"You mean you are allowing him to leave?" hysterical na tanong ni Lorraine habang nakaupo kami sa coffee shop. We're back at school at kasalukuyan naming pinag-uusapan ang mga nangyari nitong nakaraang linggo.
"Oo naman. Wala naman sigurong mawawala. Tulad nga ng sinabi ko, ayaw kong maging hadlang sa mga pangarap niya."
"Ang tanong kaya mo ba?" tanong naman ni Talia sa tabi ko.
"Tama si Tals. Paano kung paligiran yun ng mga babae? Let me remind you, guwapo ang boyfriend mong yun. Hot pa! Aba! Paano kung maakit siya ng mga higad dun at makalimutan ka niya?" segunda naman ni Lorraine.
"Why are you girls so paranoid? Mangingibang bansa lang mambababae na?" saway naman ni William na nakaupo sa tabi ni Lorraine. Matagal-tagal din itong nawala kaya medyo na-miss ko ang presensya niya. Nakakatuwa lang na dati inis na inis ako pag nakikita siya pero ngayon sanay na ako. Siguro dahil nakilala ko na rin siya. I realized that he isn't bad afterall.
"Palibhasa lalake ka kaya nasasabi mo yan. Ikaw ba makakaya mong iwan ako?" Lorraine argued and William just laughed it out.
"Papayag ka ba?" asar ni William sa nakakunot-noo na niyang girlfriend.
"Subukan mo lang talaga" pananakot ni Lorraine sa pailing-iling na lamang na William.
"Ang gusto ko lang naman sabihin ay walang masama sa pag-alis ng boyfriend mo. Well meron if you guys don't trust each other. Wala namang kaso ang LDR eh, ang importante may tiwala at mahal niyo ang isa't-isa." wika ni William kaya napangiti ako. I never expected him to be this deep. May kabuluhan din pala ang mga pinagsasabi niya.
"Kailan ka pa naging love guru?" natatawang wika ni Lorraine na sinimangutan lang ng boyfriend nito.
"And when do I meet this guy you girls are talking about?"
"Soon" I smiled. Siguro magkakasundo sila ni Prince, parehong tahimik pero napakalalim ng pinaghuhugutan.
Hayy. Boys.~~~~~
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.
Napakunot-noo ako sa kanina pa hindi ma-contact na boyfriend ko. Susunduin daw niya ako pero hanggang ngayon ay hindi pa ito dumadating.
"Are you sure hindi ka na sasabay?" pang-ilang beses na yang tanong ni Talia sa akin pagkalabas pa lamang namin ng classroom. As usual ay may driver na nag-park sa harap namin para sunduin siya. Kanina pa nakaalis sina Lorraine at William.
"Salamat nalang Tals. Hihintayin ko nalang si Prince. I know he's on his way" wika ko na pilit itinatago ang pagkabahala. Kailanman ay hindi late yun sa paghahatid-sundo sa akin. Mas maaga pa nga yun kaysa sa akin.
"Okay. Just text us." pagkikibit-balikat ni Talia at nagbeso-beso kami bago siya tuluyang sumakay sa kotse nila.
Sinubukan kong tawagan ulit si Prince pero tanging operator lang ang sumasagot. Nagtataka tuloy ako kung ano ang ginagawa nito ngayon. Kaninang umaga lang ay magkausap kami sa telepono at nangako nga itong susunduin ako ngayon.
Hindi ko na alam kung ilang oras na ako naghintay. Lowbatt na rin ang cellphone ko kaya hindi ko na siya nasubukang tawagan ulit.
I decided to go home feeling disappointed sa hindi nito pagsipot. Nagpasya akong mag-taxi nalang dahil wala ng jeep na dumadaan. Aalis na sana ako pero nagulat na lamang ako nang may isang kotseng tumigil sa harap ko. Bumukas ang bintana nito at napag-alaman kong si Peter ang nagmamay-ari nito.
"What are you doing here?" gulat kong pahayag na tinawanan lang niya.
"Late lang na nakaalis. May inasikaso lang na project with groupmates. Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan. Why are you still here?"
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Teen FictionSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...