Kabanata 20

16 0 0
                                    

Maaga kami nagising kinabukasan nina mama para magsimba. Nagmamadali kong isinuot ang converse ko at sabay na kaming bumaba ni Van.

Pagkalabas pa lang namin ay naramdaman ko na ang malamig na hangin. Mabuti na lamang at naka-jacket ako.

Sumakay na kami agad ng tricycle papunta sa simbahan. Pagdating namin doon ay nagsisimula na ang misa. Napakaraming tao, hindi na nakapagtataka. Agad kaming humanap ng bakanteng mauupuan at dahil nasa bandang gitna ang bakante ay kinailangan pa naming madaanan ang ilang tao.

Pagkaupo namin ay nakinig na kami sa pagsesermon ng pari.

Habang nasa kasagsagan ng misa ay bigla akong kinalabit ni Van.

"Ate" bulong nito kaya kunot-noo ko siyang tinignan.

"Si Prince" bulong ulit nito na nagpadagundong sa puso ko. Pangalan pa lang niya pero apektadong-apektado na ako. Simula kahapon ay hindi ko pa siya nakakausap o nakikita. His phone is out of coverage as well.

Dumapo ang tingin ko sa harapan kung saan nakaturo si Van. Nandun nga siya kasama si King at katabi ng kapatid ang  nasa mid-forties na eleganteng babae. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang siya tumigil magparamdam.

Tinitigan ko siya kahit hindi naman niya ako nakikita dahil nakatalikod sila sa amin. King became aware of our presence though, hindi ko alam kung dahil ba sa kaingayan ni Van na kanina pa sinasaway ni mama o dahil instinct niya lang na may nagmamasid sa kanila.

Natapos ang misa at nagmamadali kong sinundan sina Prince palabas ng simbahan. Kailangan ko siyang makausap. Hindi dapat ganito, kung may problema siya dapat sinasabi niya sa akin.

"Prince!" sigaw ko sa kabila ng dami ng tao. 

"Prince! Hey!" pukaw ko parin sa atensyon niya at agad akong nilingon ni King pati na rin ang babaeng nakakasiguro akong mama niya. Kumunot lang ang noo ng babae saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Akala ko ay sasabihan ni King  ang Kuya niya pero nagkamali ako ng inisip nang umiwas ito ng tingin.

I hate to do this in public  but I have to dahil kung hindi ay baka tuluyan na talaga siyang umiwas at lumayo...

"Hot hubby!" sigaw ko dahilan para mapunta ang tingin sa akin ng mga taong dumadaan. This is so embarrassing

"Let's talk please?" pakiusap ko kahit hindi naman ito lumilingon. Nakita ko kung paano siya kinumbinisi ng nakababatang kapatid. Isang metro na lamang ang pagitan namin.

I sighed in relief when I saw him stopped on his tracks. Inaliw muna ni King ang ina palayo, siguro para bigyan kami ng privacy ni Prince.

Dahan-dahang lumingon si Prince at mabilis din akong lumapit. Pansin ko ang pagod at walang tulog niyang estado.

"What do you want?" he coldly asked taking me by surprise.

Ang dami-daming tumatakbong tanong sa isip ko pero biglang nawalan ako ng lakas para itanong ang mga ito.  Pakiramdam ko ay tumigil ang oras.

Anong nangyari sa kanya at ganito niya na ako pakitunguhan?

"Um... I-I just-"

"Can you just get to the point? Hindi mo ba alam na sinasayang mo ang oras ko?" I felt pain in my chest from his statement.

"Anong nangyari? Bakit bigla ka na lang nawala? I tried contacting you yesterday pero wala sa signal ang cellphone mo. Is everything okay?" mataman lang niya ako tinitigan still wearing a blank expression.

"Everything's fine Jenny" Jenny? He never called me Jenny before. Jane ang tawag niya sa akin. What's happening to him? iniiwas nito ang tingin saka akmang tatalikod na pero mabilis akong pumunta sa harap niya para pigilan siya.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon