Kabanata 5

16 0 0
                                    

Naiinis kong tinitigan si William. Nasa may coffee shop kami malapit sa school kung saan mahilig kaming tumambay nina Lorraine at Talia tuwing vacant time namin. Speaking of Talia, hindi ko pa siya nakikita simula kahapon.

Dahil nga boyfriend ni Lorraine si William, malamang ay lagi siyang mapapadpad dito. 4 seats ang okupado namin, nakaupo ako mag-isa sa kabila samantalang kaharap ko si Lorraine at William na kanina pa abala sa sarili nilang mundo. Ganiyang-ganyan din kami ni Peter noon, yung kapag magkasama kami parang kami lang ang tao sa mundo na sapat ng nakikita namin ang isa't-isa. Madalas din siya sumasama sa amin nina Lorraine at Talia pero dahil lalake siya at minsan nao-OP siya sa aming tatlo, umaalis din siya agad. Alam kong maling ikumpara si William at Peter pero masisisi niyo ba ako kung sa mga pinagdaanan ko hindi ko maiwasang ikumpara siya sa ibang lalake? To think that William here once cheated on my bestfriend.

"Guys!" napalingon ako sa sigaw ni Talia na kararating lang. Hay, salamat at mukhang hindi ako magmumukhang third-wheel. Halos magkasabay kaming tumayo ni Lorraine at sinalubong niya kami ng yakap.
"Late ka ata?" tanong ni Lorraine habang bumalik kami sa pagkakaupo. Umupo din si Talia sa katabi kong upuan.

"At bakit wala ka kahapon?" dagdag kong tanong. Nakita ko namang papalapit ang waiter dala ang order namin nina Lorraine.

"Dahan-dahan naman guys! Sasagutin ko lahat ng tanong niyo kapag nakapag-order na ako. Gutom na gutom yung tao ee" natatawa niyang sabi saka namang pagkalapag ng mga orders namin sa table na dala ng waiter.

"My usual order please" utos ni Talia bago pa man umalis ang waiter.

"Yes ma'am" sagot naman nito.

Ilang sandali ding tumahimik na ipinagtataka ko. Inabala ko ang sarili sa pagkain dahil hindi ako nakapag-almusal.

"I'm not trying to be rude but who are you?" rinig kong tanong ni Talia kaya napatingin ako sa kanya. Sinundan ko naman ang tingin niya at nagtataka itong nakatingin kay William. Napansin ko ding muntik ng mabilaukan si Lorraine sa narinig.

"Talia.." sabay naming tawag sa kanya.

"It's better if ikaw na ang magpaliwanag Lorraine" pagpapaubaya ko.

Walang kaalam-alam si Talia tungkol sa relasyon nina William at Lorraine. Kahit sa naging ligawan, wala siyang kaalam-alam. Sa aming apat, si Talia ang fearless kung kilalanin. Wala talaga siyang kinatatakutan lalo na kapag karapatan na niya ang pinag-uusapan. She's an unica-ija of the family kaya sobra ang tiwala at suportang natatanggap niya mula sa pamilya. She's also very intelligent, she's part of the debate team and a consistent dean's lister like me.

Natatandaan ko pa noong nalaman niya ang dahilan ng break-up namin ni Peter, she's furious. Sinabunutan niya si Hailey at pinagsasampal at lumaban naman ang babae, ang resulta napunta ang dalawa sa detention. Nakunsensya tuloy ako dahil nadumihan tuloy ang record ni Talia pero sabi naman niya wala daw siyang inaatrasan lalo na kapag may naaagrabyado daw na tao. Tawang-tawa pa ito sa sinapit ni Hailey.

Hindi namin pinaalam ang tungkol sa kanila ni William dahil alam kong hindi maganda ang mamgyayari lalo na kapag nalaman niya ang mga nangyari.

Nakatitig parin ako Kay Lorraine na hindi parin kayang magsalita. Inilipat ko ang tingin sa katabi nitong si William na kampante lang na nakaupo. Jerk!

"He's William, Lorraine's boyfriend" wika ko dahil mukhang wala atang balak magsalita si Lorraine. Sunod-sunod namang napalunok si Lorraine.

"Here's your order ma'am" sabat ng waiter habang ibinababa ang mga order ni Talia. Hindi parin nagsasalita si Talia hanggang sa makaalis na ang waiter.

"Talia kasi ano-" balak sanang magpaliwanag ni Lorraine pero hindi na siya pinatapos ni Talia at itinuon ang pansin kay William. Matagal din niya itong tinitigan.

"Mahal mo ba ang kaibigan ko?" tanong nito sa lalake

"Talia naman anong klaseng tanong yan!" pagtutol ni Lorraine

"Hindi ikaw ang tinatanong ko Lorraine" seryoso nitong sabi na nakatitig parin kay William. Sumeryoso naman ang mukha ni William at nakatitig din sa huli.

Sinenyasan ko si Lorraine na huwag ng magsalita at hayaan na lang si Talia. Mukhang naintindihan naman niya dahil hindi na ito muling tumutol.

"Yes I love her" sagot ni William. Ngumisi lang si Talia.

"Tulad din yan ng sinabi ni Peter pero..." wika ni Talia pero hindi ko na siya hinayaang ituloy ito. Ayoko ng balikan pa ang tungkol sa amin ni Peter. Pansin ko ang pagkunot ng noo ni William samantalang lumungkot ang mukha ni Lorraine sa naalala.

Pinandilatan ko naman si Talia at tiningnan niya lang ako ng masama.

Ilang minuto din kaming binalot ng katahimikan at inabala ang sarili sa pagkain. Nawalan na rin ako ng gana pagkatapos maalala ang tungkol kay Peter. Tama nga ang sinasabi ng iba na kapag nagmo-move on ka hindi ibig sabihin nun ay makakalimutan mo lahat ng sakit. Nandoon parin lahat ng sakit, kailangan mo lang lagpasan sila at magpatuloy, patunayan sa taong yun at sa sarili mong mas uunlad ka sa buhay nandyan man siya o wala sa tabi mo.

Noong araw na yun na isusorpresa ko sana siya sa 2nd Anniversary namin as couple, yung araw na inakala kong magiging masaya at memorable ay nauwi sa hiwalayan. Peter didn't deny my accusation, in fact tinanggap niya lahat yun dahil guilty siya. I was expecting that he will run after me, fight for our two years relationship but sadly he didn't. Hindi ko alam saan ako nagkulang o baka nagsawa lang siya kaya nagawa niyang maghanap ng iba.

"Kapag narinig kong pinaiyak mo ang kaibigan ko malilintikan ka sa akin Bartolome" may pagbabantang wika ni Talia. Mukhang naipakilala na siya ni Lorraine.

"Talia hindi na ako bata" reklamo ni Lorraine sa huli. Nakita kong tumango si William at nakakunot-noo niya akong tinapunan ng tingin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Who's Peter by the way?" nagtataka niyang tanong. Sabay namang napalingon sa akin si Talia at Lorraine.

Bago pa man sila makapagsalita ay hinablot ko na ang bag ko at nagmamadaling tumayo at naglakad palabas ng coffee shop. Tapos na rin naman ako kumain, pati na rin sila.

Bago pa man ako tuluyang makalayo mula sa table namin ay narinig ko ang sagot ni Lorraine.

"Peter is Jenny's ex-boyfriend"

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon