Kabanata 9

26 0 0
                                    

Pagkatapos at pagkatapos din ng almusal ay nakatanggap si mama ng tawag mula sa head nila at pinapapunta ito sa opisina. Labag man sa loob naming lahat na umalis siya ay hindi rin namin siya napigilan. Nangako naman itong uuwi ng maaga para makapag-dinner kami sa labas.

Napalingon ako kay Van na komportableng nakahiga sa sofa hawak ang librong binabasa.  Tinatamad kong inabot ang remote at napagpasyahang manood na lang ng TV.

Ilang minuto ding nagpalipat-lipat ako ng channel dahil walang magandang panoorin hanggang sa napagpasyahan kong umakyat sa kuwarto para kunin ang laptop ko.

XBenzz TonXx messaged you

XBenzz TonXx: Good morning ;)

Napangiti ako sa mensaheng bumungad sa akin pagkatapos ko mag-online.

Jenny Jane: Good morning din
XBenzz TonXx: Any plans for today?
Jenny Jane: Wala naman, nasa bahay lang ako kasama ang kapatid ko
XBenzz TonXx: Okay kung ganun. Let's play 20 questions?
Jenny Jane: Okay, game.
XBenzz TonXx: Favorite color?
Jenny Jane: Red
XBenzz TonXx: Favorite food?
Jenny Jane: Pizza
XBenzz TonXx: Favorite subject?
Jenny Jane: Math
XBenzz TonXx: Witweeww!
Jenny Jane: :D What's your favorite color?
XBenzz TonXx: Blue
Jenny Jane: Favorite food?
XBenzz TonXx: Steak
Jenny Jane: Favorite subject?
XBenzz TonXx: Arts
Jenny Jane: Seriously?
XBenzz TonXx: Yeah ;)
Jenny Jane: Favorite movie?
XBenzz TonXx: BigHero6
Jenny Jane: Oh my god! That movie is so good! It's my favorite too! :)
XBenzz TonXx: Yeah? What's your dream place?
Jenny Jane: Greece, yours?
XBenzz TonXx: Korea
Jenny Jane: How many girlfriends you had?
XBenzz TonXx: None ;)
Jenny Jane: Seriously? You're kidding.
XBenzz TonXx: No girlfriend since birth, you can say that haha
Jenny Jane: I didn't expect this. I mean...sa generation natin ngayon it's rare to find a guy like you..
XBenzz TonXx: Well relationships are complicated and I don't want to invest to something which isn't everlasting.
Jenny Jane: There's no forever
XBenzz TonXx: Forever is subjective babe but when you find the right person, you want to spend the rest of your life with that person.
Jenny Jane: Yeah but still..
XBenzz TonXx: I can see what's holding you back. Any past relationships?
Jenny Jane: One
XBenzz TonXx: What happened?
Jenny Jane: caught him cheating on our 2nd anniversary
XBenzz TonXx: G*go yun ah!
Jenny Jane: Haha yupp
XBenzz TonXx: So how's your heart?
Jenny Jane: It's fine. It's been four months already so nakamove-on na ako.
XBenzz TonXx: Tell that to yourself :D
Jenny Jane: nakakalungkot lang na sa dalawang taong tinagal ng relasyon namin ganun din kabilis nawala ang lahat...
XBenzz TonXx: That guy don't deserve a girl like you. Mas mabuti na nalaman mo ang ginawa niya kaysa ituloy niya ang panloloko sayo. You taught him a lesson babe and he lost  an amazing girl.

Napangiti ako sa mga nabasa ko. Bakit ganun? Bakit ang gaan-gaan sa pakiramdam kapag kausap ko siya?

Jenny Jane: Thanks :)
XBenzz TonXx: No, don't thank me. Starting from now we don't need to act as strangers
Jenny Jane: Aren't we?
XBenzz TonXx: Not
Jenny Jane: Fine Drake
XBenzz TonXx: That's better Jane :)

Wait...did he just call me Jane?

Matagal akong napatitig sa screen habang paulit-ulit binabasa ang message niya. Jane...he is the first person who called me in my second name...

XBenzz TonXx: Moving on..what course are you in?
Jenny Jane: Psychology
XBenzz TonXx: I'm taking architecture
Jenny Jane: Wow that explains your love of arts! You must been busy
XBenzz TonXx: Survived the hard phase, I'm graduating this sem ;)
Jenny Jane: Omg Congratulations! How old are you by the way?
XBenzz TonXx: I'm 20
Jenny Jane: I'm 19
XBenzz TonXx: I know :)

Tumaas ang kilay ko sa tinuran niya.

XBenzz TonXx: I told you you're not a stranger to me. I know you babe ;)
Jenny Jane: Huh? How come?
XBenzz TonXx: You'll know..sege magpapaalam muna ako. My brother's insisting to play
Jenny Jane: You have a brother?
XBenzz TonXx: Yes.

Magrereply pa lang ako nang makitang offline na ito. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang mga pinag-usapan namin. Kahit hindi pa kami nagkikita pakiramdam ko ang dami na naming nalaman sa isa't-isa.

I told you you're not a stranger to me. I know you babe ;)

Kilala niya ba talaga ako? Paano? Kailan pa?

"Ate" gulat akong napalingon kay Van. Prente itong nakaupo sa sofa katabi ang librong binabasa niya kanina, natapos na ata niya basahin. Mataman itong nakatitig sa akin. Napabuntong-hininga ito nang  mapansing wala akong kaalam-alam sa mga nangyari.

"Kanina pa kita tinatanong kung ano ang magandang iregalo"

"Kay Harold?" pansin ko naman ang pamumula niya sa pangalang narinig bago tumango.

"Depende. Ano bang gusto niya?"

"Hindi ko sigurado eh"

"Ano bang mga hilig niya?" napakagat ito sa ibabang labi at napaisip.

"Hilig niya ang basketball"

Napaisip din ako. Ano bang magandang iregalo sa ganun?

"Sapatos, magagamit niya yun kapag naglalaro siya" Bigla naman kuminang ang mga mata niya sa narinig pero mabilis ding sumimangot.

"Hindi ko nga pala alam ang size ng paa niya" malungkot niyang wika.

"Problema ba yun? Edi magtanong ka. Baka may nakakaalam na kakilala mo sa school" napangiti ito at mabilis na umakyat sa kuwarto.

Isinara ko naman ang laptop ko saka nag-inat papunta sa kusina. Gusto kong mag-bake pero nang makitang walang stock, napagpasyahan kong kumuha ng mga kakailanganing ingredients sa grocery store.

Nagpalit lang ako ng damit dahil nakaligo na rin naman ako kanina. I'm wearing a dark skinny jeans and a pastel top and my white flip flops. Gustong sumama ni Van kaya hinintay ko na muna siyang matapos saka kami sabay na lumabas ng bahay. She's wearing a white light blouse and denim shorts together with her white converse.

"What are you baking?" tanong ni Van nang makalabas na kami.
"What do you suggest?"

"Chocolate cake please" pagpapacute nito kaya natawa na lamang ako.

"Chocolate cake it is" para naman itong batang napatalon-talon sa tuwa.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon