Nagising ako sa pakiramdam na may nanonood sa akin. Mabilis akong napabangon at nauntog sa kung ano.
"Sh*t" reklamo ng isang boses kaya agad akong napadilat at muntik na akong mahulog sa kama. Anong ginagawa niya dito?
"W-what are you doing here?" nanlalaki ang mga matang tinitigan ko siya.
"You forgot already? Sinusundo kita" sagot niyang sapo-sapo ang noo niya na siyang kinauntogan ko.
"I'm asking why are you here in my room. It's too early para sunduin mo ako" inis kong sabi saka nagtalukbong ng kumot.
"Sweetheart mag-iisang oras na ako sa baba kakahintay sayo. Your sister tried waking you up and you won't wake up. As much as I wanted to stare at your pretty innocent face whole day, I have no choice but to wake you up or else we'll be both absent at school."
"You didn't even try waking me up" reklamo ko habang nakatalukbong parin ng kumot.
"C'mon sleepy head. It's already 8:30 in the morning" gulat akong napabangon at nilingon ang orasan. Shit! I'm dead
"Bakit ngayon mo lang ako ginising?" inis at nagmamadali kong sabi papasok sa banyo.
"Nope. Don't blame me babe. Ang sabihin mo bakit ngayon ka lang nagising" he teased from the room.
Nagmadali na ako maligo at buti nalang ay wala na din si Prince sa kuwarto pagkalabas ko ng banyo. Tinapos ko na agad ang pagbibihis. I grabbed a pastel sweater and black skinny jeans from the closet and my sneakers to go with it.
Nagsisimula ng manlamig ang panahon ngayon kaya siguro hindi ko na namalayan ang oras.
"Salamat naman sa diyos at gising ka na anak" salubong sa akin ni mama pagkababa at pagkababa ko ng hagdan.
"Ma naman, you sounded like I'm in a coma for how many years" umiikot ang mga matang wika ko.
"That's not a good joke" seryosong komento ni Prince palabas ng kusina with a sandwich in hand.
"Ma late na kami. Kailangan na namin pumasok" paalam ko kay mama habang humahalik sa pisngi nito.
"Hindi ka man lang ba mag-aagahan? And this man over here-"
"Ipapaliwanag ko po mamaya pag-uwi ko" putol ko sa sinabi niya
"Naipaliwanag na sa akin ng kapatid mo anak. I just wanted you to know na nandito lang ako para sayo sa kahit anong desisyon mo sa buhay. I am happy for you" nagtataka ko naman siyang tinignan.
"Ma! Ano bang drama to? What are you talking about?"
"Aren't you guys in a relationship? Bakit hindi mo man lang sa akin sinabi anak? Kung hindi pa sa akin sinabi nitong boyfriend mo ay hindi ko malalaman" nanlalaki ang mga matang binalingan ko ng tingin si Prince and guess what? The jerk is grinning.
"Ma-"
"Tita una na po kami. I'm sure late na kami pareho ni Jane. Salamat po sa sandwich" putol nito sa sasabihin ko saka ako inakbayan palabas ng bahay.
Hanggang sa makapasok ako sa kotse niya ay hindi parin matanggal-tanggal ang kunot-noo kong mukha. What the hell just happened?
"Anong sinabi mo kay mama?" nagpipigil ng galit kong tanong sa lalakeng kasalukuyang minamaneho ang sasakyan papunta sa eskuwelahan.
"Just some stuff" he replied smiling
"Prince I'm serious" banta ko pero ang loko napangisi lang sa sinabi ko.
"Do you know that you look sexy when you're angry?" Aba't-
"Wala naman akong sinabing masama sa mama mo. In fact when I told her that I am your boyfriend she's delighted"
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Roman pour AdolescentsSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...