XBenzz TonXx: 'Sup?
Jenny Jane: Fine, 'bout you?
XBenzz TonXx: I feel great, ka-chat na ulit kita eh ;)
Jenny Jane: Ha. Ha. Ha.
XBenzz TonXx: What's funny?
Jenny Jane: You, duhh
XBenzz TonXx: Kinilig ka naman :)
Jenny Jane: Excuse me? Napakahangin!
XBenzz TonXx: Suss, kumusta araw mo?
Jenny Jane: Okay lang naman..
XBenzz TonXx: Sure?
Jenny Jane: Oo nga
XBenzz TonXx: Why do I feel like you're lying?Tumaas ang kilay ko sa tinuran niya. Bakit ba parang kilalang-kilala niya ako?
Napabuntong-hininga na lamang ako nang maalala ang mga nangyari ngayong araw.
Biyernes ngayon, nangangahulugang weekend na kaya walang pasok. Masaya akong naglakad papunta sa first class ko nang may aksidente akong mabangga.
"Sorry" sabay naming hingi ng paumanhin habang pinupulot ko ang mga librong nahulog sa sahig, tinulungan naman niya ako. Hindi ko parin siya tinitignan.
"Okay ka lang?" bakas ang pag-aalala sa boses nito. Napataas naman ang tingin ko sa kanya.
Peter.
Pareho kaming nagulat nang magkatinginan kami. Sa nakalipas na apat na buwan ngayon ko lang siya nakita ulit. Wala na akong naging balita sa kanya o di kaya'y sa kanila ni Hailey. Kahit co-maj kami ni anino niya hindi ko nakita. Napatitig ako sa mga mata niyang ngayon ay nakatitig parin sa akin, ang mga matang dati ay nagdadala sa akin sa paraiso, mga matang nasisilayan ko hanggang sa pinakailalim ng aking panaginip, mga matang ngayon ay naglalaman ng pagsisisi at panghihinayang.
Pero bakit? Para saan?
"Jenny" bulong niya pero narinig ko. Dati gustong-gusto kong tinatawag niya ang pangalan ko, para itong musikang gumigising sa pagkatao ko pero ngayon wala akong maramdaman kundi ang dahan-dahang pagbangon ng sakit na tumatarak sa dibdib ko, sakit na akala ko matagal ko ng naibaon sa limot.
"Peter" bigkas ko sa pangalan niya.
Tandang-tanda ko pa, noong 1st Anniversary namin, iniukit namin ang parehong pangalan namin sa katawan ng puno. May paniniwala kasi ang mga matatanda na kapag ginawa niyo yun ay malaki ang posibilidad na magtatagal ang relasyon niyo habambuhay. Masayang-masaya ako, hindi lang dahil sa magkasama kami ng araw na yun kundi dahil naniniwala akong siya na nga ang lalakeng makakasama ko habambuhay. Ngunit gumuho lahat ng pag-asa at pangarap na yun sa isang iglap lang.
Nilakbay ng tingin ko ang mukha niya. Ganun parin, napakaguwapo parin niya kahit medyo magulo ang pagkakaayos ng buhok niya. Ang kilay niyang madalas nagsasalubong, ang labi niyang dati ay kinaiinggitan ko dahil mas mapula ito kaysa sa labi ko. Ang mga mata niyang kulay abo na dadalhin ka sa pinakailalim ng mundo.
"Jenny okay ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong habang inaalalayan akong tumayo. Napaatras naman ako mula sa kanya, kita ko ang sakit na gumuhit sa mga mata niya nang gawin ko yun.
Nag-ipon ako ng lakas para umalis sa posisyong yun at maglakad palayo sa kanya, palayo sa sakit na nararamdaman ko. Bakit ngayon pa siya nagpakita? Bakit ngayon pa na malapit ko na siyang maibaon sa limot?
Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ako lumingon at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Nanginginig kong ikinubli ang sarili sa isang pader at doon pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan. Nagtubig ang mga mata ko, pinilit kong pigilan ang mga luhang bumabagsak sa pisngi ko pero wala akong nagawa kundi ilabas lahat sa pamamagitan nila. Naiinis ako sa sarili ko, bakit sa kabila ng mga ginawa niya pakiramdam ko..
pakiramdam ko miss na miss ko na siya?
Nanlalambot akong napaupo habang nakasandal sa pader at habang hinihintay na mapagod ang mga mata sa pag-iyak.
Dahil sa engkuwentrong yun ay late na akong nakapasok sa first class ko dahil kinailangan ko pang dumaan sa CR.
*Notification sound*
Muling natuon sa screen ang atensyon ko.
XBenzz TonXx: Still there?
Jenny Jane: Yeah, sorry may ginawa lang
XBenzz TonXx: Busy ka ba? Naiistorbo ba kita?
Jenny Jane: Di naman, okay lang
XBenzz TonXx: May problema?
Jenny Jane: Wala
XxBenzz TonXx: I told you puwede mong sabihin sa akin ano man ang problema. Lahat ng kinikimkim hindi nagdudulot ng maganda.
Jenny Jane: Hindi ko alam na may side kang ganyan hehe
XBenzz TonXx: Hey I'm trying here!
Jenny Jane: Well thank you for that, it's comforting. By the way what's your name? I mean, your real name.
XBenzz TonXx: oh my bad, I'm Drake
Jenny Jane: Thanks Drake, you're not that bad though
XBenzz TonXx: My pleasure :)Naramdaman kong may tumabi sa akin sa kama, hindi ko na nilingon dahil alam kong si Van. Dumapa ito sa kama katabi ko.
"XBenzz TonXx..." basa nito sa pangalan ng ka-chat ko.
"Hindi ko alam na Jejemon na pala ang gusto mo ngayon ate" natatawang wika nito kaya lihim ko siyang kinurot sa tagiliran, dahilan para mapadaing ito.
"FYI hindi ko siya gusto noh" asar kong sabi and she laughed.
"Ooooh so that explains the ear-to-ear smile while chatting" pang-aasar pa nito at inikutan ko siya ng mata.
"His name is Drake"
"Ang layo naman sa ginagamit niyang pangalan"
"Personal choice maybe"
"Ang sabihin mo baka may tinatago"
"I doubt that"
"Be careful though, malay natin wanted pala siya o di kaya stalker"
"Itigil mo na ang pagbabasa ng fictions, kung saan-saan ka dinadala ng imaginations mo eh" naiiling kong wika
"Prevention is better than cure Ate"
"Oo na! Bumalik ka na dun sa kama mo!" inis kong sabi saka naman ito tumayo at bumalik na sa kama niya.
Jenny Jane: Still there?
XBenzz TonXx is offline
Pabalang kong isinara ang laptop ko. Hindi man lang nagpaalam! Hmp.
"Ate"
"Ano?"
"Nasabi ko na bang pumunta dito si Peter nung isang araw?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ipinatong ko ang laptop sa bedside table saka pagod na nahiga sa kama.
"Hindi. Anong sabi?"
"Pumunta siya dito nung isang araw. Late na kasi akong nagising nun. Inabutan ko siya sa labas ng bahay, parang may hinihintay. Nung nakita niya ako tinanong niya kung nasa bahay ka pa ba, sabi ko nauna ka ng pumasok. Gusto ka daw niya makausap" mahabang paliwanag nito. Kilala na nina Mama at Van si Peter dahil naipakilala ko siya noong 1 month palang ang relasyon namin. Botong-boto sa kanya si Mama pero nang nalaman niya ang mga nangyari galit na galit siya.
"Nakita ba siya ni Mama?"
"Hindi. Wala na si mama nang umalis ako ng bahay"
Napahinga naman ako ng maluwag.
"Pero ate nagkausap na ba kayo?"
"Hindi pa"
"Bakit hindi mo siya kausapin?"
"Para saan pa Van? Wala na kami at isa pa hindi ko kailangan ng mga paliwanag niya"
"Malay mo eto na lang ang kulang para makamove-on ka na talaga. Baka closure lang ang kailangan niyo"
Mapait akong natawa sa tinuran niya. Wala akong maapuhap na sagot.
"Baka kapag narinig mo ang paliwanag niya at nagkausap kayo ay masagot na ang mga tanong mo. Baka kailangan mo lang buksan ang sarili mo ate...."
"Hindi ko alam Van..hindi ko kaya"
Wala na akong narinig pang muli kay Van, nakatulog na ata. Napaisip ako sa sinabi niya. Dapat ko ba siyang kausapin? Paano kung magsinungaling lang siya? Anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Teen FictionSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...