"Sigurado ka bang ayaw mo munang mag-stay?" pang-ilang tanong na ni Talia sa akin nang mapagpasyahan kong magpaalam na sa kanila. Nasa isang restaurant kami, 25 mins. away from school. Dito nagkaroon ng kunting celebration ang football team pagkatapos nila maipanalo ang match kanina.
Nandito rin ang ilang kaibigan at kakilala nila para makisaya. Sadly, wala si Nelly at Venice. Hindi na namin sila nakita simula nang magpasukan. Hindi na namin sila nahanap during the match dahil sobrang madaming tao.
Kakasimula pa lang ng laro na inihanda nila pagkatapos naming kumain nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Prince na papunta na siya para sunduin ako. I texted him while we're leaving school kung saan kami pupunta kaya alam niya kung saan niya ako susunduin ngayon.
"Oo Tals. Papunta na si Prince dito para sunduin ako." I looked at her apologetically. I know how awkward is this for her since magkatabi pa sila ni Harold. Lorraine's busy talking with her boyfriend and his friends.
"Can't you tell him to stay for awhile?" she pleaded with her eyes. Kita ko naman sa peripheral vision ko ang mga titig sa kanya ni Harold kanina pa.
"Oonga Jen. Hindi naman siguro masamang mag-stay muna ang boyfriend mo." dagdag ni Harold.
"Oh Jen! Nandito na pala prinsipe mo eh!" pagbibigay alam ni Lorraine na mukhang narinig ng lahat dahil napalingon sila sa entrance kasabay ko.
Agad kong nakita ang guwapo kong boyfriend na naglalakad papalapit sa table namin. Nasa akin lang ang tingin nito habang nakapamulsa at nakangiti.
"Hi babe" bati nito sa akin at hinalikan ako sa noo nang makarating ito sa puwesto namin.
"Hello" sagot ko habang pilit itinatago ang nag-iinit kong mga pisngi.
"So puwede na ba tayong umalis?" tanong nito na tinanguan ko lamang.
"Pare! Why don't you stay for awhile? Sayang naman itong pagkakataon na ito para makapag-inuman. Hindi mo pa nga kami nababati, aalis na kayo agad?" biro ng isa sa mga kaibigan nina William.
"Tama si Vin. Wala namang mawawala kung mag-stay muna kayo. Cookie girl, hindi mo man lang ba kami ipapakilala jan sa boyfriend mo?" dagdag pa ni William. Napataas naman ang kilay sa akin ni Prince sa tawag sa akin ni William.
"Sorry. Prince, this is William, boyfriend ni Lorraine and they are his friends and teammates. Guys, this is Prince, boyfriend ko." pagpapakilala ko sa kanila.
"You guys shall stay. Hindi pa tapos ang kasiyahan. Don't be so KJ" komento ni Lorraine na tinanguan nilang lahat.
"Hindi na. Kailangan na naming-"
"Sure. Maaga pa naman" sang-ayon ni Prince sa alok nila. Binigyan ko naman siya ng "are you sure gusto mong mag-stay?" look and he smiled at me reassuringly.
"Tama yan! Now let's cheers!" one of the guys announced raising his glass na sinundan naman naming lahat.
"Cheers!" we chorused.
~~~
"What is he doing here?" bulong ni Lorraine habang nakatingin sa may entrance. Napalingon naman kami ni Talia sa tinitignan niya at nakita ko si Peter na naglalakad papalapit sa table namin.
"Probably to congratulate the team?" bulong ko pabalik at pinagtaasan lang ako ng kilay ng dalawa kong kaibigan.
As decided, nag-stay muna kami na ikinatuwa ni Lorraine at Talia. Nagpatuloy ang mga kuwentuhan at tawanan, ganun din ang mga inihanda nilang laro. We played truth or dare at napunta sa hot seat sina Harold at Talia. Tuwang-tuwa nga kami ni Lorraine sa panay iwas nito sa mga tanong at mas pinipiling mag-dare nalang. Si Harold naman ay naging sentro ng tuksuhan ng mga kalalakihan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naduwag daw ito sa ibang babae. It's very obvious that they like each other.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Teen FictionSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...