Mas naging busy na kami kaya kahit ngayong weekends ay babad kami sa trabaho dito sa department. Next week na ang Psy Fair kaya marami kaming tinatapos.
Sinundo nanaman ako ni Prince sa bahay at inihatid sa school. He's becoming more clingy and vocal about his feelings for me kaya mas lalo akong kinakabahan. I am not sure yet about my feelings for him and there has been no proper confession naman na nangyari. Ang alam ko lang ay bigla siyang nag-open up about him wanting to engage in a relationship with me.
Matatawag bang official ang relasyon namin? Pati ako ay naguguluhan. I mean, I'm not saying I wanted to hear the 'three words eight letters' thing but I want an assurance. Ayokong mag-take ng risk na alam kong ako lang ang sumusugal.
Yesterday pumunta siya sa bahay kasama si King, ang kapatid niya. Nagkasundo agad silang tatlo nina mama. In fact, we had dinner. Nagkaroon din sila ng private talk ni mama na hanggang ngayon ay hindi niya sinasabi sa akin.
"Bigla ka nalang nawala kahapon. Kung hindi pa sa amin sinabi nina Venice at Nelly na itinakas ka ng boyfriend mo ay hindi namin malalaman." sermon ni Talia habang ikinakabit ang kurtina sa isang booth.
Today is Saturday at nasa plaza kami kung saan gaganapin ang Psy fair at may mga booth na itinayo. Bawat grupo ay may booth na naka-assign at kasama ko sa grupo si Lorraine at Talia, pati na rin si Nelly at Venice at marami pang iba. Hindi gaanong malaki ang population ng department namin kaya nasa pitong grupo lang kami pero bawat grupo ay binubuo ng marami-raming miyembro.
"At no offense dear pero may pagka-OA ang boyfriend mo. Tadtarin ba naman kami ng missed calls?" segunda naman ni Lorraine. Inaayos nito ang ilang gamit na idi-display namin sa Psy Fair. Inikutan ko lang sila ng mata pareho.
"Don't roll your eyes on us young lady, wala ka pang naikukuwento kung ano ba talaga ang mga nangyari. We thought you are going to join us for lunch kahapon pero namuti nalang ang mga mata namin wala ka parin." ayaw ko talaga ng ganitong eksena kasama ang mga kaibigan ko. Napakahilig nilang manggisa ng tao kaya wala na akong choice kundi magkuwento. I chose to leave the 'Peter and Hailey' thing dahil tiyak na maghi-hysterical nanaman sila pareho kapag sinabi ko sa kanila.
"Really? Sinabi niya sayo yun? Omg that's so sweet of him Jen! Kinikilig ako!" hindi maitago ang kilig na wika ni Lorraine. Ikinuwento ko kasi sa kanila ang sinabi ni Prince tungkol doon si picture.
Inikutan lang siya ng mata ni Talia. You're right about that Lorraine, kinilig din ako ng sobra. Sa sobrang kilig halos dilat ang mata na akong natulog kagabi. What exactly are you doing to me Prince?
"Still you should be careful Jen. Alam kong napag-usapan na natin to pero ayaw kong makita kitang masaktan ulit. You know how boys love using flowery words." paalala naman ni Talia at umismid lang si Lorraine. Kailan ba naman nagkasundo ang dalawang to?
"Talia why so bitter? Sinisira mo talaga ang mood eh. Maghanap ka nga ng boyfriend ng mabawas-bawasan naman yang pagiging bitter mo" pang-aasar ni Lorraine
"I'm not bitter, I'm just being realistic. Isa pa, I don't need a man to complete me. I am contented of being single. No boyfriend, no problem" as expected from the witty Talia Zamora. Napailing nalang si Lorraine saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng iba pang display. Naisabit na rin ni Talia ang kurtina kaya tinulungan na niya akong gupitin ang pictures.
~~~
Parang tangang paulit-ulit kong chini-check ang cellphone ko kung may text ba si Prince pero hanggang ngayon ay wala. Halos malapit ng matapos ang decoration sa lahat ng booths kaya nagpapahinga kami ngayon habang hinihintay ang pinadeliver naming pizza.
Napatingin ako kina Lorraine at William na abala sa isa't-isa. Sinusubuan nito ang girlfriend ng gummy bears habang nakaunan si Lorraine sa hita ni William. Ang malaking bag ng gummy bears ay dala ni Talia.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Teen FictionSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...