Today's the birthday party of Venice and susunduin ako nina Talia at Lorraine bago kami pupunta sa venue.
Tumingin ako sa salamin at muling pinagmasdan ang itsura ko. I am wearing the cream dress we bought and my black stilletos to go with it. I decided to curl my hair and applied light make up. Wala si Van ngayon, she left two hours ago dahil may fieldtrip sila. She'll be gone for two days kaya kami nalang ni mama ang maiiwan dito sa bahay. Truth be told kahit nakakainis minsan ang presence ng mga kapatid natin sa buhay natin, we couldn't deny the fact that we miss them in their absence.
"Jenny anak! Bumaba ka na nandito na ang mga sundo mo!" I smiled at my reflection and grabbed my purse before going downstairs. Nakarinig pa ako ng busina ng sasakyan.
Inabutan ko si mama sa may pintuan habang nakikipag-usap kay Lorraine.
"Tita saan niyo ipinaglihi si Jen at ang bagal kumilos?" rinig kong seryosong tanong nito kay mama.
"Hoy andito ako" pagpaparamdam ko bago tuluyang lumabas ng bahay at humalik sa pisngi ni mama.
"Ma alis na po kami" huling wika ko at sumakay na sa sasakyan. Talia's driving today, nice!
"No alcohols girls!" paalala pa ni mama habang nagsisimula ng gumalaw ang sasakyan.
"And no guys please!" sigaw nito na tiyak na rinig na rinig sa buong street namin. Yup she's my mother
"So what did you guys bought for Venice?" tanong ko nang makalayo na kami sa bahay. I'm sitting in the passenger seat while Lorraine's at the back.
"two-piece bikini" sagot ni Lorraine na para bang pagkain lang ang pinag-uusapan.
"Seriously?" I know it's Venice's 18th birthday, indicating that she's now legal pero sa lahat ba naman ng puwedeng iregalo?
"Ano ka ba! It's time for that lady to show some skin! I mean it's not like she has nothing to flaunt." Napapailing na lang si Talia sa mga lumalabas sa bibig ng kaibigan namin.
"Kung alam ko lang na ganito epekto sayo ng William na yun dapat pala hindi ko na kinonsente ang relationship niyo." wika ni Talia na may halong pagbibiro
"O c'mon Tals! Masyado mo akong mahal para gawin yan sa akin" pareho kaming napaikot ng mata ni Talia
"Speaking of your dearest boyfriend where is he?"
"Hindi siya makakarating. Football practice" napatango na lamang ako.
"How about your prince charming?" Lorraine teased
"He's busy right now. Family matters. Isa pa malapit na graduation niya." parehong napatingin sa akin ang dalawa kong kaibigan. Napansin siguro nila ang disappointment sa tono ko. Kita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Talia.
"Oh eh bakit parang hindi ka masaya para sa kanya?" usisa ni Lorraine.
"I am happy for him. I am so proud of him but about this party.." Paano kung nandun si Peter?
"Is this about Peter?" Talia asked voicing out my thoughts. Kita ko naman ang pagkunot-noo ni Lorraine mula sa likod.
"Paano kung nandun siya?"
"Anong paano kung nandun siya? So what? Jen we know he's your ex but you couldn't possibly tell the person to stay away considering that he's our co-maj" Talia threw a sharp look her way, maybe trying to shut her up but I wasn't affected by Lorraine's statement. She's right. Gustuhin ko mang layuan siya at hindi siya makita kahit kailan, it's impossible.
Tuluyan na kaming binalot ng katahimikan hanggang sa makarating na kami sa venue. Nagpark si Talia bago kami sabay-sabay na bumaba ng sasakyan. Ngayon ko lang din napagmasdan ng maayos ang dalawa. They are both gorgeous. Lorraine's wearing the black fitted dress she bought while Talia is wearing her red long dress.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Teen FictionSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...