bake and our mom's going to take us out for dinner later. May-" pormal kong sabi pero agad ding naputol nang tumunog ang cellphone ni Van.

Napunta sa kanya ang atensyon naming lahat hanggang sa matapos niyang basahin ang message.

"Ate hindi na daw matutuloy ang dinner sabi ni mama. May mga panibagong dokumento daw na kailangan niyang pirmahan at aprobahan bago ipasa sa head nila" walang lakas nitong imporma. Dumako naman ang tingin ko sa matagumpay na ngiti ni Prince habang nakatingin sa akin. I mentally rolled my eyes.

"Fine. Where?" pagsuko ko.

"Paradise" sabay na suhestyon ni Van at King.

"No. Let me bring you guys home and you can bake" tanggi ni Prince.

"You won't regret it! My ate is the best baker in the whole universe!" exagge masyado.

"So I'm guessing, you don't know how to bake" bored na sabi ni King na inikutan lang ng mata ni Van.

"Hindi sa hindi siya marunong. She stopped" pagtatama ko sa  sinabi ni King kaya kumunot ang noo niya. Hindi ko na siya hinintay magtanong dahil itinulak ko na ang push-cart papunta sa counter para bayaran. Sumunod naman si Prince dala ang grocery basket na naglalaman ng pinamili nila.

Nang matapos ay sabay-sabay na kaming lumabas ng grocery store habang inilalagay ni Prince ang mga pinamili namin sa trunk.

"You two, backseat" utos nito kay Van at King at parehong nakasimangot na sumakay. Naiwan naman akong nakatayo sa tabi ng sasakyan. Tinaasan ako ng kilay ni Prince nang matapos maisakay ang grocery bags.

"Sasakay ka pa ba o ako-" hindi ko na siya pinatapos at nagmamadaling sumakay sa passenger seat. Natatawa naman itong sumakay sa driver seat at binuhay ang makina ng sasakyan.

Jerk.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon