"Kayo lang bang dalawa ang tao dito?" tanong ni Prince nang tuluyan na kaming makapasok sa bahay. Dumiretso ako sa kusina dala ang grocery bags.
"Kaming tatlo nina mama. Busy siya lagi sa trabaho kaya madalas naiiwan kaming dalawa ni ate dito sa bahay" rinig kong sagot ni Van mula sa living room.
Pinusod ko ang aking buhok at isinuot ang apron saka inilabas ang ingredients sa grocery bag.
"Anong gusto niyong drinks?" rinig kong tanong ni Van sa dalawa pero wala akong narinig na sagot. Naghugas muna ako ng kamay saka sinimulan na ang gawain.
"Anything to help you with?" napunta ang tingin ko kay Prince na nakasandal sa door frame ng kusina. Nginitian ko lang ito at umiling.
"What are you baking?"
"As requested by Van, a chocolate cake" tumango naman ito
"What's your favorite cake?"
"Chocolate and Mocha" napatango naman ako saka ipinagpatuloy ang ginagawa
"King's?" tanong ko ulit habang abala ang mixer sa paghahalo ng ingredients.
"Caramel" tumango lamang ako at hindi na muling nagsalita. Hindi narin nagsalita pa si Prince pero ramdam ko ang malalim na pagtitig nito dahilan para makaramdan ako ng discomfort.
Tinungo nito ang ref at nagsalin ng tubig sa baso. Umupo ito sa counter habang nakatitig parin sa akin.
"Ano ba! Stop poking me!" rinig kong sigaw ni Van mula sa living room. Hindi talaga sila magkasundo ni King. Napangiti ako nang maalala ang itsura niya kanina nang makita ang batang lalake. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang gulat. She really has something on King...
"Why are you smiling?" puna ni Prince kaya napailing na lamang ako.
"Don't worry about your sister. King's not that stupid to hurt her"
"I know" sagot ko. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.
Ilang minuto din pagkatapos kong ilagay ang cake sa oven ay bumalik siya sa living room. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sinimulan ng gawin ang frosting.
"Smells good in here" muntik ko ng matapon ang cocoa powder sa biglang pagpasok ni King.
"Excited na akong matikman ang cake na binake mo" dagdag nito pagkatapos maupo sa counter upang panoorin ang ginagawa ko habang abala ako sa paghahalo ng ingredients.
"Gusto mong i-try?" Napansin ko kasi kung paano ito nag-eenjoy sa panonood sa ginagawa ko.
"Baka magkalat lang ako" nag-aatubili nitong wika pero lumapit din sa tabi ko. Ibinigay ko sa kanya ang mixer at ang halos malapit ng matapos na mixture ng frosting.
Walang kahirap-hirap nitong pinaandar ang mixer ulit at itinuloy ang ginagawa ko kanina.
"Fast learner huh" ngumiti lang ito sa sinabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Pagkalipas ng tatlumpong minuto ay nilabas ko na ang cake mula sa oven at ipinatong sa table. Natapos na rin ni King ang frosting kaya nagpasya na kaming ilagay sa cake. Nang matapos ay nagpasyang palamigin muna.
"Bakit tumigil mag-bake si Van?" biglang tanong ni King habang naghuhugas ng kamay.
"Sigurado ka bang gusto mong malaman?" tumango ito.
"First-year siya noong tumigil siya mag-bake. Pareho kaming nagulat ni mama dahil hobby niya ang pagbi-bake simula pagkabata. Sumasali siya sa mga baking contest growing up at umuuwing nananalo. The last time we saw her bake was during Christmas. She decided to bake a cake for someone. Hindi niya sinabi kung para kanino. The only thing I can remember is how excited she was at that time. Noong umuwi siya iyak siya ng iyak. Sinabi niya sa aking tinapon ng pinagbigyan niya ng cake ang ginawa niya and worse, told his friends how bland the taste of the cake was. Doon ko lang nalaman na yung pinagbigyan niya ay matagal na pala niyang gusto and the cake she baked was a Christmas gift. Nasaktan ako noong sinabi yun ng kapatid ko. The guy should have been more considerate. Atleast man lang ay inappreciate niya ang effort na ginawa ni Van. She poured her heart sa binake niya and got nothing in return except humiliation. Mula dun, hindi nanamin siya nakitang magbake. She didn't just stopped baking but also lost her self-confidence."
I sliced the cake ang put four slices on four separate plates. Together with a fruit juice, I set them all on the table. Naglalagay na ako ng mga kutsara nang parehong pumasok si Van at Prince sa kusina.
"Looks delicious! Nagugutom na ako" agad ding umupo si Prince at tinikman ang cake. Nakaupo na rin si Van ganun din si King at sabay na tumikim sa cake.
"Ang sarap! You never fail to amaze me with your talents babe" Prince winked and I blushed.
"Shabi shwa ingnyo emm" puno ang bibig na pagmamalaki ni Van. Nandidiri naman siyang tinignan ni King. Bigla kong naalala ang naging usapan namin kanina. Mukhang nagiging interesado na siya kay Van kahit hindi sila nagkakasundo.
Umupo na din ako saka tinikman ang gawa ko. Masaya akong napatingin kay Prince na ngayon ay nakatitig sa akin. Gustong-gusto ko ang kulay ng mga mata niya, parang dinadala ka sa pinakadulo ng kagubatan. Ang buhok niyang magulo ang pagkakaayos pero napakaganda sa mata at ang mga labi niya...
Napailing ako sa naisip. Lumipat ang tingin ko pabalik sa mata niya at pakiramdam ko kinakain nito ang buo kong pagkatao. Sumilay ang ngiti sa bibig niya exposing his dimple once again. Bakit ang guwapo?
Nanatiling tahimik sa hapag habang kumukuha ang tatlo ng panibagong slice ng cake. Si Prince at King ay pangatlong slice na nila yan, hindi naman masyadong halatang nasarapan sila sa ginawa kong cake. Haha!
••••••
"Thank you for allowing us here. I must say you have a talent in baking, fantastic!" Alas-singko na ng hapon nang napagpasyahan ng magkapatid na umuwi kaya hinatid ko sila sa may gate.
Pagkatapos kumain ng cake ay nag-aya si Van na manood ng movie kaya nagkaroon ng movie marathon. Doon ko lang din sila nakita ni King na nagkasundo dahil sila mismo ang pumili ng tatlong movie na pinanood namin. Nagpa-deliver din kami ng spicy Italian pasta dahil nagpumilit si Prince. Hinayaan ko na din siya dahil paniguradong gutom ang lahat dahil tanging yung cake na ginawa ko ang nakain namin for lunch.
"I hope this won't be the last?" dagdag ni Prince na napapakamot sa batok. Napangiti ako sa ikinikilos nito.
"I hope not" my smile didn't falter
"Big bro!" tawag sa kanya ni King mula sa kotse. Prince hissed.
"Mag-iingat kayo. Ingat sa pagda-drive" pagpaalam ko at papasok na sana nang higitin niya ako pabalik and I gasped.
Did he just...
He winked at me and as fast as lightning, nakasakay na siya sa kotse and they're off.
Oh my god!
He...
He...
He kissed me....on the cheeks!
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
أدب المراهقينSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...