Kabanata 34

16 0 0
                                    

Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko tinakasan ako ng salita nang makita ko siyang nakasandal sa may kitchen counter habang seryoso akong tinititigan.

Ano ka ba Jen, you didn't do anything bad! Stop acting like you're guilty of something...

Napakurap-kurap ako nang tawirin nito ang distansya naming dalawa.

"Uh-uhm" Shit! Why am I stuttering?

"You were not answering your phone" kalmado ngunit seryoso nitong pahayag. Hindi siya galit?

"I'm sorry. Na-drain na kasi ang battery ko."

"You don't know how worried I was. Pati pamilya mo pinag-alala mo ng sobra." he sermoned na nagpatahimik sa akin.

"I-"

"Was that Peter?" putol niya sa sasabihin ko. I silently nodded.

"You were with him?" maya't maya ay tanong niya.

"Yeah. Nadaanan niya ako sa school at nagpumilit na ihatid ako. Hindi na rin ako tumanggi since-"

"Since you still like him? Ganun ba yun?" tumaas ang boses nito. Hindi nakaligtas sa akin ang sakit na dumaan sa mga mata niya. Naguguluhan ko naman siyang tinignan.

Like him? Saan niya nakuha yun? WTH

"What are you talking about? I was about to say 'since gabi na'. Inihatid niya lang ako, what's wrong with that?" napangisi naman ito at sarkastikong natawa.

"What's wrong with that? How are you expecting me to react? Rejoice after seeing you with your ex-boyfriend?" every word is dripping with bitterness. Nanikip naman ang dibdib ko sa paraan ng tingin niya sa akin.

"Ofcourse not but I had no choice. I accepted his offer dahil wala na ring masakyan. Walang ibig sabihin yun. It was just a friendly gesture." I sincerely said.

"Friendly gesture? Alam naman nating hanggang ngayon ay may gusto parin sayo yung fictional character na yun." inis niyang wika at tinalikuran ako.

"Baby huwag ka ng magalit. Wala lang yun. Sorry na. Please?" lambing ko sa kanya at niyakap ito mula sa likod. Ayokong nagkakaganito kami. I am not used in seeing him like this.

"Ano ba kasing dahilan at na-late ka ng uwi?" he curiously asked slowly facing me.

Hindi niya alam ang dahilan? Hindi niya alam na kaya ako nahuli umuwi ay dahil hinihintay ko siyang sunduin ako? Perhaps he forgot?

"Seryoso? hindi mo talaga alam?" hindi ko makapaniwalang tanong. This guy!

"Tatanungin ba kita kung alam ko?" masungit niyang sagot kaya napaikot ako ng mata. Seryoso talaga?

Nakaramdam ako ng inis sa kanya. Pinaghintay niya ako ng ilang oras dun pero hindi pala niya alam na susunduin niya ako ngayon? He promised for godsake! Hindi pa siya nakakalimot, ngayon lang talaga. Inis ko siyang tinalikuran at padabog na linisan ang kusina.

I saw Van watching television sa may living room. Tutok na tutok ito sa panonood. Mukhang wala itong kamalay-malay sa kung ano man ang nangyayari sa amin sa kusina.

Naramdaman ko namang sinundan ako ni Prince palabas ng kusina na mas lalong kinainis ko. Wala talaga siyang naaalala?

"You're doing reverse psychology with me, aren't you?" wika nito mula sa likod ko. Hindi ko naman ito pinansin at tinabihan ang kapatid ko sa panonood.

"Saan si mama?" tanong ko sa kapatid kong aliw na aliw pang kumakain ng chips habang nanonood.

"Taas. Pagod na nung makarating" sagot niyang hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon