Kabanata 21

10 0 0
                                    

"Nakakainggit kayo. Ang dami-dami niyong customers" reklamo ni Francis, co-maj namin.

Nasa booth kami at abala sa dami ng taong pumupunta sa booth namin. Guess what? Our group decided to have a dedication booth so what do you expect? Ang daming nagbibigay ng dedication letters with attached songs they wanted to play for their partners or crushes.

Ako ang nag-oorganize ng letters to be read by Venice and the dedication song to be played by Sam. Yung ibang song mismong yung nagbibigay ang kumakanta o di kaya ay si Sam kung sakaling alam niya ang kanta, but most of the time through speakers na connected sa buong school.

"I told you. Dapat nagbenta nalang kayo ng cupcakes" sagot ni Nelly sa kanina pang badtrip na Francis. Unlike our booth, walang katao-tao ang kanila. Dalawa o di kaya'y tatlo lang ang dumadalaw. They put up a psy word booth. Ang booth nila ay punong-puno ng informations about Psychology. Sabi nga ng mga kasama ko, "too boring" daw ang description ng booth nina Francis.

Well, marami kang malalaman at matututunan sa booth nila especially that most of them are "obsessed with the course", as how Lorraine described the members of their group.

"Sino ba kasing nagsabi sa inyong magtayo kayo ng word booth. Duh? Ano ba kayo! Pagpahingain niyo naman ang utak ng mga estudyante. They're here to see something new and try something fun." litanya ni Talia na abala sa pag-entertain ng isang namumulang lalakeng estudyante.

"Sssshh. Mamaya na nga yan! Baka imbes na tumuloy ang mga pupunta dito sa atin ay umatras sa kaingayan niyo. And ikaw Francis, bumalik ka na nga doon sa booth niyo." saway ni Venice kaya mabilis na nawala si Francis sa paningin naming lahat.

"Hmm...what's going on with that guy and you Ms. Flores?" Lorraine teased.

"You guys don't need to know" bored na sagot ni Venice. Is there something going on with her and Francis?

"I smell something fishy" pang-aasar pa ni Nelly.

"Baka hindi ka lang talaga naligo" natatawang wika ni Venice kaya nakatanggap ito ng kurot kay Nelly.

"Excuse me" singit ng isang boses ng isang babaeng estudyante. Natigil ang asaran ng mga kasama ko at napunta sa kanya ang tingin naming lahat, dahilan para pamulahan ito ng mukha.

"What can we do for you?" pormal na sagot ni Talia sa kanya. Sa aming lahat mukhang siya lang ang sineseryoso ang booth namin.

"I-I want to dedicate something" namumula paring wika ng babae. Second year ata ito base sa itsura niya.

Inilahad niya ang isang papel kay Talia at binasa naman ito ng huli.

"Okay. Yours is up next" imporma ni Talia at nagpasalamat ang babae bago tuluyang umalis.

Libre ang dedication booth namin, actually the others suggested na may bayad daw but it will be unfair since it's about expression of ones feelings. Hindi na nga nila kayang magpahayag ng damdamin, sasamahan mo pa ng bayad. Mas magiging imposible lang pag ganun.

"Sam, the song is Teardrops on my guitar by Taylor Swift. Alam mo?" imporma ni Talia kay Sam pagkatapos ng huling dedication.

"Will it be alright for me to sing it? I think mas maganda kung babae nalang ang kumanta." suhestyon naman ni Sam at pare-pareho kaming napatango. The song is clearly to be sang by a girl at mas tatagos talaga pag babae ang kumanta.

"But who will do it?" tanong ni Karen, ang isa pa naming kagrupo.

"Si Jenny nalang!" turo sa akin ni Nelly kaya natatarantang napalingon-lingon ako sa kanila. Are they crazy? Matagal na simula noong huli akong kumanta..

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon