Dalawang araw na ang nakalipas mula noong party ni Venice at heto kami ngayon papunta sa bahay nina Prince for dinner. Her mother was the one who invited us after the graduation of Prince this morning. He just graduated college! I am so proud of him.
Siyempre hindi kami mawawala sa mahalagang araw na ito kaya pumunta kami lahat nina Mama at Van na kararating lang din mula sa field trip nila. Kumpleto din ang pamilya nito. Nandoon rin ang papa niya at si Victoria. Nito ko lang sila nakilala maliban kay King. It is so nice na ma-meet ang pamilya ng lalakeng mahal ko. Nagkaroon ng formal introduction at nahihiya pa ako nung una dahil hindi gaanong kagandahan ang unang encounter namin ng mama niya. His father is a bit awkward though. Hindi ko tuloy alam kung dahil ba tahimik ito o dahil parang walang connection ang ama sa kaniyang pamilya. He is sitting at the head of the table. To his right are Victoria, Prince and me. To his left are his wife, mom, Van, and King.
The maids started to serve the appetizers making me drool over them. Hindi din nakaligtas sa akin ang kinang sa mga mata ni Victoria. She is very beautiful. Her dark hair, pointed nose, pouty-red lips, and round-deep dark brown eyes are contributing factors. Kakaiba ang kulay ng mata niya, hers is dark brown while her brothers have light brown eyes. She's also sweet at the age of seven, nagulat nga ako nang bigla niya akong yakapin pagkakita sa akin. According to her, she waited for this day to happen- to finally see his brother's lovely girlfriend. I blushed at that.
"Now that you've finally graduated college, what are your plans son?" pagbasag sa katahimikan ng daddy ni Prince. Bigla namang naging tense ang atmosphere. Ganun ba talaga katakot ang pamilyang ito sa kanilang padre de pamilya? Naikuwento na sa akin ni Prince ang kalagayan ng pamilya niya but I didn't know it was this awkward.
"Are you going with us in Australia kuya?" Victoria suddenly asked na mas nagpatahimik sa lahat. Australia? Prince going to Australia?
"Princess you know I can't" malambing na wika ni Prince sa nakababatang kapatid. Victoria just pouted and went back to her food.
"There's nothing wrong with it son, why don't you think about it? there are a lot of opportunities waiting for you there." dagdag ng daddy niya. Nanatiling tahimik si Prince, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Is he planning to leave?
"Marami din namang oportunidad dito dad. In fact, Kuya is qualified sa lahat ng inaplayan niya." pagsasalba ni King sa nakatatandang kapatid. Yun naman pala eh!
"Iba parin yung mismong pagkakataon na ang lumalapit sayo. Puwede kitang i-recommend sa mga colleagues ko dun. Baka doon na mag-shine ang career mo. Pag-isipan mong mabuti. Wala namang mawawala if you try" pagkukumbinsi ng daddy niya kay Prince. What if he consider the offer? Aalis ba siya talaga? Kakayanin ko ba? Namin?
"I'll think about it" ang tanging sagot ni Prince. He's considering it?
Tila naramdaman niya ang paggulo ng isip ko, naramdaman ko nalang ang paghawak nito sa kamay ko saka pinisil.
"So iha tell us about you naman. Hindi kasi pala-kuwento ang anak kong yan." his mom said minutes later as we continuously devour the food before us. Naconscious naman ako sa inipupukol nila sa aking atensyon. I wiped my lips first with the table napkin before speaking up.
"I'm an incoming fourth-year student po. I'm taking BS Psychology." I said earning me a satisfied look from his mom. Nanatiling seryoso naman ang daddy niya na ikinakaba ko. Hindi ba niya ako gusto para sa anak niya? Is that the reason why he's pushing his son to find his luck at Australia?
"My son is lucky to have you iha. Alam mo bang napaka-private person niyan? Ngayon nag-o-open-up na siya and I believe it's because of you." his mom said. Nakangiting tumango naman si King na tila sinasabing tama ang mama nila.
"Maybe that's because he closed his doors since Ashley's-" hindi natuloy ang sinasabi ni King nang pandilatan ito ni Prince. My eyebrows furrowed by that.
"Ashley?" I curiously asked. Who is Ashley?
"Ashley's-" ipapaliwanag sana ng mama nila pero mukhang napatigil nanaman sa ipinupukol sa kanyang tingin ni Prince. Who the hell is Ashley? May hindi ba ako nalalaman?
Tumikhim na lamang ang mama niya at tinawag ang mga maids for the main dish. I forced my hand out of his grasp but he didn't let me. Mas lalong hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay ko. Ang pinaka ayaw ko ay ang pinaglilihiman ako. Is she his ex?
Inis akong tumingin sa kanya but he just gave me his "I'll-explain-everything-to-you-later" look.
The main dish is served and we dig in. His father is still silent at ganun din kami lahat except Victoria who's merrily talking to her dad and mom na tanging pagtango ang isinasagot sa anak. Nalipat naman ang atensyon ko kina King at Van na kulang nalang ay sawayin ko sa lapit ng mukha sa isa't-isa. Mukhang kailangan ding magpaliwanag sa akin ng mahal kong kapatid.
Tahimik naming pinagsaluhan ang pagkain. Tanging ang tunog lamang ng mga kubyertos at ang hagikhik ni Victoria ang naririnig sa buong dining area. Pansin ko din mula sa aking peripheral vision ang mapanuring titig ng daddy nina Prince na tila hinahalukay ang aking pagkatao. He is intimidating as hell! Gusto ko tuloy magtago sa ilalim ng mesa.
Dessert was already served and Victoria excitedly ate her ice cream despite of the silence in the dining room. Biglang bumigat ang atmosphere na parang sinasakal ako ng paunti-unti. Ilang sandali ay nagpaalam sina King at Van para pumanhik sa silid ng huli upang makita ni Van ang mga koleksyon ng libro nito. Ang mommy naman nina Prince ay pumasok sa kitchen area para kumuha ng drinks, sinamahan naman ito ni mama. Gustong-gusto kong sumunod dahil hindi ko na makaya ang awkwardness sa dining table but I wasn't able to when Prince's dad talked.
"Can I talk to you iha?" wika nito saka dumako ang tingin sa katabi kong si Prince.
"Privately. Garden please." he added bago tuluyang nilisan ang dining area.
He wanted to talk to me. Alone. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa maaaring mapag-usapan namin..
Tatayo na sana ako para sundan ito nang pigilan ako ng kamay ni Prince na hanggang ngayon ay nakahawak parin sa akin.
"Are you sure-"
"Don't worry. He's your dad. Wala siyang gagawing masama sa akin." I don't know if I'm telling this to him or to myself. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang mukha ko saka napabuntong-hininga.
"Just call me if you need me. Dito lang ako." I nodded as he give me a peck on the lips before releasing my hand.
"Kuya is everything okay?" rinig ko pa ang tanong ni Victoria habang palabas ako - patungo sa garden kung saan kami mag-uusap ng daddy nila.
Everything will be okay Jen
Relax
Breathe
You can do this
Gusto kong matawa, why am I acting like I will be facing the angel of death?
I am going to be okay
Or not.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Teen FictionSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...