I'm staring at my reflection wearing a black cocktail dress and my black valentino heels. My make-up is minimal and I'm wearing my white pearls to match with my outfit.
Nakarinig ako ng busina ng sasakyan kaya kinuha ko na ang clutch ko saka bumaba na sa living room. At the end of the stairs is King, looking dashing with his tuxedo and a bow tie.
Nandun din si mama at Van at hinihintay akong bumaba. Nang makababa ako ay inalalayan ako ni King palabas ng bahay. Siya ang maghahatid sa akin sa venue kung saan kami magdi-date ng kuya niya.
It's been a year at last week lang noong makauwi sa Pilipinas si Prince kasama ang daddy niya at si Victoria. Thankfully, naka-recover na ang kapatid nito pagkatapos ng successful operation.Tungkol naman sa custody na ipinaglalaban ng daddy nila, hindi na tinuloy ni tito dahil na rin sa kagustuhan ni Victoria.
This will be the first time na magkikita kami pagkatapos ng isang taon na long-distance relationship. We're staying strong kahit minsan noong nasa Australia ito ay may mga hindi kami napagkakaunawaan but because he's too sweet for my liking, nagkakabati din kami agad.
Ang naging pagkakaiba lang siguro ng takbo ng relasyon namin ay ang distansyang meron kami. He's unbelievably loyal to the point na napapatawag pa sa akin si Tito (daddy niya) para utusan akong sabihan ang anak niyang huwag maging masyadong harsh sa mga empleyadong babae doon. Tawang-tawa nga ako sa mga balitang nalalaman ko kung paano niya i-discourage ang mga babaeng may gusto sa kanya.
Nakaramdam na ako ng kaba nang papunta na kami sa lugar kung saan kami magdi-date. Hindi din biro ang isang taon na hindi kami nagkita. Gusto sana niyang umuwi na dito in the middle of the year for my graduation but I stopped him dahil alam kong marami siyang trabaho dun. Yes, nakagraduate na ako at ngayon ay nagtatrabaho na ako sa Manila, ganun din si Talia. Weekends lang ako nakakauwi sa amin pero si Talia ay sa Manila na nags-stay with Harold. Oo, sila na nga, sinagot niya ang binata before graduation. Si Lorraine naman ay lumipad patungong Hong Kong kasama si William. The two got engaged after graduation. Do you guys remember Katie? Kinasal na sila ni Jacob after graduation. Si Nelly naman ay kasalukuyang nasa Germany para sa lolo niyang may sakit. Si Venice ay nasa Tagaytay with her family para magbakasyon. Sina Van naman at King ay nakapagtapos na rin ng highschool at pumipili lang sila ng school kung saan sila magka-college. They both graduated with honors. I am also happy to announce that King is courting my sister. Alam na ni mama at ng pamilya ni King ang tungkol dito. Mula nang makapagtapos kami, wala narin akong naging balita kay Peter but we got a chance to talk a week before our graduation. Nagpaalam ito dahil sa lilipat na daw sila sa America kasama ang pamilya niya. Doon na rin siya magtatrabaho. If you are asking about Hailey, malapit na itong manganak. Hindi ko na siya nakausap pa. Ganunpaman, hindi na ganun ka-weird makita siya sa paligid. According to Peter, alam na daw ni Hailey kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan niya. He didn't name the guy though, pero pananagutan naman daw ng lalake ang bata at kasalukuyang nasa dating stage daw sina Hailey at ang lalake. So far, masaya naman ang lahat at mas lalo akong masaya dahil makikita ko na ang boyfriend ko.
King stopped the car before an old building. Madilim ang buong lugar at tanging ang headlights lang ng sasakyan ang nagbibigay liwanag sa buong lugar.
"Anong lugar ito?" hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Mistulang haunted place ang kinalalagyan namin at wala man lang katao-tao.
"Chill, sis. Ligtas itong lugar na ito. Hindi naman gagawa ng ikakapahamak mo si Kuya." pagkakalma sa akin ni King. Naging malapit na rin kami sa isa't-isa dahil madalas ito sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Novela JuvenilSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...