Kung siguro ay hindi seryoso ang sitwasyon ay nais kong matawa sa kalagayan naming dalawa ni Peter. Sinong mag-aakalang magkakausap kami?
After the breakup, I told myself to never get involved with him again, as in ever. Who could blame me? I was hurt, badly I must say. Gusto kong ibaon sa limot ang mga nangyari, to pretend that I didn't meet him and he wasn't part of my life. Pero sa nangyayari ngayon parang kabaliktaran ang nangyayari for he is sitting in front of me in our favorite coffee shop.
I wanted to say something, I wanted to ask him what happened, why and how did everything happen. I wanted to ask him tungkol sa sinabi niyang buntis si Hailey, kung ano ang mga narinig ko noong nag-uusap sila sa bakanteng silid but I just can't. Para akong nabato-balani sa kinauupuan ko habang tinititigan ang lumalamig ko ng kape. I love coffee, we both love coffee that's why this coffee shop had been our favorite place since then.
"Gusto mo palitan na natin?" putol niya sa katahimikang bumabalot sa amin. Napatingin ako sa malalalim niyang mga matang nakatitig sa akin. I wanted to look away, but there's something in his eyes that's telling me not to.
"Ha?" wala sa wisyong sabi ko.
"Yung kape mo. Lumalamig na kasi" tukoy niya sa kape ko kaya napailing ako saka ibinalik sa kape ang tingin. What's with his eyes?"Hindi mo na ba hilig magkape?" tanong niya ulit kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"I still love it" tipid kong sagot and he nodded with a smile. God he still looks handsome especially when he smiles like that...
"Hindi ka pa rin nagsasawa?"
"Never"
"Kahit umiba na ang timpla?" parang alam ko na ano ang patutunguhan ng usapan na to.
"Bakit naman mag-iiba ang timpla?" sinadya kong gawing tanong ang sagot ko so that he could explain further.
"Nagkamali kasi ang may gawa. Hindi tama ang nilagay niyang asukal kaya ayun, masyadong matamis. Kulang ng cream kaya magaspang ang lasa at sumobra ang kape kaya ayun, pumait" I saw how his smile turned to a bitter one.
"Diba dapat alam ng gumawa ang timplang gusto ng iinom ng kapeng gawa niya?"
"Alam ng gumawa Jen, alam ko that's why I'm sorry. Hanggang ngayon hindi ko napapatawad ang sarili ko for hurting the woman I love. I'm sorry" namumula na ang mga mata niya and I can't help but to stare back at him.
"Ano bang nangyari? Sabihin mo, may pagkukulang ba ako?" maagap niyang kinuha ang isa kong kamay saka sunod-sunod na umiling.
"No, no Jen. Wala kang pagkukulang. Ako ang mali, ako ang sumira sa relasyon natin"
"How..how did it happen?" Handa na ba talaga akong pakinggan siya?
"Sa bar" Is he saying na...
"Oo tama ang iniisip mo. I was in a bar that time dahil may problem sa bahay. Umuwing lasing si Dad from work and nag-away nanaman sila ni mama. I was drunk and Hailey went and offered herself to me. Lasing na lasing ako kaya may nangyari sa amin"
"Bakit hindi mo sinabi sa aking may problema?" Nakilala ko ang pamilya ni Peter simula nang maging kami, yes he introduced me to his family. His father is a doctor at yung mama naman niya ay sikat na aktres. Nalaman ko ding pangalawang pamilya pala sila ng papa niya, a secret family dahil hindi alam ng una niyang pamilya ang tungkol dito. In other words, anak siya sa labas ng papa niya. Naaawa nga ako kay Peter noon dahil sobrang naaapektuhan silang magkapatid (he has a younger sister and her name is Paula) tuwing nag-aaway ang mama at papa nila.
"You were so happy at that time dahil nagbabakasyon kayo ng pamilya mo. Ayokong madamay ka sa kumplikadong sitwasyon namin." Yes I remember na Christmas vacation nun kaya I'm happily spending it with my mom and Van. Umuwi kami kina Lola sa probinsya para magkasama-sama. If I remember it right ay nagkausap pa kami ni Peter dahil tinawagan niya ako para kumustahin.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Novela JuvenilSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...