Lunes, ang araw na tila bangungot para sa mga katulad kong estudyante. Sabay kaming bumaba ni Van sa kusina para mag-almusal, nakahanda na ang pagkain pero wala si mama. Tiyak na maaga nanaman itong pumunta sa opisina. Dahil linggo kahapon, nagkaroon kami ng oras para makasama si mama. Tulad ng nakagawian ay dumalo kami ng misa at kumain din kami sa labas.
Hindi na kami nag-aksaya ng oras at kinain ang inihanda ni mama na pancakes at juice saka sabay na lumabas ng bahay. Magkaiba ang daan ng eskuwelahan namin ni Van kaya naghiwalay kami sa may terminal ng tricycle.
Pagkapasok at pagkapasok ko pa lamang ng school ay mukha na ni Lorraine ang nabungaran ko. Wala si William, himala.
"Bakit wala ka noong nakaraan?" tanong ko. Bumungisngis naman ito bigla. Malamang ay kung hindi kami matagal na magkakilala ay aakalain kong baliw siya.
"Pumunta kami kina William. Jen! Pinakilala ako ni William sa family niya!!" kinikilig na kuwento nito. Nakakabigla ang mga ikinikilos ni William. Kung may kilala man akong pinakababaero, siya yun.
"Hindi ka pumasok para lang dun?" Masaya naman ako para sa kanya pero hindi ko kayang makita na napapabayaan na niya ang pag-aaral niya. Bunso si Lorraine sa kanilang magkakapatid. Galing siya sa isang mayamang pamilya. May lahi siyang Chinese kaya sari-saring business ang pag-aari nila. Ang mga nakakatanda niyang kapatid ay tagapagmana ng naglalakihang kompanya kaya lumaking competitive si Lorraine, hindi nga lang halata.
"Grabe ka sa amin ni William! Hindi ka ba masaya para sa bestfriend mo? Jen! Baka siya na ang forever ko!" she pouts. Yan ang problema sa kanya, paniwalang-paniwala sa mga nababasa't napapanood niya. I rolled my eyes.
"Walang forever period. Halika na nga, Lunes na lunes pumapag-ibig ka jan. Ang dami-dami nating kailangan pagtuonan ng pansin dahil malapit ng magtapos ang semester" nakasimangot niya akong sinundan papunta sa major class.
~~~
Natapos ang madugong oras namin. Nagkaroon ng surprise test sa major at halos mabalian na ako ng buto sa likod sa malakas at walang tigil na pagkalabit sa akin ni Lorraine. Mabuti nalang ay abala si ma'am at hindi niya kami napansin. Nasa coffee shop ulit kaming apat, pang-apat si William."Thanks to you at akala ko ay zero ang makukuha ko kanina sa test" Lorraine blurted out while we're all eating our food.
"Lorraine you shouldn't be dependent on Jenny. Paano nalang kung absent siya kanina? Ede nga-nga ka?" parang magulang na wika ni Talia. Kanina pa nito kinakalikot ang cellphone.
"Never naman yan umabsent eh"
"Yun na nga. Sinasanay mo kasi ang sarili mo. Bumaba pa naman grades mo last sem"
"And if that happens again this sem that would mean..." Talia and I grinned.
"Sagot mo lahat in a day" sabay naming wika ni Talia.
Nakagawian nanaming tatlo ang paglabas the day after the release of our final grades. Naging rule namin ang hindi pagbagsak sa isang subject at kung sino man ang may bagsak kahit isa, sagot niya lahat sa lakad namin. Last sem bumagsak si Lorraine sa Chem so wala siyang nagawa kundi magbayad para sa araw na yun.
Matalino naman talaga si Lorraine, she's actually good in everything but may problema sa time management niya and siyempre inaatake kadalasan ng katamaran, and unfortunately, dumagdag pa si William.
"Babe hindi ka ba nakapag-study?" tanong ni William. Nakaupo ito sa tabi ni Lorraine wearing his football uniform.
"Surprise test ang nangyari kanina babe! And FYI baka nakakalimutan niyong dalawa, pareho kayong dean's lister so hindi niyo maiintindihan ang lagay ko" asar na wika ni Lorraine kaya natawa lamang kaming tatlo.
"Oh please don't make that as an excuse. Tamad ka lang talaga mag-aral" natatawang wika ni Talia na sinimangutan lang ni Lorraine.
Napukaw ang atensyon namin ng pagtunog ng door chime ng coffee shop. Sinundan ito ng pagpasok ng dalawang taong ayaw kong makita sa tanang buhay ko. Napaiwas ako ng tingin.
"So they're still together huh" sarkastikong marka ni Talia. Napansin ko naman ang sekretong pagsiko sa kanya ni Lorraine pero hindi ito pinansin ni Talia.
"Ang lakas ng loob niyang pumunta dito at dinala pa ang haliparot" inis nitong dagdag. Hindi naman ako mapakali sa kinauupuan dahil pakiramdam ko may mangyayaring hindi ko magugustuhan.
"Talia baka marinig ka" pabulong na sita sa kanya ni Lorraine pero wala itong epekto sa huli dahil mas nilakasan pa nito ang boses. Napapikit ako ng madiin habang ipinagdadasal na sana lamunin ako ng kinauupuan ko para makaalis sa sitwasyong ito. The last thing I wanted is for Peter to notice my presence, our presence. Ayoko siyang makausap, ayaw ko silang makausap habambuhay.
"Isn't that Hailey?" walang kaalam-alam na tanong ni William. Alam kong nagkaka-ideya na ito sa mga nangyayari. Lorraine nodded at her boyfriend's question.
"And the guy's Peter if I'm not mistaken?" hula nito sa kabila ng tensyon sa table namin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko saka tumingin sa direksyon ng dalawang pumasok kanina. Nakaupo sila sa gitnang parte ng coffee shop. Nakatayo ang waiter sa tabi ng table nila, kasalukuyang umoorder ang mga ito.
Bigla ko namang naalala noong lumalagi siya dito sa coffee shop kasama kami nina Talia. Madalas din kaming mag-date dito tuwing holidays. Nakakatawa lang at yung lugar na inakala kong simbolo ng relasyon namin ay parehong lugar kung saan ko masasaksihan ang pagkawasak ng relasyong yun. Ganun siguro talaga yun, lahat ng dumadating nawawala at kung sino pa ang nagpasaya sayo ay siya ding mananakit sayo.
"Waiter!" malakas na sigaw ni Talia na pumukaw sa atensyon ko. Nagtataka din siyang tinignan ni Lorraine at William. Ano nanaman bang pinaplano niya? Huwag niyang sabihing hindi pa siya busog sa kinain niya?
"Waiter!" nilakasan pa lalo niya ang pagtawag dahilan para mapatingin sa amin ang lahat ng customers and when I say lahat ng costumers that includes Peter and Hailey. I internally hissed. What have you done Talia?
Recognition crossed both of Peter and Hailey's eyes. Peter and I locked gazes but I immediately looked away. Please don't mind me. Please pretend you don't know me. Please just...
God it's too late! They're heading to our table.
"Geez. What is he doing? Bakit sila lumalapit?" natatarantang pahayag ni Lorraine. She looked at me worriedly trying to read my thoughts.
"Talia naman kasi!" dagdag niya nang manatili akong tahimik.
"Sshh. They're coming" sita ni Talia na siya namang paglapit ng dalawang pinakaiiwasan kong makausap o makita man lang. This is absolutely insane! I cannot bear the tension and awkwardness...
"Uhm" rinig kong tikhim ni Peter. Nanatili akong nakatungo dahil hindi ko kayang tignan siya,or should I say sila.
"Uhm" malakas ding tikhim ni William. Kung hindi siguro seryoso ang sitwasyon ay matatawa ako sa klase ng pagtikhim niya.
"So-"hindi na natuloy ni Peter ang sasabihin dahil kay Talia.
"Bakit mo siya dinala dito? At sa dinami-dami ba naman ng lugar bakit dito pa? Wala na ba talagang natirang hiya sa katawan niyo at nagawa niyo pang mag-date dito?" seryoso at galit na wika nito."Hailey and I are not dating. We're here to settle things about us" sagot ni Peter. Settle things? What does he mean by settling things between them? Nanatili parin akong nakatungo.
"Oh right. So you guys are on the way to a serious relationship?" pagsasatinig ni Talia sa tanong na naiisip ko.
"No. We're here because she's pregnant" and that statement of his alone caused me to look up. My eyes immediately met his. I look at him wide eyed and then her and back to him again.
No. We're here because she's pregnant.
No. We're here because she's pregnant.
Pregnant..Hailey is pregnant
...and he's the father
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
أدب المراهقينSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...