Pareho na kaming naging busy ni Prince sa mga sumunod na araw. Naging mas abala na rin ako dahil sa susunod na linggo na magsisimula ang OJT namin. Siya naman ay patuloy sa pagpapasa ng application letters niya sa mga kompanyang balak niyang pasukan. Nagkakasama na lamang kami tuwing hinahatid-sundo niya ako at sa tuwing niyayaya niya ako minsan kumain sa labas. I could say that I am so lucky to have him here in my life. Hindi ko pinagsisihang binigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong magmahal ulit sa kabila ng mga nangyari noon.
"Jen anong sayo?" tanong ni Talia mula sa pila.
"Chips nalang at soda" sagot ko. Nasa canteen kami para bumili muna ng makakain bago tumungo sa field para panoorin ang football match na magaganap.
"Bili ka na rin ng cookies Tals" request pa ni Lorraine mula sa tabi ko. Nakasandal lang kami malapit sa window glass ng canteen habang hinihintay si Talia na makabili na ng kakainin namin. Inikutan lang siya ng mata ni Talia at sinimangutan.
"Ang daya niyo talagang dalawa" reklamo nito palabas ng canteen habang buhat ang supot na may lamang mga pagkain.
"Bakit nanaman?" sagot ni Lorraine.
"Kitang-kita ngang bato yung sayo kanina ee tapos ginawa mong papel para ako ang taya." Bato-bato-pick kasi ang ginawa naming basis kung sino ang pipila at manlilibre at si Talia ang talo.
"Hala! Hindi noh. Hindi mo lang kasi matanggap na tinalo kita."
"As if" inis na wika ni Talia na pinagkrus pa ang mga braso sa dibdib nito.
"Oh? Then let's ask Jen. Jen-"
"Ooooppsss! Stop there you two. Mas mabuting pumunta na tayo ng field kung ayaw nating mahuli at tumayo nalang throughout the game." putol ko sa sasabihin ni Lorraine dahil tiyak na tatagal nanaman ang diskusyon ng dalawa.
"Right" Talia breathed.
~~~~
"Go babe! Go babe! Number seveeeen!" hindi magkamayaw na cheer ni Lorraine sa boyfriend. Halos mabutas na eardrums namin ni Talia sa walang awang tinis ng boses ng kaibigan namin.
"Lorraine! Umupo ka nga! Hindi ka naman nun maririnig sa lakas ng ingay dito sa field" ilang ulit na saway ni Talia dito pero mukhang aliw na aliw lang si Lorraine habang ipinagpapatuloy ang pagsigaw.
Kanina pa nagsimula ang laro at hindi maikakatwang ang dami-daming nanood sa football match. Punong-puno ang bleachers at hindi mahulugang karayom ang area maliban nalang sa lugar kung saan magsisipaan ng bola ang mga players. Tanaw na tanaw namin dito ang mga players kasama na si William. Ilan sa kanila ang nagtanggal ng shirt na umani ng nakakarinding tilian ng mga babae at syempre asaran mula sa mga kalalakihan. Talia and I are both busy with our food at tinitiis nalang ang nakakabinging sigawan at pustahan. Yup, may pustahan. Plano ko nga rin makipagpustahan kay Lorraine eh, but ofcourse alam kong uuwi akong luhaan pag nagkataon so I didn't push through it. William is undeniably good at the field. Not just good actually but excellent.
"Tals itaas mo yung banner dali!" utos nito sa kumakaing si Talia. Yes, she made a banner for her beloved boyfriend. Tinulungan pa nga namin siya sa pagdidikit ng mga pusong pinaggugupit niya sa cartolina. Pasalamat siya at mahal namin siya.
"Mamaya nalang! Umupo ka nga muna! Uubusin namin tong pagkaing binili mo sege ka!" pananakot ni Talia sa huli na sinimangutan lang nito saka padabog na naupo.
"Bakit ang KJ niyo?" busangot ang mukha nito habang binubuksan ang soda.
"Hindi kami KJ. O.A ka lang talaga" mataray pero pabirong wika ni Talia.
"Suwss. If I know kanina ka pa kinikilig jan dahil kay number two" pang-aasar ni Lorraine kay Talia na pinandilatan naman agad ni Talia.
"And who's this number two?" nakataas ang kilay kong sagot sa dalawa.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Teen FictionSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...