Kabanata 37

10 0 0
                                    

Kinabukasan ay nagising akong mabigat ang pakiramdam. I can't bring myself out of the bed because of dizziness. I searched for my sister in the room, hoping that she could bring me some painkillers but she's absent.

Kinapa ko ang cellphone sa side table ko saka tinignan ang oras. 9:20 A.M

Shit! I'm late for school! Sinubukan ko ulit bumangon pero wala akong napala dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko. Bigla kong naalala si Prince. Why didn't he call or text me? Hindi ba niya ako susunduin ngayon? Or maybe he has gone to school already? But he never do that. Kahit minsan tulog-mantika ako, hindi siya sumusuko sa paggising sa akin.

Ilang minuto lang akong nakatitig sa kawalan nang bumukas ang pinto sa kuwarto revealing my mom with an apron on. May dala itong tray na may lamang pagkain. She smiled at me warmly.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" she asked sweetly.

"Not well" paos kong sagot at tumango lang ito. Tinulungan niya akong umupo saka inilapag sa harap ko ang pagkaing dala niya. Umuusok pa ang sopas na ginawa niya. May mansanas din itong kasama.

Pinanood niya lang ako habang tinatapos kong kainin ang dala niya. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang isang basong tubig at gamot na iinumin ko.

"Nag-alala kami sayo ng sobra kagabi. Sabi ng kapatid mo, nagising daw siya sa mga ungol mo habang natutulog. You sounded like you're in pain. Nag-panic siya at pinuntahan ako sa kuwarto. Ang taas ng lagnat mo. I had to skip sleep to monitor your condition." paliwanag ni mama sa akin.

"Pumasok na pala ang kapatid mo. Sinundo siya ni King. Tumawag din yung mga kaibigan mo kanina and I told them that you're sick and can't go to school." I nodded at her,  appreciating her efforts.

"Anak alam mo namang puwede mo akong kausapin tuwing may mga problema ka diba?" malambing nitong wika habang kinukuha ang dalawang kamay ko at naramdaman ko namang nagtutubig ang mga mata ko sa narinig.

"Alam kong may problema ka. Hindi mo man sabihin, nararamdaman ko. Hindi kita pipiliting sabihin kung ano man yun, I just want you to know that I'm always here for you and for your sister."

"Thank you ma" halos pabulong ko ng tugon at niyakap niya ako ng mahigpit. 

"Will you be okay if I leave you here for office?" tanong nito pagkatapos ng yakapan namin.

"Yes, I'll be fine." I smiled and she nodded.

"Just beep me or Van. Should I tell your friends to drop by?" nag-aalala nitong wika.

"Ma, okay lang ako. I'll call you if I need help or something." I reassured her and she smiled warmly.

"Uuwi din ako agad. May aayusin lang ako sa opisina. Ayaw na ayaw ko talagang umaalis pag may sakit kayo, hindi ako mapalagay." tumayo na ito dala ang tray ng pagkain palabas ng kuwarto.

"Ma?" tawag ko sa kanya bago ito tuluyang makalabas. Lumingon naman ito.

"Hindi ba dumaan si Prince?" tanong ko na inilingan lang nito.

"Hindi eh. Hindi ba siya tumawag sayo?" tanong nito at ako naman ang umiling.

"Baka may napuntahan lang. Magtetext or tatawag din yun. Baka dumating din yun maya-maya." paniniguro ni mama at tuluyan ng lumabas ng kuwarto.

I stared at the window beside my bed with curtains slightly blown by wind. Anong ginagawa niya? Anong oras kaya siya dadaan dito? I checked my phone once again, nagbabaka-sakaling nagtext siya but to my great disappointment, wala.

I laid on the bed again and forced myself to go back to sleep pero imbes na makatulog, lumipad ang isip ko sa naging usapan namin kahapon ni Prince.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon