Kabanata 17

13 0 0
                                    

1 message recieved
From: Hot Hubby 💞

I'll be late later. Hintayin mo nalang ako jan. Don't leave without me.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa text niya. He's undeniably sweet and caring.

To: Hot Hubby 💞

Okay.

Message sent.

"Earth to Jenny!" sigaw ni Lorraine sa kabilang tenga ko.Gulat at matalim ko naman siyang tinignan.

"You're spacing out again." hindi makapaniwalang wika ni Lorraine.

Napalingon-lingon naman ako sa paligid at napansing kami nalang ang tao sa room.

"Nasaan yung iba?"

"Kailan ka pa hindi nakinig sa sinasabi ng professor? Haven't you heard? Today's the start of Department's foundation week" napapailing niyang wika habang nagsusuklay ng buhok.

"Right. Are we excused to all our subjects?"

"Of course. Ang dami-dami nating activities na gagawin" nagmamadali kong hinablot ang aking bag saka hinila palabas si Lorraine. Shit I almost forgot! I am the overall chairman for the Psy Fair.

"Wait! Bakit ka ba nagmamadali?" reklamo ni Lorraine habang hila-hila ko siya papunta sa department.

"Kailangan nating pumunta sa department. I need to finalize things for the Psy Fair" Jenny Jane! Sa lahat ba naman ng puwede mong kalimutan, bakit ito pa?

"Relax. Next week pa yun and I'm sure prepared na tayo for that."

Hindi ko na siya sinagot dahil mabilis din kaming nakarating sa department. Pagpasok namin ay marami ng Psy majors ang nandidito, lahat abala sa mga assigned tasks sa kanila.

"Thanks God at napagpasyahan mong dumaan dito sa department. Ilang linggo ka ng di pumupunta dito." salubong sa amin ni Venice, ang president namin.

"Pasensya na talaga. Ang dami-dami kasing nangyari nitong mga nakaraang linggo" nahihiya tuloy ako sa kanila. I am the chairman for this activity pero anong ginagawa ko? Nagiging pabaya na ako.

"Pagbigyan mo na Venice itong si Jen, masipag naman siya" nakangiting singit ni Lorraine na tinapik pa ako sa balikat saka umalis. Hindi ko na siya nagawang pigilan pa dahil hinarang ako ni Nelly, secretary naman namin.

"Kasali ba sa mga nangyari na sinasabi mo ang papabells mo?" panunukso niya na sinisindot pa ako sa tagiliran.

"Sinong papabells?"

"Asuwss kunwari di alam" natatawang sang-ayon naman ni Venice. Sinong tinutukoy nila? Si Prince ba?

"Yung naghahatid-sundo sayo" pagkumpirma ni Nelly sa iniisip ko. Sinasabi ko na nga ba. Dahil sa pagkalat ng picture sa buong school ay naging sentro na ako ng atensyon dito sa university. Napakawalang-kuwenta talaga mag-isip ang mga tsismosa.

"Boyfriend mo siya no?" tanong ni Venice na may halong panunukso.

"Paniguradong maganda nga ang 'maraming nangyari' na sinasabi mo" dagdag nito at nag-apir pa sila ni Nelly.

Si Venice at Nelly ay naging malapit kong kaibigan simula noong nag-run ako bilang treasurer last year, ngayong taon naman ay hindi na ako tumakbo ulit dahil sumali lang naman ako sa officers for experience. Iba na ngayon ang set of officers except from Nelly and Venice na hindi talaga natatanggal sa posisyon na yan. I can't blame our co-majors. Napagkakatiwalaan talaga ang dalawa lalo na si Venice na laging lubog sa trabaho. Napakalaki ng paniniwala sa kanila ng marami, kilala din sila sa pagiging competitive. Venice is running for Cum Laude if i am not mistaken. Si Nelly naman ay active sa mga org na sinasalihan niya and the editor-in-chief in our college's publication paper. Nasa pare-pareho kaming year.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon