Mabilis lumipas ang dalawang linggo at ngayon ay huling araw nanamin sa school bago ang semestral break. Damang-dama ang excitement ng mga estudyante dahil sa wakas ay natapos na ang walang katapusang requirements, projects, paperworks, at assignments.
"Guys! Labas naman tayo! Grabe feeling ko matatanggalan ako ng utak sa sobrang stress this week" yaya ni Lorraine pagkalabas at pagkalabas namin ng examination room. Maliban kasi sa foundation week namin noong nakaraang linggo ay ang sandamakmak na mga gawain sa mga subjects namin. Sumunod pa rito ang final exams. Buti nalang at nakapag-review in advance na ako.
"Libre mo?" sagot ni Talia kaya pabirong itinulak ito ni Lorraine.
"Seriously Zamora? Bakit ang kuripot mo!?" naiinis na reklamo ng huli kaya parehong natawa lang kami ni Talia.
"Oo na. My treat" sabay kaming napatili ni Lorraine sa excitement. Minsan lang kasi manlibre itong si Talia kaya lubos-lubusin na.
Sumakay kami sa service nina Talia at pumunta na sa mall.
~~~
"Gosh Jen, that dress suits you well" wika ni Lorraine habang parehong gulat na tinitigan nila ako ni Talia. We're currently in a store shopping for dresses. Pare-pareho naming kailangan ng dress dahil may dadaluhan kaming event.
"Thanks" I managed to say kahit hindi sanay sa mga papuri. I'm wearing a above-the-knee cream dress na mas nagpalitaw sa figure ko at bumagay din sa morena kong balat.
"You look hot" Talia winked kaya natawa nalang kami ni Lorraine. Ako lang ang hindi pa nakakapili ng dress dahil nakabili na ang dalawa. Pang-ilang store nanamin eto and thank god may bumagay din sa akin. Lorraine chose a black fitted black dress habang si Talia ay red long dress.
"Bagay na bagay po sa inyo ma'am. Bagong dating lang po yan sa store namin and you're the first person po na nag-fit niyan. Kaya po pala wala pang nagsusuot kasi kayo pala ang inaantay." komento ng sales lady.
"Naku dapat pala dito na tayo dumiretso kanina. Nakakapagod kaya maghanap! Akala ko nga hindi ka na makakahanap ng dress Jen!" pabirong sabi ni Lorraine kaya natawa kami lahat pati ang sales lady. Kapag talaga etong dalawang to ang kasama ko ay puro tawanan na lang, mapagkakamalan tuloy kaming baliw.
Binayaran nanamin ang dress bago tumungo sa isang cuisine para kumain. Mabilis kaming nakapagpalagayan ng loob ng sales lady dahil na rin sa pagiging madaldal ni Lorraine. Nagkaroon pa nga ng agreement na dito na kami mamimili ng dresses in cases na kakailanganin namin. The sales lady is very kind and approachable, binigyan pa niya kami ng discount.
Pagkatapos kumain nagpaalam na si Lorraine dahil tinawagan siya sa kanila. Hindi rin naman namin mae-enjoy ni Talia pag wala siya kasi siya ang "life of the party" ika nga nila kaya nagkayayaan na umuwi. Dahil nagmamadali si Lorraine makaalis ay isinabay na ako ni Talia. Nakakalungkot nga at mabilis natapos ang araw na hindi man lang kami nakakapag-relax ng maayos. We are actually planning to go to the spa, sosyal noh? Well, treat naman ni Talia kaya walang problema. Sayang nga lang at hindi natuloy.
BEEP BEEP BEEP
Mabilis kong kinapa ang cellphone mula sa bag pagkasakay namin ng sasakyan nila Talia.
From: Hot Hubby 💞
Can we talk?
Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad siyang nireplayan.
To: Hot Hubby 💞
Sure. Where?
Ilang minuto din ay nag-reply ito agad.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Fiksi RemajaSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...